Which Filipino movies dominate August 2018 box-office?

Miss Granny stars Sarah Geronimo and James Reid, among others. 



Dalawampu’t tatlong (23) bagong pelikulang Pinoy ang ipinalabas sa mga sinehan nitong nakaraang buwan.

Buena mano noong Agosto 1 ang Buy Bust (astig si Anne Curtis), kasabay ang Harry & Patty (nagpakilig sina Ahron Villena & Kakai Bautista).

Mula Agosto 3-12, sampung pelikula ang nagtagisan sa 14th edition ng Cinemalaya Film Fest.

Ang choices namin ni Direk Ces Evangelista na Kung Paano Hinihintay ang Dapithapon (Perla Bautista, Dante Rivero & Menggie Cobarrubias) at Pan de Salawal (Bodjie Pascua) ang major winners sa awards.

Ang box-office winners naman ang dalawang Martial Law movies—Liway (Glaiza de Castro) at ML (Eddie Garcia & Tony Labrusca).

Ang anim pang kalahok ay School Service (Ai-Ai delas Alas), Distance (Iza Calzado), The Lookout (Andres Vasquez), Musmos na Sumibol sa Gubat ng Digma, Mamang (Celeste Legaspi), at Kuya Wes (Ogie Alcasid).

Record-breaking ang attendance sa apat na theaters ng CCP at lima pang sinehan (Greenbelt, Glorietta, Trinoma, U.P. Town Center at Legazpi).

Noong Agosto 8 (auspicious date... 8/8) itinanghal ang Dito Lang Ako nina Michelle Vito, Jon Lucas at Akihiro Blanco.

Walang sumagot sa mga pinagtanungan ko kung magkano ang first day gross nito.

Sa 23 new movies ng August 2018 ay ito lang ang hindi ko napanood dahil naglaho agad na parang bula.

Noong Agosto 15-21, umariba ang walong pelikula sa 2nd Pista ng Pelikulang Pilipino.

Topgrossers ang The Day After Valentine’s (Bela Padilla & JC Santos) at Unli Life (Vhong Navarro & Winwyn Marquez).

Hindi man lang pumantay sa total gross ng unang PPP ang 2nd edition nito.

Ang pinakagusto kong movies sa PPP 2018 ay Ang Babaeng Allergic sa Wifi (Sue Ramirez and Jameson Blake) at Bakwit Boys (Devon Seron, Vance Larena, Nikko Natividad, Ryle Santiago & Mackie Empuerto).

Ang apat pang entries dito ay Signal Rock (Christian Bables), Madilim Ang Gabi (Gina Alajar), We Will Not Die Tonight (Erich Gonzales), at Pinay Beauty (Chai Fonacier).

Noong Agosto 22, nakipagsalpukan ang Miss Granny (Sarah Geronimo) sa Crazy Rich Asians (wagi ang cameo ni Kris Aquino).

Agosto 29, waging-wagi sa unang araw pa lang ang pelikula nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na The Hows of Us.

Pagrabe nang pagrabe ang pila sa mga sinehan.

Record-breaking!

Kaya sa ikalimang araw (Linggo,  September 2) ay 435 na ang mga sinehan nito sa bansa.

Good luck na lang sa mga susunod na pelikulang ipapapalabas kung may budget o interes pa ang moviegoers — Goyo: Ang Batang Heneral (Paulo Avelino) at Petmalu (Diego Loyzaga) sa September 5; Wander Bra (Kakai Bautista) at The Hopeful Romantic (Pepe Herrera) sa September 12.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN