Sarah Geronimo reveals only request before accepting Miss Granny

IMAGE Noel Orsal

Sarah Geronimo on her role as Audrey in Miss Granny: "Nakikita ko ang nanay ko sa role ni Audrey, nakikita ko sa sarili ko, nakikita ko rin yung tatay ko sa role ni Audrey."


Isa lang ang request ni Sarah Geronimo kay Viva Films big boss Vic del Rosario Jr. nang pumayag siyang gawin ang Filipino adaptation ng 2014 Korean blockbuster movie na Miss Granny.

Ito ay walang babaguhin sa kuwento ng pelikula at hindi ibabagay ang role ni Audrey sa kanyang karakter bilang Sarah Geronimo.

Pinagbigyan ni Boss Vic ang request ni Sarah.

Kung may pagbabago man, nagkaroon ng ilang adjustment para maging ayon sa values ng mga Pilipino ang role ng aktres sa Miss Granny.

"Sa atin kasi, hindi pa accepted yung mga elderly, hindi mo na makakasama sa bahay. Ile-let go mo na sa home for the aged

"Medyo hindi pa tayo open doon," kuwento ni Sarah tungkol sa isa sa mga challenging role na ginampanan niya.

Ang Miss Granny ay kuwento ng isang babaeng hindi nangyari ang pangarap na maging singer dahil nagkaroon siya ng pamilya, pero biglang bumata ang hitsura kaya natupad pa rin ambisyon niyang maging mang-aawit.

Sinabi ni Sarah na naka-relate siya dahil nakita niya ang sarili at ibang mga miyembro ng kanyang pamilya sa karakter ni Miss Granny.

"Nakikita ko ang nanay ko sa role ni Audrey, nakikita ko sa sarili ko, nakikita ko rin yung tatay ko sa role ni Audrey."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sarah sa intimate press conference ng Miss Granny kahapon, August 7.

SARAH'S REALIZATION

Nang gawin ni Sarah ang Miss Granny, nagkaroon siya ng mga realization na sadyang maiksi ang buhay.

"Itong pelikulang ito, malaking factor.

"Every time na may nababalitaan ako na someone passed away, kahit hindi mo kamag-anak, kahit na acquaintance lang o family friend, yun ang reminder kung gaano ka-temporary ng buhay ng tao dito sa mundo.

"So dapat wala nang time for hatred, dapat wala nang time for inggit…

"Live your life. Mag-focus ka sa sarili mo, maging masaya ka and, of course, do your best to be a good person.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ako, ang struggle ko po, ang lagi kong nasasabi, ang hirap maging mabait.

"Ang hirap maging masunurin, hindi lamang sa mga magulang mo, kundi maging masunurin sa Diyos.

"Pero bumalik at bumalik ka kung paano ka Niya dinisenyo."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN