“Actually, a bit nervous, pero right now, wala na, e.
“Wala na tayong magagawa.
“Tapos na, nagawa ko na e,” ang natatawang pahayag ni Iza Calzado nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung ano ang masasabi niya tungkol sa kissing scene nila ni Max Eigenmann sa Distance, na isa sa mga pelikulang entries sa Cinemalaya 2018.
Sa palagay ba ni Iza ay muli siyang mananalo ng award para sa papel niya sa Distance?
Pag-amin niya, “Hindi ko siya iniisip talaga ngayon.
“Parang ano… sa totoo lang, ang daming magagandang pelikula and I’m sure the performances will be amazing.
“Like I really, if I have time, I am saying that because supposedly parang the whole week I have work.
“So, if ever makasingit ako ng oras, gusto kong makita yung Liway, kasi ang ganda ng premise tsaka based on a true story.
“And then Glaiza [de Castro], I’ve always loved her in GMA, so you know I feel… she’s a good actress as well.
“And you know if the material is very, very good, then… we will see.”
Ano sa palagay niya ang puwede niyang ipagmalaki sa Distance?
“Bukod sa pakikipag-kissing scene kay Max Eigenmann? Charot!” at tumawa si Iza.
“Hindi, kasi alam mo, ang Distance super-simple niya, nung premise niya.
“It’s a simple family drama.”
“Pero malalim ang hugot.
“Proud ako na makasama yung buong pamilya ko dito dahil napakasarap nilang katrabaho.
“Half your job is done, e!
“Because they’re so good,” pagmamalaki niya.
Gumaganap na asawa ni Iza (as Liza) si Nonie Buencamino bilang si Anton, at mga anak nila sina Therese Malvar bilang si Karla at Alessandra Malonzo bilang si Therese.
Sa direksyon ni Perci Intalan, kasama rin sa Distance sina Adrianna So, Lhian Khey Gimeno, Ella Maria Norelle Ilano, Erlinda Villalobos, Billy Seño, Tanya Gomez, Cherry Malvar, Myla Monido, Mailes Kanapi, Matt Daclan, at Timothy Castillo.
Mapapanood pa ang Distance sa CCP; sa Main Theater August 6 (3:30pm); Little Theater August 7 (10 am); Studio Theater August 8 (12:45 pm); Little Theater August 9 (6:15 pm); Studio Theater August 10 (6:15 pm) at sa Main Theater August 11 (10 am).
Sa Ayala Cinemas naman ay sa August 6 sa Legazpi (9:30 pm); sa Legazpi rin sa August 7 (4:30 pm); August 8 sa Greenbelt 1 at UP Town Center (7 pm); August 9 sa Glorietta 4 at Trinoma (7 pm); August 10 sa Legazpi (7 pm); August 11 sa Glorietta 4 at Trinoma (4:30 pm) at August 12 sa Greenbelt 1 at UP Town Center (4:30 pm).
BLISS VS. DISTANCE
Saan mas nahirapan si Iza, sa Bliss o sa Distance?
Ang Bliss ay pelikula ni Iza last year kung saan nanalo si Iza ng mga acting awards both here and abroad.
Pagkumpara niya, “Ah, magkaiba!
“Bliss is much more difficult physically kasi.
“And I’m like eighty percent of the film, so nakakapagod talaga siya, ibang level ng pagod siya.
“Pero mas mabigat kasi yung emotions dito sa Distance.
“Iyon [Bliss] kasi parang naghi-hysteria, di ba?
“Ito mas subdued, restrained.
"Mahirap minsan yung ang dami mong dapat sabihin ng hindi sinasabi, ng hindi ibinubuga ng iyak.”
NO QUALMS ABOUT KISSING SCENE
Pinuri si Iza ng direktor ng Distance dahil hindi nag-inarte si Iza sa woman-to-woman kissng scene nila rito.
Sabi niya, “I’m really like that, e!"
Hindi siya na-conscious sa kissing scene nila ni Max.
“E, kasi I treat her as a human being so kissing scene ay kissing scene, mapa-babae, mapa-lalaki!
“Pare-pareho lang yan,” dagdag niya.
WEDDING
Kasama ni Iza sa gala night ng Distance kagabi (Sabado, August 4, sa CCP Main Theater) ang fiancé niyang si Ben Wintle.
Dahil dito ay tinanong namin siya kung kailan na ang kasal nila.
“Bukas!” pabirong bulalas ng aktres.
This year ang kasal nila pero ayaw munang i-reveal ni Iza ang lahat ng mga detalye hangga’t hindi plantsado ang mga bagay-bagay.