Garie Concepcion felt bad over postponement of her psycho-thriller movie

IMAGE Glen Sibonga

Garie Concepcion plays the wife of Ruben Maria Soriquez in the pyscho-thriller movie The Lease.


Ikinalungkot ni Garie Concepcion na hindi naipalabas sa scheduled playdate noong Wednesday, July 25, ang pinagbibidahan niyang psycho-thriller movie na The Lease. Kasama ni Garie ang Italian actor na si Ruben Maria Soriquez sa pelikula na produced by Utmost Creatives, See Thru Pictures, at Villa Nonita.

Sa ipinadalang statement ni Garie sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pamamagitan ng text noong July 26, sinabi niyang desisyon daw ng kanilang producer na i-postpone ang showing ng pelikula kaya hindi raw siya makapagbibigay ng anumang detalye.

Humingi rin siya ng paumanhin sa mga taong nag-abang na maipalabas ang pelikula lalo na ang kanilang supporters. Sinisigurado naman niyang maipalalabas pa rin ang The Lease this August, pero hindi pa niya masabi ang panibagong playdate.

Narito ang buong statement ni Garie:

“The decision to postpone the first day of showing was made by our producer.

"My apologies if I will not be able to give exact details as to why our playdate was moved. I think it would be best to talk to our producer about this.

“I personally feel bad for our supporters who waited yesterday (July 25). We are sorry po for this. One thing I can guarantee is that we will have a new playdate next month so I hope everyone can patiently wait and continue to give us the same love and support.”

Excited pa naman si Garie dahil ito ang kauna-unahang lead role niya sa pelikula. Ang saya-saya rin niya pagkatapos ng matagumpay na premiere night ng The Lease na ginanap sa SM Megamall Cinema 7 noong July 17.

Dumalo pa sa event ang pamilya niya sa pangunguna ng kanyang inang si Grace Ibuna pati na ng kanyang lolo. Hindi man nakapunta ang ama niyang si Gabby Concepcion, may representative naman mula sa side ng dad niya dahil present ang Tita Sandy niya na kapatid ni Gabby. Buo rin ang suporta sa kanya ng singer boyfriend niyang si Michael Pangilinan sa premiere night dahil kasama rin nito ang pamilya nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

RUBEN’S STATEMENT.


Nagpadala rin ng statement sa PEP.ph sa pamamagitan naman ng Facebook messenger ang co-actor ni Garie na si Ruben Maria Soriquez. Inamin niyang disappointed siya na hindi naipalabas ang The Lease noong July 25.

Katulad ng sinabi ni Garie, inihayag din ni Ruben na desisyon ito ng kanilang producer.

Ayon sa statement ni Ruben: “I was a bit disappointed because I made efforts to promote the July 25 release to all my friends and fans. The producer decided to postpone the playdate since a new distributor would get us more theaters.”

Umaasa pa rin siya na maipapalabas ang The Lease sa susunod na buwan. Ibabalita na lang daw niya kapag mayroon nang kumpirmadong playdate.




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN