Mary Joy Apostol reacts to her triumph over Sharon Cuneta, other stars at The 2nd Eddys

IMAGE Allan Sancon

Mary Joy Apostol is overwhelmed with the awards and opportunities she's been receiving since starring in the 2017 film Birdshot. "Sobrang simple po ako noong bago po ako nag-Birdshot. Kahit po noong bata po ako hindi ko po ini-expect na mapapanood ako sa TV, makaka-acting ako. After po ng Birdshot, doon po nagbago yung buhay ko."


Nagpahayag ng kanyang labis na kasiyahan si Mary Joy Apostol nang mapanalunan niya mula sa 2nd Eddy Awards (The Eddys) ang Best Actress trophy para sa pelikulang Birdshot.

Abot hanggang-tenga ang ngiti ni Mary Joy sa award na natanggap. Sa exclusive interview sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa awards night na ginanap sa Solaire Theatre, sinabi nitong first time niyang tumanggap ng acting award sa personal.

Ayon sa 20-year-old indie actress, “Grabe po, sobrang saya ko po, first time ko pong nakakuha ng award na ako po ang kumuha.

"Kasi yung ibang award ko po hindi ko po nakuha, like yung sa Vietnam [Film Festival] at sa FACINE [Film Festival] sa ibang bansa.

“Sunud-sunod po siyang inilaban last year, 2017, yung Birdshot sa ibang bansa.”

Tinalo ni Mary Joy sa Best Actress category sa The Eddys ang kilalang mahuhusay ring mga aktres na sina Bela Padilla (100 Tula Para kay Stella), Alessandra de Rossi (Kita Kita),  Joanna Ampil (Ang Larawan) at Sharon Cuneta (Unexpectedly Yours).

Ayon kay Mary Joy, wala siyang ideya o pakiramdam na siya ang hihiranging best actress sa gabi ng parangal.

Aniya, “Wala po talaga akong ideya, kasi nakita ko naman po kung sino yung mga kasamahan ko [sa Best Actress category] at iniidolo ko rin naman po yung mga yun. So, unexpected po talaga.”

Hindi pa raw nararamdaman ni Mary Joy ang impact ng pagkakapanalo matapos niyang tanggapin ang kanyang tropeo.

Patuloy pa niya, “Actually kahit naman po after nung Birdshot, ang hirap pong i-sink in sa akin kasi hindi ko ini-expect na mangyayari sa life ko itong ganitong... yung mari-recognize ako even po sa ibang bansa.

"Sobrang blessed po ako."

Hindi ka ba nag-aalala na baka ma-bash ka sa social media dahil tinalo mo ang ilan sa mga mabibigat na aktres na maraming fans at followers?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tugon niya, “Ready naman po ako pero sa mga ganon pong mga bashers, sa tingin ko hindi naman po dapat yun isipin kung hindi naman po totoo.

“Or imbis na isipin po yung basher, isipin na lang po natin yung mga sumusuporta.

“Naniniwala po ako na mas marami pong naging masaya kaysa sa naging malungkot.”

Hanggang ngayon itinuturing ni Mary Joy na isang malaking milagro ang mga magagandang nangyayari sa buhay mula nang pasukin niya ang paga-artista.

“Actually po, sobrang simple po ako noong bago po ako nag-Birdshot. Kahit po noong bata po ako hindi ko po ini-expect na mapapanood ako sa TV, makaka-acting ako.

"After po ng Birdshot, doon po nagbago yung buhay ko.

“Before po nag-a-acting din po ako pero sa mga thesis films.

"Pero po nung nag-Birdshot ako nandun na po yung mga opportunity like may mga kumukuha na po sa akin, may mga nagtitiwala na po sa mga performance ko, and sobrang happy po.”

May mga kumuha na rin daw kay Mary Joy sa ibang pelikula, maging sa mga TV shows. 

“Ngayon po, wala naman pong regular shows, kinukuha lang po ako like sa MMK [Maalala Mo Kaya].”

Kahit anong istasyon raw ang kukuha kay Mary Joy para maging contract star, bukas siya sa ibibigay sa kanyang chance.

“Wala po akong problem sa ganon, as long as happy po ako sa ginagawa ko and as long may opportunity po iga-grab ko po yun.”

Maging sa mga artistang makakasama sa pelikula o teleserye, ipinauubaya na raw niya ito sa kung ano ang ibibigay sa kanyang project.

Paliwanag niya, “Lahat po kasi, actually mula nong nag-start ako, parang lahat po ini-idolo ko na.

“Pero may mga idol po ako like sina Maja Salvador, Toni Gonzaga, Paulo Avelino... yung mga ganon.

“Sa TV naman po, gusto ko pong makasama si Kuya Paulo Avelino po.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabay-sabay raw halos ang magagandang pangyayari sa buhay niya ngayong taong ito dahil bago nasungkit ni Mary Joy ang Eddys best actress award, nagawa niyang makatapos ng kurso sa kolehiyo.

Pagbabalita pa niya, “Ngayon po kakatapos ko lang pong maka-graduate ng college. Sa course po ng Tourism Management, sa Bulacan State University.

“Natapos ko yung schooling ko, thank God. At ngayon po siguro kung merong opportunity bibigyan ko ng time itong showbiz po. Kung meron pong opportunity, iga-grab ko po talaga.”

Isa pa sa hindi makakalimutang pagkakataon ni Mary Joy sa pagdalo niya sa Eddys ay nang makita niya sa personal ang Superstar na si Nora Aunor.

Sabi ng young actress, “Pareho kaming nanalo sa FACINE, nag-tie po kami sa best actress.”

Nanalo si Nora para sa pelikulang Hinulid.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN