Kiko Matos on frontal scenes: "Kung tunay kang artista, kaya mong maglakad sa labas na nakahubad."

IMAGE Rogeneil Barrogo

Kiko Matos is part of two entries in the 2018 ToFarm Film Festival—Alimuom and Mga Anak ng Kamote.


Best Actor si Kiko Matos sa katatapos na 1st Film School Manila Film Fest awards para sa short film na Kiss, na idinirek ni Harlene Bautista.

Wagi rin ang Kiss sa mga kategoryang Best Picture, Best Actress (Mercedes Cabral) at Best Screenplay (John Carlo Pacala).

Kumusta si Harlene bilang direktor?

“Sobra niyang light. Sobrang ganda ng shoot ng ... sobrang ganda ng gabing ‘yon na nag-shooting kami sa Quezon City Hall, sa pugad ni Mayor,” kaswal na lahad ni Kiko sa presscon ng 3rd ToFarm Film Fest nitong Setyembre 3, Lunes sa Iago’s restaurant, Sct. Rallos St., Quezon City.

“Ahhmm... maganda yung shoot. Lahat kasi, magagaling na tao. Mercedes Cabral, napakagaling na artista.

“Tapos, si Direk Harlene... papaunahin ka niya. Pag may nakita lang siya na kailangang baguhin, lalapit siya. Tapos, sasabihin niya, ‘Gusto kong mag-ano... yung ano mo... my suggestion, ganito yung atake mo.’
 
“Ganu’n lang. ‘Lakasan mo.’ Mga ganun po.”

Dalawa ang pelikula ni Kiko sa ToFarm 2018—Alimuom at Mga Anak ng Kamote.

Naiisip ba niyang magwagi bilang Best Actor o Best Supporting Actor sa ToFarm 2018?

“Hindi po,” mabilis na sagot ni Kiko.

“Tulad ng sabi natin, trabaho lang. Yung kita ang inaano! Ha! Ha! Ha! Ha!”

If ever, lalampasan pa ba niya ang ginawa niya sa Cinemalaya 2018 short film na You, Me and Mr. Wiggles?

“Ay! Siyempre, ahhm... I always look forward to do something that I haven’t done before,” seryosong pahayag ni Kiko.

“So, yes. I expect ... expect something ano, mas bongga pa sa Mr. Wiggles. Pero wala pa akong nagagawa, as of now.

“If I get the material that is ....”

Nagka-erection ba siya sa You, Me and Mr. Wiggles? Sabi ng co-star niyang si Elora Españo na naka-plaster sa maselang eksena, wala itong naramdaman.

“Hindi po nagka-erection,” halos pabulong na pag-ayon ni Kiko.

May nagsabi sa aming insider na mabilis siyang nadarang kay Krista Miller sa indie movie na Hukluban (2014), na idinirek ni Gil Portes.

Napangiti nang pilyo si Kiko, “Ay! Siyempre, iba naman kasi yung sa Hukluban, e. Passionate.

“Iyong kay Elora, kailangang... pigil. Yung parang... kung nagkaroon man ng erection, hindi siya pwedeng makita sa kamera.

“Kailangan talaga, malambot siya, e.”

Bale one shot lang ang nasabing short film, na nakuha nila sa 22nd take.

“Nakakapagod din,” pagpapatuloy ni Kiko.

“E, yung short film na ‘yon, paulit, paulit, paulit-ulit yung ano. Hindi siya makukuha nang isang take lang talaga, e.

“Kasi, one shot lang siya. Continuous shot, top shot.

Tapos, yung blockings niya, kailangang in favor to the camera na nasa itaas.

“So, medyo challenge siya.

“Si Krista, dati, iba rin ‘yon, e... Lakas ng ... Lakas din ng... anong tawag dito? Lakas ng... istorya.

“Naaalala ko pa yung exact words—they make love ferociously.

“They make love ferociously, yung words doon.

“Ferociously. Naaalala ko pa yung boses ni Direk Gil, sumalangit nawa, siyempre, di ba?”

Si Direk Gil Portes ay pumanaw noong May 24, 2017.

Sa ipinalabas na bersyon ng Hukluban, walang frontal si Kiko. Pero may still photo raw na na-capture ang astig na kadakilaan nito?

Napakunot-noo si Kiko, “Ito kasing si Direk Gil, ang usapan, ahh... walang frontal. Pero walang plaster.

“So, kung ano man ang nakita niyo sa ano, kung ano mang tsismis na ‘yon sa pictures, hindi ko nga alam kung totoo ba ‘yon.

“Kasi, feeling ko, kung may picture, lumabas na 'yon, di ba?”

If ever, kaya ba niyang gawin yung ginawa ni Kristoffer King sa Serbis (2008, directed by Brillante Mendoza, ipinalabas sa Cannes Film Fest) na nagpa-blowj*b sa isang babae na gumanap bilang bading?

“Tingnan natin,” nakangiti pa ring sagot ni Kiko. “Tingnan natin... tingnan natin.”

Ano pa bang roles ang gusto niyang gawin?

“Ang sa akin naman po kasi, kailangang makita po yung istorya. Importante po talaga yung istorya,” malumanay niyang saad.

“At kung bakit natin siya gagawin. Kung meron na bang nakagawa nito.

“Like yung Mr. Wiggles, kung papanoorin niyo siya, hindi siya yung tipo ng pelikula na parang nakakalibog. Di ba?

“It was more on the drama of the couple. Even though merong frontal, hindi siya yung ano... parang gusto mong... nag-iinit ka. Hindi, e!

“Tuluy-tuloy lang yung istorya. Hindi siya boring. Wala siyang dull moment na .... ano ba ‘to?! Ang tagal naman nito!”

Bakit ba wala siyang keber na mag-frontal?

Malumanay pa ring paliwanag ni Kiko, “Naniniwala kasi ako na kung tunay kang artista, kaya mong maglakad sa labas na nakahubad.

“Kaya mong maglakad sa labas na umaarte kang baliw. Hindi ka nahihiya na gawin yung mga ano na ito.

“Kumbaga, parang... tatanggalin niyo kung sino ka, your individuality, and make way to the character.”



ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN