Will Winwyn Marquez accept sexy roles like her mom Alma Moreno?

Winwyn Marquez comments on possible comparisons with her and her mother Alma Moreno.


Hindi itinatanggi ni Winwyn Marquez ang excitement niya at naramdamang pagka-starstruck nang gawin niya ang pelikulang Unli Life na pinagbibidahan ni Vhong Navarro.

Ang comedy film sa ilalim ng direksyon ni Miko Livelo ay entry ng Regal Entertainment Inc. sa 2018 Pista ng Pelikulang Pilipino ng FDCP.

Nakangiti pang bungad na pahayag ni Winwyn, "Ngayon lang ako naka-work na super-super literal na big star. Kasi bata pa lang ako pinapanood ko na si Vhong, Streetboys pa lang siya. Sinabi ko sa kanya noong una.”

Ang Streetboys ay sikat na dance group nong '90s na binuo at minanage ni direk Chito Roño.

Kuwento pa ng GMA-7 actress, “Tapos nung makilala ko siya, ang bait pala niya, he treats equally, walang ka-ere-ere, hindi siya mayabang.

“Kapag kinakabahan na ako sa set, tinuturuan niya ako kung anong dapat gawin.

“First time ko kasing mag-comedy. Yung mukha ko nagiging mataray, e. Kasi sanay akong mag-kontrabida sa TV.

“Ngayon lang ako nagkaroon ng lead [role].

“Actually, yung first film ko, 10000 Hours. with Robin Padilla. Pero anak lang ako doon ni Robin pero hindi sya full length.

“Ito [Unli Life] ang first ever kong full length.”

Mapapanood sa trailer na lang kasama ng karakter ni Vhong sa laging pagta-time travel nya.

Pagbabahagi ni Winwyn sa kanyang role, “Ako si Victoria, ako yung girlfriend ni Benedict. Ako yung way kung bakit malalaman yung wish whiskey. Yung whiskey kasi ang way niya para balikan ang past.

“Nung na-heartbroken siya, nagpunta siya ng bar at nakita niya yung Turning Point [name ng bar]."

Ayaw mag detalye ni Winwyn ng ilang conflict ng movie sa paga-alalang baka hindi na ito panoorin pa ng mga tao.

“Kailangan nilang panoorin kasi pag kinuwento ko masisira ang excitement,” saad pa ni Winwyn sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanya bago nagsimula ang August 2 presscon ng Unli Life na ginanap sa Valencia Events na paga-ari ng Regal matriarch na si Mother Lily Monteverde.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakasulat sa poster na introducing si Winwyn sa movie gayong walong taon na sya industriya.

Komento niya, “Never kong in-imagine na magkakaroon ako ng ganito as in never kong in-expect. Gusto ko lang mag-work. Gusto kong mag-acting.

“So, kung ano ang ibigay na role, okay lang sa akin. So, ngayon lagi lang akong nakangiti.

“Iniisip ko, who would have thought, di ba?” na ang gusto nyang sabihin ay ang opportunidad na maging leading lady siya.

“So, very, very grateful, parang puwede ko nang sabihin na nakagawa na ako ng movie.”

Sinadya mo bang huwag gumawa ng pelikula kaya ngayon ka lang nakagawa ng film? 

“Sadyang ngayon lang dumating yung opportunity, I guess. Sana may sumunod pang film, nag-enjoy naman ako.

“Lagi nga akong nakangiti kasi overwhelming. Kinakabahan na nga akong makita ang sarili ko sa moviehouse. Parang ayoko ko na ngang panoorin ang sarili ko.

“Parang yung mukha ko lang ang makikita,” sabay halakhak niya.

Beauty Queen ka, Reina Hispanoamericana 2017 bakit ka mahihiyang makita ang mukha on screen?

“Siyempre, kinakabahan nga ako, parang gusto kong i-close yung mata pag mukha ko na ang ipapakita.

“Siguro pag sarili mo kasi ang pinapanood mo medyo na-awkward ka e. Lalo na ito, kasama sa festival. Sobrang talaga siyang pinu-push.

“Yung daddy ko pa nandun, yung buong pamilya ko pa manonood. So, medyo nao-awkward ako.”

Mas mahirap pa ba ito kaysa sa beauty pageant na sinalihan niya abroad?

“Siguro mas mahirap ito dahil ngayon ko lang ito na-try. It’s very different kasi pag pageant, e. Kasi yung pageant ilang beses ko nang ginawa.

“Parang sayaw lang siya, parang performing rin siya. Hindi malayo sa ginagawa ko.

“Pero ito big screen, e, acting, kasama mo pa yung malalaking artista. So, daddy ko pa.”

Kasama ba ito sa pinirmahang three films sa Regal?

“Yes, ito ang una. May pinaguusapan nang second movie, pero naghahanap pa nang makakapartner ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Magsi-sexy ka ba? Nasa plano mo ba na manahin ang magic kamison image ng mommy mo?

Ina niya ang isa sa pinamalaking aktres sa larangan nang mga sexy films nong '70s at '80s na umabot pa sa unang mga taon ng '90s, si Ms. Alma Moreno na naging City Councilor ng Parañaque.

“Wow!” bulalas na reaksyon ni Winwyn.

“Sexy in a way na may limitation siguro. Kasi yung suot ko naman minsan sexy talaga. Minsan ang perception sa akin sexy. Pag beauty queen nagtu-two piece. Iba kasi ang two piece sa pageant at iba ang two piece sa TV or sa movie,” pagtukoy niya sa swimsuit o bikini.

“So, pag gagawin ko yun gusto ko pagbabagayan talaga. Kung mahalaga ba siya sa script, kung mahalaga siya sa script, kung may sense ba. Hindi basta-basta sexy na walang katuturan.

“I can’t say, e. Kasi nakapag-two piece na ako because of Bench also. Kasi Bench Body endorser ako. Rumarampa rin naman ako.

“It helped a lot pero again I did it kasi may sense. Naka-two piece ako sa beach nung summer shoot yun. May concept. Hindi basta-basta…basta lang sumikat kailangan…no-no.”

Hindi mo kayang mag-back nudity sa pelikula habang tumatakbo gaya nang ginawa ng mommy mo sa dati niyang movie na The Rape of Virginia P at iba pang mga sexy, bikini scenes sa mga nauna niyang movie?

“Kasi kay Mama tumatak yun film niya. May sense yung film niya. Kasi kung maganda talaga ang material, why not?”

Inamin ni Winwyn na hindi niya ma-single out kung anong mga sexy films ang gusto niyang i-remake na ginawa ng mama niya, lalo’t isa man sa mga ito ay hindi pa niya napapanood.

“Yung ‘Loveliness’ lang, yung sayaw-sayaw lang. Pero may nakita ako sa kanya na very interesting, nakita ko yung picture niya sa 'Carnival Queen,' 'City After Dark.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Movie wala. Siguro napanood ko lang Aswang lang. Kasi pinagbubuntis niya ako doon. Tapos sinasabi niya ako yung nasa tiyan niya.

“Sana may makita ako na nagri-revive ng film..Naghahanap ako ng tape ng puwedeng gawing...

“Hindi ko masabi kung magagawa ko [wetlook at panty].

“Tangga queen siya [noong panahon niya].

“Yung tangga nahihirapan pa ako.”

Ang tangga ay ang nausong high cut mula sa hips hanggang sa upper part ng waist side ng dance suit na tumatak kay Alma noong may sarili siyang variety show, ang Loveliness, at kung saan siya palaging may dance number.

“Hindi ko alam. Depende sa material.”

Hindi itinanggi na nagaalala siya sa posibleng pagkumparahin siya at ang malakas na impact nang pagpapasexy noon ng kanyang ina.

“Oo,” pag-amin niya.

“Iba si Mama, e. Iba siya before. Iba na rin ang panahon ngayon.

“Pag nag-ganon ka, iba ang impression sa 'yo ng tao, e.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN