Did Anne Curtis postpone baby plans because of her action movie?

Anne Curtis on her injuries while doing Buy Bust: "Buti na lang long sleeves yung [wedding] dress ko, kasi puro sugat yung arms ko."


Sa dalawang taon na paggawa ni Anne Curtis ng pelikulang Buy Bust ng Viva Films at Reality Entertainment Inc. na tila bugbog-sarado na ang kanyang katawan sa hirap na kanyang pinagdaanan, marami ang curious kung dumating ba siya sa puntong gusto na niyang mag-give up?

Ayon sa revelations niya sa grand press con ng pelikulang ito na ginanap sa Playhub, Quezon City, nasuntok na ang kanyang mukha, nagkaroon siya ng sugat at pasa-pasa sa katawan, pero itinuloy pa rin niyang gawin ang instructions ng kanilang director na si Erik Matti.

Pahayag ng ABS-CBN actress, “Never, never.

“Masyado akong competitive sa challenge, and I want to take the challenge.

“The most siguro sa akin ay ‘pag hindi...halimbawa,’ cut’, kalahati na lang, e, matatapos na yung eksena tapos na-cut pa.

“The most for me when frustrated is, ‘Waaaa!,’ na isinigaw niya talaga ito.
“Pero, hanggang dun lang ‘to.”

May mga minor accidents nga raw na nangyari sa kanya.

Aniya, “Madami po.

“Nakailang pasok ako sa Showtime na maraming lates, na puro pasa ang legs, na puro pasa ang arms ko.

“Yung kasal ko. Buti na lang long sleeves yung [wedding] dress ko, kasi puro sugat yung arms ko...fresh wounds, ha?

“Yes, it was the first time na I was punched in my face by a man.

“Hindi naman niya sinasadya. Ano lang, hindi lang natantiya.

“So nasapok ako sa mukha.

“And dito [sabay turo sa kanyang baba]. Akala ko ay natanggal ang ngipin ko, so hinawakan ko ng ganito, and it’s still there.”

Sa mga pagkakataon daw na nangyari yun, pinilit niya ang magpakatibay at hindi panghinaan ng loob.

“Sa pagtingin ko, nakita ko ay puro lalaki, so, ayaw kong umiyak.

“Kahit gusto kong umiyak, pero ako, dahil nag-iisa akong babae, gusto kong patunayan na kaya ko.

“Kaya hindi talaga ako umiyak.

“Yes, I was physically injured during shooting of this film, pero alam mo yun, masaya siya, e,” at napangiti pa si Anne.

Ano nga ba ang naging reaksiyon ng kanyang asawang si Erwan Heussaff nang makita nito ang mga pasa’t sugat sa kanyang katawan?

Natatawang sabi ng 33-year-old actress-TV host, “Mas lalo niya akong bineybe.
“You know in fact, this gonna make this movie more exciting to see this film, kasi he saw how much effort I put in this movie.

“Siyempre, lahat ng mga pelikulang ginawa ko ay proud naman ako. At siyempre, gusto ko namang panoorin niyo ang lahat nang ginagawa kong pelikula.

“Wala akong pelikulang ginawa na hindi ako proud, pero siguro mas gusto ko silang panoorin itong pelikula kasi, two years of our lives to shoot this were dedicated.

“And iba, e. Each and everyone of us sitting infront of you gave our best.

“We gave every best effort to bring into the table every single day, that’s why I want to see this film.”

Ito ba ang dahilan kung bakit ang pagkaroon ng anak ay mukhang wala pa silang plano?

Ani Anne, “No, hindi dahil sa pelikula.

“It was more of I truly believe in enjoying the first year of our marriage.

“Ganun kami, lalo na’t gusto pa naming mag-travel together. Magha-honeymoon pa kami.

“Hindi naman na ako bata pa. Nagdasal naman ako, kaya hindi naman.”



ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN