Nag-first shooting day sina Eddie Garcia, Gloria Romero, Tony Mabesa, Tirso Cruz III, Aiko Melendez, at Sunshine Dizon para sa pelikulang Rainbow’s Sunset noong Agosto 14, Martes, sa Bulacan, Bulacan.
Sa Agosto 16, Huwebes, naman ang second shooting day ng pelikula sa dalawang bayan ng Bulacan: ang Guiguinto at Balagtas.
Sa istorya, iniwan ng octogenarian na si Eddie ang asawang si Gloria at mga anak na sina Tirso, Aiko, at Sunshine para magsama na sila ng BFF-lover niyang si Tony.
Nang makausap namin sina Eddie at Tony sa storycon ng movie kamakailan sa Salu Restaurant, Sct. Torillo St., QC, sinabi nilang wala silang kissing scene.
Ayon sa direktor na si Joel Lamangan, ang may halikan ay ang young Eddie & Tony (gagampanan nina Shido Roxas & Ross Pesigan), pero hindi iyon hardcore dahil PG ang target MTRCB rating ng movie.
Pahayag pa ni Eddie sa alab ng pag-ibig nila ni Tony sa story, “Mas passionate nung kabataan. Nitong matanda na kami, una, inaalagaan ko siya dahil may sakit siya, e.
“Wala na masyadong kuwan, yun bang intimacy.”
Walang keber si Eddie sa pagganap muli ng gay role.
Katwiran ng 89-anyos na aktor, “Trabaho lang ‘yan, e. Any role given to me, sinusunggaban ko. It’s just a job.”
Ano naman ang pananaw ni Eddie sa LGBT community? “Walang problema sa akin! E, kung type mo ‘yon, e, ipinanganak kang gano’n.
“Walang problema ‘yon!”
Sang-ayon si Tony sa pananaw ni Eddie, “Iyon na nga! Anything goes! Kanya-kanya ‘yan, e!”
Dagdag pa ni Eddie, “Iyong marriage ng lalaki saka bading, mag-asawa, okay lang sa akin. Gusto nila ‘yon, e!”
Ang paniwala naman ni Tony sa same-sex marriage, “If it makes them happy, GO! Hahahaha!”
Eddie Garcia (right) leaves his wife played by Gloria Romero in order to be with his lover played by Tony Mabesa.
Eddie Garcia and Tony Mabesa play lovers in the movie Rainbow's Sunset.
(L-R) Aiko Melendez, Sunshine Dizon, and Tirso Cruz III are cast as the children of Eddie Garcia's character