Producer, director of entries in Pista ng Pelikulang Pilipino lament "grade zero" from CEB

The producer of Gusto Kita With All My Hypothalamus and the director of Balangiga of the Pista ng Pelikulang Pilipino took to social media to air frustration regarding Cinema Evaluation Board's "grade zero" given to their respective films.

Nag-status ang isang producer at isang director upang ipahayag ang pagkadismaya matapos bigyan ng "grade zero" ang kani-kaniyang pelikula ng Cinema Evaluation Board o CEB.

Ang kanilang movies ay parehong entries sa 2018 Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP).

Ang CEB ay isang body ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na nagre-review at nagbibigay ng grade sa mga pelikula base sa kalidad nito.

Sa kani-kaniyang Facebook accounts, nag-status sina Khavn De la Cruz, director ng entry na Balangiga: Howling Wilderness, at Bianca Balbuena, producer ng Gusto Kita With All My Hypothalamus.

Dito inilabas nila ang kanilang hinaing dahil sa "grade zero" na ibinigay ng CEB sa kanilang mga pelikula.

Mababakas sa kanilang status ang kanilang hinaing na hindi deserve ng kanilang pelikula ang "grade zero" na ibinigay sa kanilang pelikula.

Sa Facebook status ni Bianca noong August 9, nananawagan siya na suportahan ang pelikula nila lalo pa't nabigyan sila ng "grade zero."

Aniya, “Dwein Baltazar's Gusto Kita With All My Hypothalamus is graded zero by the Cinema Evaluation Board (CEB) and rated 16 by the MTRCB. Makes me laugh and vomit and cry.”

Kasunod nito ay panawagan na suportahanan ang kanilang pelikula sa pagbubukas ng PPP.

Kalakip ng status ni Bianca ay mga positive reviews sa pelikula ng mga kilalang tao sa industriya.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Quote ng batikang director na si Peque Gallaga sa pelikula, “Most love stories are the same—this one is delightfully and deliciously different.”

Ayon naman sa filmmaker na si Pepe Diokno: “Such a beautiful film, so much heart, and so much craft.”

Quote ni Direk Antoinette Jadaone, “Ganito pala kaganda ang Quiapo kapag tinitingnan mo mula sa mata ng mga taong dinaraan-daanan mo lang dati.”

Ganito rin ang sentimyento ni Khavn De La Cruz sa kanyang Facebook status noong August 10.

Aniya, “BALANGIGA: Howling Wilderness is the simplest narrative I have ever told on film. It's possible you may never see this film. They can keep it from reaching your cinemas.”

Pero iniligay niya ang link ng screenplay ng kanyang pelikula sa kanyang post upang mabasa raw ng mga netizens at sila ang humusga kung karapat-dapat bang bigyan ng "grade zero" ang pelikula.


Sa isa pang sumunod na status ay inilagay ni Khavn ang review ng CEB sa kanyang pelikula.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Mababasa ang review ng CEB sa pelikula at ang nakalagay dito ay "Grade: None."

Bahagi ng statement ay isang quote mula sa reviewer na tinawag ang pelikula na “long, tortuous journey with many artsy gimmicks.”

Binanggit din sa review ang ilang good points ng pelikula kagaya ng “The other production elements, like cinematography, sound, and editing, are more than functional. The design, through the choice of locations, is economical but visually interesting.”




FDCP RESPONDS.

Si Liza Dino, ang chairperson ng Film Development Council of the Philippines (FDCP), ay magkakaroon ng meeting sa Cinema Evaluation Board upang i-discuss ang issue na ito.

Sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na ginanap noong August 10 sa Cultural Center of the Philippines, pinaliwanag ni Liza ang proseso ng CEB at ang supposed "zero rating" na ibinigay sa Balangiga: Howling Wilderness at Gusto Kita With All My Hypothalamus.

"Like with any other Board, you have to respect that they have their systems and their own mechanics.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"They decide if a film is eligible for a tax incentive. Some of the CEB members felt hindi sila eligible."

Dagdag pa ng FDCP Chairperson: "Because of these arising concerns, I sought for the support of the CEB Chair [Christine Dayrit] para magkaroon kami ng meeting about it so paguusapan namin siya on Monday [August 13].

Ayon kay Liza, ang movie directed by Khavn dela Cruz ang nanalo bilang Best Film sa 41st Gawad Urian na ginanap noong June 2018.

"Naiintindihan ko naman ang pinanggalingan ng Balangiga na this is supposed to be our Best Film of the Year, base sa Urian.

"Kumbaga yung [CEB], independent body so as much as possible, I don't meddle with their decisions but because it's something we have to look into.

"How can we justify and how can we stand by the process that we have, especially with these kinds of special cases. Yun yung paguusapan.

"May proseso tayong sinusunod when it comes to discussing these kinds of concerns."

Pinaliwanag ni Liza ang process ng pagbigay ng Grade ng Cinema Evaluation Board.

"The grading is just for incentives. Kapag Grade A ka, 100% tax rebate. Kapag Grade B ka, 65%.

"Hindi naman kasi lahat ng nag-apply for grading, makakakuha ng Grade A or B. May pre-qualifier siya. Panonoorin yung pelikula then [tatanungin yung CEB members], 'should we grade or not?'

"Hindi siya zero or no grade. Not graded, actually. In this case, majority ang nagsabi na hindi bibigyan ng grade."

Aniya, "Maraming no grade [na movies] pero siguro first time nilang makasalamuha ng film na may validation from outside tapos iku-question...Bakit no grade, e, ito nga sinabi Best Film kami."

Ayon sa FDCP Chairperson, mayroon silang special agreement with the CEB pagdating sa 2018 Pista ng Pelikulang Pilipino entries.

"Mahal kasi ang application. P25,000 yung application fee [for a mainstream film].

"You're talking about 20-30 graders na naggi-grade ng pelikula mo.

"Merong rate for indie films na P10,000 pero napaka-rare na makakuha ng application from an indie film producer kasi hindi naman sila kumikita ng ganun kalaki tapos gagastos pa sila ng P10,000.

"With PPP, libre, e. We made it free. Free siya sa lahat ng kasali. Na-waive ang fee nila kasi as a project of FDCP, we want them to get the chance to get exemptions and get the tax rebate.

"Pero siyempre, labas sa akin ang grade. Hindi ko pwede sabihin na porke't pinili ng Selection Committee, Grade A or B agad.

"Unfair yun. You have to let them decide on their own."

Sa ngayon, nag-file ng appeal si Direk Khavn tungkol sa decision ng CEB.

Ani Liza, "Nagsend sila ng letter to ask ano yung process. Kami naman, I've been in touch with them. I already asked Chairman Christine Dayrit to discuss these arising concerns."

Bukas ang PEP sa panig ng mga partidong sangkot sa isyu.

STORIES WE ARE TRACKING





Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The producer of Gusto Kita With All My Hypothalamus and the director of Balangiga of the Pista ng Pelikulang Pilipino took to social media to air frustration regarding Cinema Evaluation Board's "grade zero" given to their respective films.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results