Darren Espanto on Kathniel: "They've always been the love team that I look up to."

IMAGE Mark Atienza

Darren Espanto makes acting debut via the movie The Hows Of Us.


May masayang karanasan ang young singer-recording artist na si Darren Espanto sa kanyang acting debut.

Unang sabak niya sa pelikula bilang aktor ang film nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla titled The Hows of Us. Ang Star Cinema movie na ito ay sa ilalim ng direksiyon ni Cathy Garcia-Molina.

Ayon sa The Voice Kids 2014 runner-up, “First movie, I had a lot of fun, maraming memorable experience po talaga.

“Of course, yung unang salang ko sa set and also learning the lines kung paano i-deliver. Yung pag-mentor po nina direk Cathy and all.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Darren sa recent presscon ng The Hows of Us.

Ayon kay Darren, walang workshop siyang pinagdaanan bago siya isinalang sa nasabing project.

Pagpapatunay pa nya, “Hindi po ako nakapag-workshop. Diretso na po ako sa Amsterdam. And then dito po ako nag-shoot after."

Kuwento pa ng 17-year-old Fil-Canadian singer, “Nong first two days medyo nahirapan po ako, pero after that po, parang nasabi ko na I could have given more the first few days kasi mas parang alam ko na nung third day kung ano ang gagawin ko, kung ano yung gusto po ni direk Cathy.

"Bago ako sumalang, kinausap naman po ako ni direk Cathy na dapat handa kang masaktan yung ego mo."

Feeling-lucky si Darren dahil hindi siya nakatikim ng bagsik ni direk Cathy.

Nangingiti nyang sabi, “Hindi pa naman po ako nasigawan pero napagsasabihan lang po and I know where she’s coming from.

“Kasi siyempre, yung pelikula po, we were pressed for time dahil malapit na po ang premiere night.”

Bukas si Darren sa mga susunod pang acting projects na ibibigay sa kanya.

Excited nitong pahayag, “Hopefully po kung mabibigyan ulit ng opportunities after this.”

Paano kaya kung dumating yung panahong mas maging in demand ka sa pagiging actor at hindi sa pagiging singer?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tugon nito, “Well, for me singing will always be my passion, yun po ang first love ko.

“Ngayon po yung experience ko na to kasi may mga events din po ako na hindi related sa pelikula, it’s me singing, so I’d say if I were to do this again it would be better..siguro kind of juggle din kung gagawin ding project na ganito, dun na talaga ako magpu-focus.”

Isa sa mga nagpakulay ng first acting experience ni Darren ay ang pagtatrabaho niya kasama sina Kathryn at Daniel.

Ano ang natuklasan niya tungkol sa Kathniel love team?

“They’ve always been the love team that I look up to, watching them on TV, bata pa lang ako, wala pa ako sa TV they’re very down-to-earth.

“They helped, they gave me tips...kita po nila na sobrang tense ko, minsan hindi ko ma-gets yung lines, sasabihin nila just be with your character, and saka yung ginagawa nila mismo para mas madali.”

Ikinatuwa ng young Kapamilya artist ang compliments na sinabi ni direk Cathy tungkol sa kanya.

Natatawang komento ni Darren, “Yun nga po e, ako nga po mismo I was expecting na masigawan ako, hindi nga ako nag-workshop, first time ko pong umarte pero it’s really an honor to work with her in her last four movies.”



Stories We Are Tracking

GMA-7 actress attends KathNiel movie premiere
GMA-7 actress attends KathNiel movie premiere
Daniel on Kathryn:
Daniel on Kathryn: "Bago maging bastusin, nasabihan ko na."
Kathniel says viewers will be shocked by their kissing scene
Kathniel says viewers will be shocked by their kissing scene
KathNiel to have kissing scene in<em> The Hows of Us</em>
KathNiel to have kissing scene in The Hows of Us






WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN