Is Ronnie Liang willing to do frontal nudity for a movie?

IMAGE @ronnieliang on Instagram

Ronnie Liang tells those insisting that he has a nude scandal: "Sa nagpipilit na ako yung nasa kumakalat na nude photo... MAS MAHUSAY ang sa akin!"


Katakam-takam ang katawang-lupa ni Ronnie Liang at madalas niya iyong ipasilip sa social media.

Pero sa pelikulang Petmalu na showing sa September 5, tweetums ang papel niya.
Wala siyang pa-abs.

“First time kong gumanap sa movie na musical. May kantahan po siya, parang theater-style,” kuwento ni Ronnie sa PM [private message] namin sa kanya noong Lunes, August 6.

“Thankful ako kay Direk Joven Tan. Isang karangalan na napasama ako sa movie niya and makatrabaho ko siya.

“Napakabait and napakagaling niyang direktor. Hinihimay niya talaga ang mga scenes para mas maayos at maganda ang kakalabasan ng istorya.”

Kahit mas kilala bilang singer, may sapat na karanasan si Ronnie para lumabas sa isang musical movie.

“Nag-acting workshop ako sa master class ni Direk Rahyan [Carlos] ng Star Magic kaya ready ako sa mga roles,” aniya.

“Nag-theater din ako sa Resorts World Manila, sa Bituing Walang Ningning The Musical.

“First time ko rin yun and nag-best actor po ako sa Aliw Awards. Naging part din po ako ng Viva movies na Fangirl Fanboy at 100 Tula Para Kay Stella.

“Korean ang role ko sa Fangirl Fanboy. Pati linya ko, Korean.

“May supporting role din po ako sa bagong movie ng Viva na Abay Babes. Doon, may topless scene ako!

“May mga TV series din po ako sa Viva, sa Sari Sari channel nila. Support role din po ako sa From the Beautiful Country and Kasambahay na until now, e, pinapalabas pa and nire-replay sa TV5.

“Nagpapasalamat ako sa Viva sa support nila sa career ko, lalo na kina Boss Vic, Ma’am Veronique & Boss Vincent [del Rosario] sa tiwala nila sa talent ko.”

Kumusta naman ang singing career niya?

Ani Ronnie, “Na-release na po ang 5th album ko under Viva Records. Naka-500,000 downloads na iyon online like Spotify.

“May solo concert po ako, anniversary concert on October 13 sa Kia Theater [Araneta Center, Cubao, QC].

“Guest artist ko si Sarah Geronimo. Produced ito ng Viva at Montesa Medical Group.”

Itinanggi na ni Ronnie na siya iyong nasa nude viral photo na kumakalat sa internet.

Dahil ipinagpipilitan ng iba na siya iyon... tatanggapin ba niya if ever may movie offer na bida siya pero may frontal nudity?

Sagot ni Ronnie, “Actor na rin po ako. Kung ano ang nakasulat sa script at ikagaganda ng show and ia-approve ng management ko, nina Boss Vic & Ma’am Veronique, okay sa akin.

“Pero may mga endorsement contracts din po ako na hindi pwedeng gumawa ng scandal or makakasira sa image.

“Masaya po ako sa career ko and may mga shows and concert din ako. Hindi ko po kailangang gumawa ng scandal para mapag-usapan at magka-show.

“Ang masasabi ko po ulit tungkol sa nagpipilit na ako yung nasa kumakalat na nude photo... MAS MAHUSAY ang sa akin! Ha! Ha! Ha! Ha!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN