Joross Gamboa on concept of first directorial job: "Tungkol ito sa lalaking allergic... tigasan."

IMAGE Jerry Olea

Joross Gamboa's first directorial job, Allergy In Love, will be shown in ABS-CBN's version of Netflix.


Natapos na ni Joross Gamboa ang shooting ng unang pelikulang idinirek niya.

“Ine-edit na lang namin yung Allergy in Love,” masayang bulalas ni Joross nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nong Hunyo 24, Linggo, sa Ormoc City, kung saan nakisaya siya sa 2nd Piña Festival.

Nasa cast nito sina Cholo Barretto, Ketchup Eusebio, Ina Feleo, at mga kaibigang artista na sumuporta.

“Tungkol ito sa lalaking allergic... tigasan,” seryosong sambit ni Joross, na biglang humagalpak.

“Iyong comedy niya, tinarget namin yung iba’t ibang klase ng comedy.

"Pero yung pinakakonsepto niya, medyo may pagka-naughty dahil allergic ka nga sa sexual arousal.”

Kailan ito ipalalabas?

“Lalabas ito sa Digital ng ABS-CBN,” ani Joross. “Magkakaroon sila ng parang Netflix din. Parang ganu’n.”

Lalabas din sila sa mga sinehan?

“Hindi, e. Saka yung tema nito, hindi siya pangsinehan, e.”

Sa Netflix, bongga ang mga hubaran, romansahan, at kapilyuhan.

“Oo. Ang Digital, hindi sakop ng MTRCB,” pakli ni Joross.

Kumusta ang pagiging first-time director?

“Ay, masaya! Nae-enjoy ko. At ngayon, meron pa akong mga susunod na gagawing project.”

Feel na feel niya ang pagiging Direk Joross?

“Ay, hindi naman. Ano naman yun, half-half pa ngayon...

"Kaya ganito ngayon ang mukha ko... mukhang direktor! Ha! Ha! Ha!" sabi ni Joross, na balbas-sarado ngayon.

Alin ang mas enjoy, pagdidirek o akting?

“Sa akin naman, parehas. Parehas. Parehas.

"Kasi, gusto kong gayahin si Coco [Martin],” pag-amin ni Joross.

“Kaya pumasok ako sa FPJ’s Ang Probinsyano, gusto kong pag-aralan yung style niya, na siya yung direktor, siya rin ang aktor.

“Gusto ko ring maging aktor.”

Si Coco ang nagdirek ng pelikulang Ang Panday na pinagbidahan niya, at official entry sa MMFF 2017.

Ididirek din ni Coco ang MMFF 2018 entry na Popoy en Jack: The Puliscredibles na sila ni Vic Sotto ang mga bida.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN