Toni Gonzaga on Sam Milby: "I think we always have that chemistry na di nawawala."

RC Delos Reyes (left) directs Alex Gonzaga, Sam Milby, and Toni Gonzaga in the upcoming film Mary Marry Me.



Balik tambalan sina Sam Milby at Toni Gonzaga sa isang romantic/comedy/family drama movie.

Ito ay sa ilalim ng Ten17 Productions na pag-aari ng asawa ni Toni na si Direk Paul Soriano.

Naging blockbuster ang mga pelikulang pinagtambalan noon nila Toni at Sam gaya ng You Are The One, You Got Me, at My Big Love.

Na-link din noon sina Sam at Toni sa isa't-isa kung saan balita na naudlot nang maging girlfriend ng aktor si Anne Curtis.

Ngayong magbabalik tambalan ang dalawa, inaasahan na kahit na kasal na si Toni at Direk Paul ay mabubuksan ang nakaraan nila ni Sam.

Sa panayam ng PEP.ph at Cinema News kay Toni nung nakaraang Linggo, August 26, kahit ang TV host/actress ay inaasahan na ganito nga ang mangyayari sa muli nilang pagtatambal ni Sam.

"Feeling ko. di na mawawala yung mali-link pero I think more than being linked to each other, I think mas hinahanap ngayon ng mga tao is the material, yung content ng pelikula.

"Parang they don't really look so much on the personal side, talagang nagpo-focus na sila sa ganda ng pelikula. That's what we are doing right now, we make sure na buong-buo siya, solid yung story and and we really feel the family, the love, the kilig and, of course, the comedy.

"It's a family, drama comedy."

Titled Mary Marry Me, ang story ng pelikula na ito ay mula kay Celestine Gonzaga-Soriano (ang real name ni Toni).

Peter ang pangalan ng karakter ni Sam, Mary Jane ang gagampanan ni Toni, at Mary Anne naman ang karakter ni Alex Gonzaga.

Pagkukuwento ni Toni, hindi nawala ang chemistry nila ni Sam at ngayon ay nakita niya na mas nag-mature at mas masarap ng kausap ang dating kapareha.

"Naka-four shooting days na kami. Exciting, parang wala namang nagbago sa amin ni Sam, I think we always have that chemistry na di nawawala.

"Mas may wisdom na siya, mas matured na siya na tao so mas may depth na yung conversation. Unlike before 21 lang kami nun so ang bababaw talaga ng pinag-uusapan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasama din ni Toni sa nasabing pelikula ang kapatid na si Alex Gonzaga at hindi ang asawang si Direk Paul ang magdidirek sa kanila.

"Si Alex I feel so at home everytime we are doing a scene together at the set. Parang di  kami nagtatrabaho.

"No, hindi si Paul pero under ng production niya. Director namin is RC Delos Reyes."

Marami ang nakakapansin na nagkakaroon na ng love angle ang samahan nila Toni at Piolo sa Home Sweetie Home. Ayon naman sa aktres depende ang tatakbuhin na lahat sa pagtanggap ng mga manonood sa kanila.

"Hindi nga namin alam kung saan patutungo yung story ngayon pero as long as na maganda ang reception nila, we are still developing the story as it progress. Di pa namin alam kung magkakatuluyan. Depende siguro sa magiging reaksyon nila ang magiging transition ng istorya."

Nag-celebrate sina Direk Paul at Toni ang kanilang ika-tatlong taong anibersaryo ng kasal nung nakaraang June 12.

Pagbabahagi sa amin ng aktres, ngayon niya mas nakita ang partnership sa pagitan nila ng asawa.

"Okay naman, okay na okay kami. Never been stronger, closer, talagang partnership na yung sa amin. I've known him last June for eleven years, we've been married for three." 

Napapanood na rin sa ilang TV commercials ang anak nila na si Seve. Bukod sa maigsing oras lang naman ang kinakain ng shoot, gusto rin ni Toni na maibahagi niya sa anak ang mga nagawa nito nung bata pa lang si Seve.

"Okay naman, ang daming sinasabi, malikot na, umaakyat na kung saan-saan. Bata na siya, toddler na.

"Pinapayagan ko kasi it only requires four hours of his time everytime na may shoot. Four hours lang naman siya nagtatrabaho. Its also good when he grows up, I can show him his portfolio what he did when he was a baby, he is the youngest working member of the family."









ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN