Polo Ravales on tough job in "Walang Kawala": "First time ko kasi magkaroon ng love scenes with a guy."


"Weird kasi yung feelings. Siyempre, I prefer girls, di ba?Pero ‘pag nandun ka na at kailangan sa eksena, kailangan talagang ipakita nanag-e-enjoy ka. After the scenes, nagtatawanan kami ni Joseph. Nagbibiruan kung'nag-toothbrush ka ba'? Nagbibiruan na lang kami para hindi masyadong mailang," relates Polo Ravales about his kissing scenes with co-star Joseph Bitangcol in Walang Kawala.



Nangangamoy nominasyon at award next year si Polo Ravalesdahil marami ang pumuri sa galing na ipinamalas niya sa pelikulang WalangKawala. Nagkaroon ng press preview itong pelikula ni Joel Lamangan kagabi,October 28, sa Greenbelt 3, Makati City.

"I'm so happy na maganda yung outcome ng movie at magandayung sinasabi ng mga tao sa akin. Nagdalawang-isip ako na tanggapin ito peropumasok sa isip ko na ito ang way para mapatunayan ko na marunong akong umarte,"sabi ni Polo nang ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Aminado naman si Polo na sobrang nahirapan siya sa kanyangrole bilang si Joaquin, na nagkaroon ng relasyon sa isang kapwa lalake.

"Hindi siya madali," sambit niya. "Nakakapagod siyang gawindahil mahirap lahat. Kumbaga, first time ko kasi magkaroon ng love scenes witha guy. Iba ito. Hindi ordinaryo yung mga scenes na ginawa, kailangan talagangmag-prepare."

Kinuwento ni Polo ang ginawa niyang psyching up:

"Iniisip ko na ako yung character. Before umalis ng bahay,kumbaga hindi ko inisip yung sasabihinng ibang tao kung anuman ang gawin ko sa pelikula. ‘Pag pupunta ako sa set,hindi ako si Polo, e. Iniisip ko, wala akong pangalan. Kasi ‘pag inisip ko nakilala ako ng mga tao, baka mahiya ako. Maiilang ako na gawin yung mga dapatkong gawin sa pelikula. Iniisip ko theater actor ako habang tini-take ang mgaeksena na yun, iniisip ko na maraming tao ang nanonood sa akin."

Ayon pa kay Polo, dumating din sa point na nagkakailangansila ni Joseph Bitangcol sa kissing scenes nila.

"That was take 3 kasi nagkakailangan kami pareho ni Joseph.Prepared na kami, ha! Pero may takes na nagkakailangan kami. Halatang hindimaganda sa screen. Si Direk [Joel Lamangan], hindi niya talaga igu-good nahindi talaga good, e.

"Weird kasi yung feelings. Siyempre, I prefer girls, di ba?Pero ‘pag nandun ka na at kailangan sa eksena, kailangan talagang ipakita nanag-e-enjoy ka. After the scenes, nagtatawanan kami ni Joseph. Nagbibiruan kung'nag-toothbrush ka ba'? Nagbibiruan na lang kami para hindi masyadong mailang,"kuwento niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa tingin ba ni Polo, nabawasan ang pagkalalake niya sapelikulang Walang Kawala, na ipapalabas sa November 12 under Manny Valera'sDMV Entertainment?

"Hindi! Not at all. Ako pa rin ito," diretso niyang sagot.

Tinanong din si Polo ng PEP kung paano siya nakumbinsi nasumosyo para mag-produce ng isang gay-themed film.

"Kasi naniniwala ako sa script, e. Nung binasa ko siya,maganda siya. Nung binasa ko siya, parang mas masarap ang mag-produce kesaumarte. Pero yun nga, isa ito sa mga tools para mapansin ako ng mga tao kayatinanggap ko rin siya. Kumbaga, naniniwala ko sa pelikula."

THE RUMORED SPLIT. Ayaw namang magsalita ni Polotungkol sa napapabalitang split nila ng rumored girlfriend niyang si JeanGarcia.

"Huwag na nating pag-usapan ‘yan," iwas niya. "Basta angdami nang mga hearsay, ang dami nang na-write up. Ang stand ko lang, I'm sadbecause hindi maganda yung mga issues na nangyari for the both of us."

Hindi maganda yung mga lumalabas na hindi maganda anghiwalayan nila ni Jean?

"No, nalulungkot ako dahil may mga issues na lumalabas nahindi naman nila alam kung ano yung totoo," saad niya.

Ayaw pa ring sagutin ni Polo kung hiwalay na talaga sila niJean. Pero may lumalabas pang natsitsipan daw si Jean kay Polo dahil pumapatolsiya sa "kung sinu-sinong babae."

"Unang-una naman kasi, single naman ako, e. Pero hindi namanako pumapatol sa kahit na sino. I think I have the right to be with someone nagusto ko. Never akong nag-two time," aniya.

Ano ang masasabi ni Polo sa pahayag ni Jean na natsi-cheapansiya sa kanya?

"Well, if that's her opinion, I respect that. Basta now,happy ako na single ako and I have all the time in the world kasi I'm young, tomeet someone na I deserve. Basta ngayon, gusto kong maging single muna... Athindi naman ako cheap," deklara niya.

Okey naman daw sila ni Jean ‘pag nagkikita sa taping ng Gagambino,kung saan sila magkasama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nagbabatian kami," aniya.

Paano niya ilalarawan si Jean ngayon?

"She's my co-actress," sagot ni Polo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN