John Lapus recalls events leading to inclusion as director in Cinema One Originals 2018

John Lapus is thankful for chance at writing and directing a movie. "Napakabait ni Lord. Wag muna Niya sana akong kunin. Charot!"



Mabilis na na-grant ang birthday wish ng TV and film comedian John “Sweet” Lapus noong nakaraang July 7.

Ang wish ni Sweet sa kanyang 45th birthday ay ang maging isang director na siya.

Noong July 10, tatlong araw lang matapos ang kanyang kaarawan, ay kumpirmado na ang directorial debut ni Sweet via Cinema One Originals 2018 sa full-length film category.

Ididirek ni Sweet ang sinulat niyang script na may titulong Pang MMK.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Sweet noong July 10 via Facebook Messager.

Dito ay kinuwento niya ang naging timeline mula sa pag-pitch niya ng kanyang script hanggang sa sabihin na sa kanya ang magandang balita na siyang katuparan ng kanyang birthday wish.

Aniya, “Napakabilis ng pangyayari.

“Pumasok ako sa Top 30 na nag-pitch last February 2018 for Cinema One Originals 2018.

“Unfortunately, hindi ako nakapasok sa Top 9.

“Tinext ako ng Cinema One Originals staff last Wednesday [July 4],  if I’m willing to repitch my first full length script titled Pang MMK the next day, Thursday [July 5], kasi may nag-backout daw.

“I said ‘sure’, wala naman mawawala sa akin.”

Patuloy niya, “Nagpunta ako ng Thursday to repitch. May sinundan akong five filmmakers. Hindi ko lang alam kung ilan kaming pinabalik. Ako ang last sa mga nag-repitch!

“Same lang naman nong pitching last February. But this time sabi ko, ako na ang magdidirek kasi nag-aral naman na ako sa Cinemalaya Foundation with Direk Carlitos Siguion-Reyna.

“'Tapos, Friday [July 6], sinurprise ako ng mga friends ko at sinalubong namin ang birthday ko ng 12 midnight.

“Nag-blow ako ng cake at winish ko na sana maging director ako.”

Kinabukasan, July 7, ay nag-guest si Sweet sa radio show ng PEP Troika member na si Noel Ferrer.

Patuloy na kuwento niya, “Nag-yes ako sa kanya kahit birthday ko mismo ang araw na 'yon kasi sino ba naman ako para maging guest ng two and a half hours na radio program?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Na-touch ako at matagal ko ng friend si Noel.

“Maaga ako umuwi that day kasi 9:00 AM ang first day of class kay Sir Ricky Lee.”

Ang tinutukoy na klase ni Sweet ay ang scripwriting workshop ng tanyag na manunulat na si Ricky Lee. Kabilang sa mga screenplay nito ang Salome, Moral, Himala, at Andrea, Paano ba maging isang ina?

Isa si Sweet sa masuwerteng mapabilang sa Batch 19 ng mga estudyante ni Ricky.

Ani Sweet, “Sunday [July 8], nag-first day ako as Batch 19 ng scriptwriting workshop ni Sir Ricky. Nag-Klownz pa ako sa gabi kahit pagod, kasi tag-gipit tayo ngayon.”

Ang Klownz ay ang comedy bar kung saan nagi-stand-up shows pa rin si Sweet. 

Noong July 9 naman daw ay nagtrabahong muli si Sweet, para sa taping ng Since I Found You.

Patuloy niya, “Laban lang kahit pagoda [pagod]. Natulog ako sa set after mag-lunch.”

Habang tulog daw siya ay nakatanggap siya ng text message na nagtatanong kung puwede siyang makipag-meeting kina Direk Olive Lamasan at Ronald Arguelles, ang channel head ng Cinema One.

“Sabi ko sa nag-text 'Bakit, anong chika?' Sagot niya, 'Kayo po napili!'

“Naalimpungatan ako! Natulala ako! 'Tapos umiyak ako sa portalet at nagpasalamat sa Diyos!” salaysay ni Sweet.

Mainit ang naging welcome kay Sweet ng mga taga-Cinema One Originals dahil kasama na siya sa Final 9 na may official entry sa full-length film category.

Kuwento niya, “Tuesday [July 10], na-meet na nila ako to formally welcome me as part of the Final 9. May konting bilin at questions ang suggestions.

“Bumaba ako para magyosi. Aba, nagdagsaan na ang text at messages sa Facebook.

“In-announce na pala ni Ronald sa FB page niya.”

Ang sinulat na script ni Sweet na Pang MMK ay isang comedy na tungkol sa mga nagaganap na eksena sa burol ng tatay ng main character sa istorya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pang MMK is based on an MMK [Maalala Mo Kaya] episode 20 years ago.

“Comedy siya. Wala pa kaming cast.

“Heto at nagla-line-up pa lang ako with the help of my friends,” aniya.

Dahil sa magiging busy na rin si Sweet sa directorial debut niya, mapagsasabay pa ba niya ang mag-taping at rumaket sa comedy bars?

“Kaya ko naman pagsabayan ang taping ng SIFY at shooting nito.

“Ako pa ba?! Laban!

“At siguro confident din ako kasi nag-aral na ako kay Direk Carlitos at nandyan ang mga kaibigan kong directors na willing tumulong sa akin.

“Eto nga at kino-consult ko na sila.”

Nabanggit na rin ni Sweet na kulang ang industriya ng comedy directors sa pelikula at malaking kawalan ang namayapang si Wenn Deramas.

Sa tingin ba ni Sweet na siya ang puwedeng pumalit sa naiwan na puwesto ni Direk Wenn?

“Naku, walang puwedeng pumalit kay Direk Wenn.

“Siya na 'yon.

“Ako naman ay gusto lang magsulat at magdirek para sa ekonomiya.”

Dagdag pa ni Sweet, “Mahina na ang offers bilang artista. Naghahanda pa lang nga ako, aba 'eto at napaaga naman.

“Birthday wish that came early.

“Napakabait ni Lord. ‘Wag muna Niya sana akong kunin. Charot!” 

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN