Pangarap ng Hashtags member Ryle Santiago na makagawa ng pelikula at makasali sa isang film festival. Nabigyan katuparan ang kanyang pangarap nang maging bida siya sa kauna-unahan niyang movie: ang Bakwit mula sa T-Rex Entertainment.
Ang Bakwit ay isa sa walong official entries sa nalalapit na 2018 Pista ng Pelikulang Pilipino ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).
Ang direktor nito ay si Jason Paul Laxamana na siyang direktor rin ng isa pang PPP 2018 entry: ang The Day After Valentine's.
Ani Ryle, “Nangarap po ako na makapasok yung pelikula namin. Kaya nung naka-receive ako ng news na baka makasali.... na may possibility na mapili. Kaya sobra akong natuwa. Talagang pinag-pray ko, totoo po at nangyari.”
Ano ang role niya sa Bakwit?
“Ako yung pangatlo sa magkakapatid. Ako yung gitarista. Ako yung kating-kati na maging artista. Gustong sumikat.
“E, ayun po, yung movie more or less mahirap kami. Nasalanta po kami ng bagyo. Tapos, sobrang walang-wala kami. Nung nag-move kami sa Pampanga, pinursige namin yung music namin. So, ayun, hanggang sa hinabol namin.
“So, ayun, very touching yung story. Sobrang family-oriented siya.”
May mga mabibigat na eksena ba siya sa pelikula?
“May konting scene na mabigat. Pero yung naliligo kami sa tabi ng drum, matindi. Kasi mahirap maligo noon. Malamig, e,” pagbibiro ni Ryle.
Nakaramdam ba siya ng awkwardness nung nag-topless siya sa kanilang “shower” scene sa movie?
“Naku, ako po talaga, kapag pinahubad ako sa Asintado [his afternoon drama series sa ABS-CBN] mati-threaten si Kuya Aljur [Abrenica].”
Kakabugin ba niya ang abs ni Aljur?
“Ay, hindi naman. Si Kuya Aljur ang isa sa mga tumutulong sa akin para maging fit. Mino-motivate rin niya ako, and minsan, sabay din kaming mag-workout.
“Wala akong abs noon. Ang taba ko noon. Hindi pa ako nagda-diet nun, e.”
Meron na ba siyang abs ngayon?
“Meron na,” ngiti niya.
“Hintay-hintay lang natin. Baka sa follow-up movie ko po sa October.
“Meron akong isa pang movie sa October.”
Nag-audition ba siya for his role in Bakwit?
“Actually, hindi po. Biglang nag-inquire lang. Kasi nakita nila na sakto ako for the role.
“Swak ako dahil, uhm, gwapings? Joke lang!
“Swak daw kasi yung naggi-gitara and umaarte kaya ako yung kinuha at tinanggap. Marunong po talaga ako ever since nung mga high school po ako. First year po ako noon, mga 13 years old ako.
“Nakakatawa nga po, e, kasi sa pelikula tinuturuan ako ni Devon [Seron]. Pero baligtad sa totoong buhay. Ako yung nagtuturo sa kanya para turuan ako. Hahaha!”
Thankful si Ryle sa tiwalang binibigay sa kanya ng T-Rex Entertainment sa pangunguna ng may-ari nito na si Rex Tiri.
“Opo, sobra akong thankful kay Sir Rex, sa T-Rex Production po niya dahil sila ang nagbigay sa akin ng first movie ko, sila rin yung nagbigay sa akin ng second movie ko.
“E, gustung-gusto ko ng movie na ‘to kasi set siya in the '90s. Bagay yung buhok ko.”
Ano ang title ng next film niya under T-Rex Entertainment?
“Billie and Emma. Leading man naman. Ohh, di po ba?
“Opo, leading man ako. Pero iba yung magiging takbo ng istorya.”
Sino ang bidang babae?
“Uh, so far ang alam ko si Gabbi Garcia ang nakuha to play Emma sa movie namin. Si Emma siya sa movie.”
Sino ang iba pang artista na kasama sa Billie and Emma?
“So far, kami pa lang dalawa ang naisama sa cast. Yung isa pong ka-love triangle namin, hindi pa nari-reveal kung sino.”
Siya ba ang gagaganap bilang Billie?
“Secret,” biro ulit ni Ryle.
“Basta, may twist po sa story, e. Sobrang surprise po yun.
“Si Direk Samantha Lee, yung director ng Baka Bukas ni Jasmine Curtis."
Si Samantha ang current girlfriend ngayon ni Mari Jasmine, ang ex-girlfriend ni Sam Milby.
“For October po naka-schedule ng release. Sa August po ang target namin ng shooting. This is intended for another film festival po, I guess.
Excited ba si Ryle to work with Gabbi na isang Kapuso star?
“Opo, maganda. At least ano po saka kilalala ko si Gabbi.
“Pareho kami ng school sa MINT, sa Taguig. Parehas po kami nag-aaral doon. At parehas din 'ata kami ng course.
“So, nagkikita po kami don sa school. Kaya kami magkakilala.
“So, I guess magiging okay kami on the set.”
Ano ang masasabi niya sa takbo ng career niya ngayon?
“Sana po magtuluy-tuloy ang movie offers at yung Asintado po namin hanggang February pa.
“So, super thankful ako sa lahat ng blessings na dumarating.
“This year, sobrang jampacked talaga ang mga nangyayari sa akin. At sana hanggang next year pa po.”