Devon Seron hopes to work with rumored boyfriend Kiko Estrada

IMAGE @jasondiazejercito on Instagram

Devon Seron on Kiko Estrada: "What you see is what you get."


Sinuportahan si Devon Seron ng kapwa niya GMA-7 star at nababalitang boyfriend niya na si Kiko Estrada sa premiere night ng pelikulang Bakwit Boys na ginanap sa Gateway Cinema sa Cubao, Quezon City.

“Ininvite ko talaga siya,” pagamin ni Devon. “And yun, kahit nga may shoot siya nagpunta siya dito. So, I’m happy and tahnkful sa pagbibigay niya ng time niya.”

Anong masasabi niya na feeling proud si Kiko sa kanya sa performance niya sa Bakwit Boys?

“Kaya nga, e, suportado ako. Thank you. Hahaha!”

True ban a sinabihan siya ni Kiko na huwag masyadong kabahan sa Bakwit Boys?

“Oo nga po, e. Praning po kasi ako pagdating sa mga show. So, every time na naga-act ako, siya yung nagpapakalma sa akin.”

Nung makausap ng manunulat na si Allan Diones si Kiko na ang galing ng girlfriend niya sa movie, umoo lang daw si Kiko. Any reaction?

“I knew it too well,” pakantang sagot ni Devon.

“Kakanta na lang si Rose. Panoorin niyo ang Bakwit Boys. Hahaha!

“Uy, boyfriend agad?”

Hindi pa ba?

“Uy, di ako nag-confirm, hindi rin ako nag-deny. I’m just happy right now, sa lahat ng mga nangyayari sa akin ngayon.”

Sa Bakwit Boys, kasama rin sa pelikula ang thespian na si Vance Larena, noontime TV idols Ryle Santiago and Nikko Natividad at ang singing champion na si Mackie Empuerto.

Bakwit Boys is heartwarming musical movie written and directed by Jason Paul Laxamana. Kabilang din sa mga entry sa Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) ang “Bakwit Boys” at graded A ng Cinema Evaluation Board (CEB).

Inexpect ba niya na ganun kaganda lalabas ang movie nila?

“Actually, nagulat kami na sobrang maganda at positive yung reaction ng viewers today. Na-happy talaga kami. Syempre na-overwhelemd kami tonight. Maiyak-iyak po kami habang pinapanood yung film lalo na kapag tumutugtog yung mga kanta.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Boses ba talaga nila ang ginamit sa mga kinanta nila sa movie?

“Yes po,” proud na sabi ni Devon.

“Actually, boses po naming lahat yung narinig niyo sa movie. Wala pong ghost singer doon. At ako rin po yung tumutugtog doon.”

Ngayon pa lang ay may balita na agad na next film project si Devon. And this time, makakasama niya sa movie si Kiko.

Anong reaksyon niya na wish come true agad ang dasal ni Kiko na magkaroon sila ng project together?

“Yes, hopefully! Sana siya matuloy,” dasal din ni Devon.

So, sila na talaga?

“Seeecret! Hahaha!”

Sabi ng iba, obvious na may relasyon na sila ni Kiko. Agree ba siya?

“Oh, my God! We’re still getting to know each other,” ngiti niya.

Hindi ba dapat kapag masaya o may nagpapasaya na tao sa buhay mo, hindi dapat i-deny?

“Ay, hindi naman. Pero hindi ko naman din kinu-confirm or anything I’m just happy sa mga nagaganap sa akin ngayon. Not just sa lovelife, pati sa family, career, smooth sailing.”

Pero happy siya kay Kiko?

“Happy ako kapag kasama ko siya.”

Paano niya mapapaliwanag yung mga litrato nila ni Kiko sa social media na magka-holding hands?

“Uh.....haha,” tugon ni Devon.

“Sorry kung ano... we’re still getting to know each other, and uh, what you see is what you get.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN