Meg Imperial pegs Jake Zyrus for lesbian role in Abay Babes

IMAGE Noel Orsal

Meg Imperial speaks up about lesbian tendencies. She admits, "Siguro na-curious lang ako. What if naging tomboy ako, like my friends."  




Hindi naging madali para kay Meg Imperial ang gampanan ang role bilang isang tomboy sa Abay Babes.

Paliwanag niya, “Mahirap mag-portray ng tomboy, especially yung sinasabi nila na the butch lesbians are more quiet, and sila yung hindi sila pretentious to be a man, basta ganun lang sila.

“Pero dito sa film kasi, since it’s a comedy, I have to exert more effort to act as lesbian. 

“I did a research sa best friend ko, kasi yung best friend ko, butch lesbian.

“So, siya talaga yung pinaka-peg ko doon aside doon sa pineg sa akin ni Direk [Don Cuaresma] na si Jake Zyrus.

“I look for yung bagong anyo niya and, of course, before kasi, walang tattoo yung character.

“And I said, ‘Direk, we might as well put a tattoo para hindi babaeng tignan para maduming tignan and mas masculine tignan.”

Lesbian ang role ni Meg, pero may eksenang nag-two piece siya.

Paglilinaw ng aktres, “Nagulat din ako dahil pinag-two piece nila yung character ko.

“Pero siguro comedy part na rin sa character ko kasi sobrang naka-cut yung hair ko, ‘tapos walang make-up at all at medyo masculine yung hitsura dahil may mga tattoos.

“So, hindi ko rin expected. Sinabi nilang ‘O, pag-two-piece mo iyang si Meg!’”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Meg sa press conference ng Abay Babes, na ginanap sa Le Reve Events Place, nitong Huwebes, September 6.

LESBIAN TENDENCIES

Dumaan ba si Meg sa phase kung saan kinuwestiyon niya ang kanyang pagkababae o na-attract siya sa kapwa-babae?

Saad niya, “Hindi naman to the point na deciding na.

“Siguro na-curious lang ako. What if naging tomboy ako, like my friends. 

“But not to the point na wanting to be one of them or gustuhin kong makipagrelasyon sa mga babae.

“Kasi nakaka-appreciate ako ng beauty. Nakaka-appreciate ako ng magagandang characters nila, yung bagay sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero more than that, wala namang to the point na relationship…

“For me, lalaki talaga yung hanap ko, e. Lalaki talaga yung gusto ko, e.

“Right now naman, I’m dating naman and I’m happy naman with my love life.

“Although now its complicated, it’s a bit complicated.”

Inamin naman ni Meg na may nagparamdam sa kanyang mga tomboy.

“May mga nagpaparamdam, pero meron akong tendency to block them, as in friend zone?

“Kasi I think of them as friends lang talaga.

“Siguro yung super nice nila, nagbibigay sila ng mga bagay-bagay na parang hindi naman dapat sanang ginagawa ng isang kaibigan. 

“Di ba, pag kaibigan, okay, go, tutulungan kita, pero not really… sila yung very caring.

“Hindi ko alam kung ganun talaga sila or nami-misinterpret ko lang yung actions nila. 

“Pero most of them naman became my friends dahil mas okay akong maging kaibigan sila.”

JM DE GUZMAN

Natawa naman si Meg nang matanong kung alam ni JM de Guzman ang bago niyang role bilang tomboy.

Dating na-link ang aktres sa ABS-CBN actor.

“JM pa rin? Ang layo na, a!” reaksiyon ni Meg.

“JM and I, last time nag-message lang ako sa kanya, sabi ko, ‘Wait, birthday mo na ba? Kasi alam ko sa [November] 9 pa.

“Kasi ang dami nang bumabati sa kanya.

“‘Oo,’ sabi niya sa nine pa. 

“Sabi ko, ‘Sige, advance [happy birthday] na rin.’

“We’re really good friends now.”



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN