Therese Malvar now more comfortable doing lesbian kissing scenes

by Rommel R. Llanes
Aug 9, 2018
The 17-year-old actress Therese Malvar is not afraid of taking on sensual and daring roles.


Gumaganap si Therese Malvar bilang anak nina Iza Calzado at Nonie Buencamino sa Distance, isa sa mga pelikulang kalahok sa Cinemalaya 2018.

Kuwento ni Therese, “Here I’m a loving daughter, pero unexpectedly nung dumating yung mother namin, naging parang rebellious na ako.

“Not in a way na wild pero hindi ko pinapansin ang mother ko masyado.”

Dagdag pa ni Therese sa kanyang role, “And may subplot po ako, basta LGBT [lesbian, gay, bisexual, transgender] film po ito.”

Ang Distance ay family drama ni Perci Intalan para sa Cinemalaya 2018.

May tema ring lesbianism ang 2013 film na Ang Huling Cha-Cha Ni Anita kunsaan kasama rin si Therese. Kaparehas ba nito ang Distance na dinirehe ni Perci Intalan?

“I think more than that,” sagot ng 17-year-old actress.

Sa pangalawang pagkakataon ay tomboy muli ang papel ni Therese dito sa Distance. Ngunit paliwanag niya, subplot lamang ng pelikula ang tungkol sa kasarian ng kanyang karakter.

Wala raw siyang woman-to-woman love scene sa Distance, pero meron silang tame kissing scene ng aktres na si Adrianna So.

Pag-alala ni Therese, umiyak siya sa kissing scene nila ni Angel Aquino sa Ang Huling Cha-Cha Ni Anita kahit sa pisngi lamang iyon. Ngayon ay nakakaya na niya ang medyo daring na lesbian scene.

“Dito sa Distance parang okay lang sa akin,” paliwanag niya.

“Medyo kinabahan po ako pero we went for it, parang ganun. Hindi kagaya nung sa Anita na umiyak pa ako.”

“I think siguro dahil sa Ilawod. Sensual rin ang role ko dun,” kuwento niya, bagamat hindi tomboy ang kanyang role sa nasabing pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi naman daw sila nagkailangan ni Adrianna at hindi rin sila nag-workshop.

“Nag-usap lang po kami and thankful ako na hindi awkward kasi madaldal siya, tapos ako po madaldal rin at kalog so okay lang po.”

In the future ba, sa tamang edad, ay papayag si Therese na gumawa ng indie movie na mas matindi pa sa Distance?

“We’ll see. Well, it’s acting naman, so I’ll see sa script.

“Kasi I’m amazed with Ate Iza, kasi she accepted this, where may isang scene na grabe din. Acting is acting so I think I’ll accept din naman.”

Unang nakasama ni Therese si Iza sa Ilawod last year. Ano ang pakiramdam na muling makasama ang mahusay na aktres?

Aniya, “It’s always a good time when I’m working with Ate Iza talaga. Kasi parang ang gaan niya kasama.

“Pero once we’re in the scene, parang… tinutulungan po niya ako, along with Tito Nonie po talaga, sobrang helpful po talaga nila kasi bilang family kailangan dapat close po, di ba?”

Dugtong ni Therese, “And may tensyon din po sa amin sa story. And I’m really thankful with both of them po talaga kasi they really helped me know the emotions that I should show, like go on with the emotional scenes because almost all the scenes are emotional.

“And yun nga po may awkward tension, na there’s a gap between me and Ate Iza, and she does it really well.

“Even yung pag titingin pa lang siya sa akin, parang nakakaiyak na agad.”

Nag-effort ba sya na huwag siyang masapawan o “lamunin” ni Iza sa mga eksena nila sa Distance?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Ay, hindi po! I haven’t really thought about that with her talaga, with anyone po talaga.

“Kasi nagtutulungan po kaming dalawa and I like how, as in kahit sa behind the scenes, she will make kuwento with me. Ang gaan talaga katrabaho.

“Parang totoong Ate ko talaga, so I don’t feel any competition or kung anuman or hindi ko inisip na baka malamon po ako ng acting niya.

“And it’s an honor din po kasi na makaeksena si Ate Iza.”

May mga words of wisdom din daw si Iza kay Therese.

“Actually a lot, a lot talaga. We were talking about having different characters, lalo na yung Ilawod.

“Kasi I had a hard time doon kasi sobrang iba po talaga sa character ko, and sabi niya minsan talaga doon mo mare-realize na acting talaga is beyond your character, and it’s something that you really learn about, ganun.

“And we just have to be comfortable with tackling other personalities, ganun po.”

Kasama rin sa Distance sina Alessandra Malonzo, Max Eigenmann, Lhian Khey Gimeno, Ella Maria Norelle Ilano, Erlinda Villalobos, Billy Seño, Tanya Gomez, Cherry Malvar, Myla Monido, Mailes Kanapi, Matt Daclan, at Timothy Castillo.

Mapapanood pa ang Distance sa Cultural Center of the Philippines mula August 7 hanggang August 11, at sa Ayala Cinemas sa iba't ibang bahagi ng bansa mula August 7 hanggang August 12.

STORIES WE ARE TRACKING


Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The 17-year-old actress Therese Malvar is not afraid of taking on sensual and daring roles.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results