Glaiza de Castro names this ex-Kapuso star as one of her favorite actresses

Glaiza de Castro gets chance to work with ABS-CBN actor Khalil Ramos in the Cinemalaya 2018 entry Liway.



Hands-up agad si Glaiza de Castro sa labanan for Best Actress category sa 14th edition ng Cinemalaya Film Festival this 2018. Bida si Glaiza sa isa sa mga Cinemalaya official entry na Liway sa direksyon ni Kip Oebanda.

“Marami kasi, e. Tapos nandiyan yung isa sa mga pinakapaborito kong aktres. Si Iza Calzado,” pag-amin ni Glaiza noong makausap namin siya sa Cinemalaya grand media launch kamakailan.

“Nakita ko siya [naisip ko], ‘Ay, tapos na!’ Nung nakita ko yung ko yung mga entries, ‘Ay, tapos na. Yun na ‘yon.’ Hahaha!”

Sa tingin ba ni Glaiza, hindi siya mananalong Best Actress?

“Masaya na ako na nakapasok ako sa Cinemalaya this year. Masaya ako na natuloy siya dahil nung una parang nawalan na ako nang kumpyansa dahil, ah, unang-una doon sa schedule.

“Nung una parang hindi na ako napayagan ng management dahil gusto nila mag-focus ako sa serye."

Ang tinutukoy niya ang GMA-7 afternoon series niya na Contessa kunsaan siya ang gumaganap ng title role.

“Tapos nung sinabi na parang hindi na nga raw keri ng schedule ko, parang nalungkot talaga ako kasi nabasa ko rin yung synopsis. Nabasa ko yung script. Gusto ko talaga siya. Tapos nung mga ilang araw, siguro pinaglaban. Hehehe.

“Saka tinanong din ako ng manager ko. Sabi niya, ‘Kakayanin mo ba? Gusto mo bang gawin?’ Sabi ko, ‘Gusto ko.'”

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Glaiza ng teaser ng Liway at nilagay ang synopsis ng Cinemalaya 2018 entry na Liway: "A true story about a young mother with a mysterious past who uses storytelling to protect her child from the realities of growing up inside a prison camp during the Martial Law."

Nagkaroon ng pagkakataon si Glaiza na makatrabaho ang ABS-CBN actor na si Khalil Ramos sa Cinemalaya 2018 entry na ito.

Ano ang nagustuhan niya sa kanyang role sa Liway?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s another learning experience for me, personally and professionally. Kasi ano, e, alam ko na sa bawat hirap na mararanasan ko, alam ko may satisfaction in the end.

"I mean, hindi lang about the awards. Siyempre, masaya kung meron, di ba?

“Pero malalalaman natin kapag napanood na, e. Kasi kahit ako, gustuhin ko man i-envision yung mga nagawa, yung mga eksena namin, di ba? Gusto ko ring i-surprise ang sarili ko na kapag napanood ko siya yung, ‘Shocks! Ayos! Ayun pala ‘yon.”

Sa palagay niya, bakit kailangang unahin panoorin ng publiko ang Liway more than the other entries sa Cinemalaya?

“Ah, unang-una, it’s a very positive film, e. Contrary to what the synopsis might actually, uhm, appear on paper or on teaser. Kahit na set siya during the Martial Law may hope naman during that time. I think, yung kwento ni Liway ay isa sa mga inspiring stories of sacrifice, of perseverance, of love, ganoon ko siya nakita, e, instead of focusing on the political aspect of the film.

"Kasi ang dami ring entry tungkol sa ganung topic, e.

“E, ako naman hindi naman ako makakapagsalita myself dahil wala naman ako nung time na yun. So, hindi ko talaga alam kung ano ang nangyari. Pero masasabi ko na we’re not imposing anything sa pelikulang ‘to. It’s just a true story on cinema na gusto naming ibahagi sa mga tao na manonood.”

Naka-dalawang pelikula na si Glaiza sa Cinemalaya: ang Still Life at I-Libings.

“Isa ito sa pinaka, oo, mabigat din yung I-Libings pero masasabi ko na eto talaga yung…sinagad-sagad.

“Pinakamahirap talaga ang Liway sa mga nagawa ko na sa Cinemalaya, oo.

“Saka true-to-life and there’s more pressure when it comes to doing something that really happened. Based on a true story siya.”

Pinakita nito ang buhay ni Ma. Cecilia Flores-Oebanda na kilala biang Kumander Liway. Siya ay commander ng New People’s Army (NPA) sa Negros Occidental noong panahon ng Martial Law. Nang mahuli siya at makulong, ipinanganak niya ang kanyang anak na si Kip sa loob ng kulungan. Si Kip ang director ng Liway.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano naman ang masasabi niya sa kanyang direktor sa Liway?

“Ah, masasabi ko na sobrang relax in contrary to the project na ang bigat. Pero kapag kinakausap ko siya, ang lumanay. Walang bahid ng kung anumang ano, fierceness. Meron man, I think, kapag pinaguusapan na yung nangyari nung panahon na yun. Kasi syempre, kwento niya, lumaki siya doon.”

Prior to doing Liway, ano ang mga narinig niyang kwento tungkol sa Martial Law?

“Hindi ako masyadong makapagsalita tungkol doon dahil siyempre hindi naman ako alive nung mga panahon na yun. Pero iba-iba yung, oo, hindi pa ako naipanganak noong panahon ng Martial Law. Hindi pa ako nabuhay. May iba-ibang konteksto. May iba-ibang bersyon. May mga tao na nagsasabi na mas naging disiplinado, may mga ibang tao na nasira ang buhay.

“So, hindi ko alam kung saan ako doon. Pero nung ginawa ko ang pelikulang ‘to nagkaroon ako ng another perspective of it na masasabi kong eto talaga ang nangyari, yung ganoon.”

After the doing the film, ano ang nabalangkas sa isipan niya tungkol sa Batas Militar?

“Well, ganoon pa rin. Ah, dahil syempre, you know, it’s just you know, one of the many stories. It doesn’t actually complete the whole scenario, di ba? Maraming factors, e. Pero masaya na ako na meron akong isang truth na nakuha.”



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN