Kakai Bautista shrugs off low box office results of first top-billed movie

IMAGE @ilovekaye on Instagram

Kakai Bautista refutes "first-day-last-day" finish of first top-billed movie titled Harry & Patty. "Ay hindi, hindi totoo yung first day, last day. Sa totoo lang, sabi nila wala na pero napanood pa nila. Kasi yung app sa internet, hindi kami minsan lumalabas. Kaya akala siguro ng iba wala na, pero nandoon pa."



Itinanggi ni Kakai Bautista ang paratang na "first day, last day" ang nangyari sa Harry & Patty, ang kauna-unahang pelikulang pinagbidahan niya, kung saan kasama ang dating na-link sa kanyang si Ahron Villena.

Dahil sa hindi magandang resulta sa takilya ng kanilang pelikula ay hindi na raw ito tumagal ng higit sa unang araw nito.

Ngunit giit ni Kakai, “Ay hindi, hindi totoo yung first day, last day.

“Sa totoo lang, sabi nila wala na pero napanood pa nila. Kasi yung app sa internet, hindi kami minsan lumalabas. Kaya akala siguro ng iba wala na, pero nandoon pa.

“Katulad nung isang beses sa MOA [Mall of Asia], wala na raw pero nakapanood pa sila ng dalawang araw. Kaya hindi ako naniniwala sa first day, last day. Hindi siya nagtagal, pero hindi siya first day-last day.”

Masaya raw si Kakai dahil sa mga natatanggap nilang feedback noon.

Kuwento niya, “Araw-araw kaming nakakatanggap ng mga feedback. I think, it’s because konti lang ang sinehan namin and it was not really push na malala.

“Kasi at that time, everybody was busy with Cinemalaya, everybody was busy with PPP [Pista ng Pelikulang Pilipino].”

Patuloy niya, “May kurot ako, but I’m happy with the result. Technically yung result, I mean, it’s not blockbuster, pero not all movies na hindi pinanood ng mga tao ay may feedback na maganda.

“Kami, isa’t-kalahating linggo kami. Everybody loves it. For me, sapat na yun sa akin.

“At kahit kay Ahron sinabi ko, 'Aminin mo naman, hindi naman yung movie lang natin ang nakaranas ng ganun.

“And sa clickthecity, five star kami. Wala halos bumababa ng four, five. At yung mga reviews, nine out of ten, eight out of ten.”

Hindi ba siya na broken-hearted na ang una niyang pelikula ay hindi naging ganun kalakas sa takilya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Kakai, “Ay hindi, bakit naman ako mabo-broken heart? Ikaw, binigyan ka ng chance na pelikula na sarili mo. Ginastusan ka. Yung mga nakapanood sa inyo kahit hindi marami, na-appreciate. 

“So, bakit ako mabo-broken heart?”

Halos magkasunod ang mga pelikula ni Kakai. Kagabi, September 11, ang premiere night sa SM Megamall ng Wander Bra at ngayong September 12 ang regular showing nito.

Kasama ni Kakai sa pelikula si Myrtle Sarrosa. 

Mas na-pressure ba siya na panibagong pelikula naman ang aabangan niyang box-office result? 

“Hindi ako na-pressure, life goes on,” aniya.

“Alam kong binigay ko ang best ko [sa Harry & Patty] at alam kong binigay ko rin ang best ko sa Wander Bra. So ganun talaga, e.

“Sabi ko nga, there are things that we cannot control, only God knows at lahat may rason.

“Yung chance na lang na mag-bida ka sa pelikula for the first time, actually, ginastusan yun, we were given an opportunity.

“Yun nga lang, may mga bagay na hindi natin mako-control. But for me, it was a good experience and one of the best experiences.”

NO TO BOOB JOB

Nag-enjoy si Kakai nang gawin ang Wander Bra sa direksiyon ni Joven Tan.

Dito rin daw siya nagkaroon ng pagkakataong makatrabaho ang ilang artista na pinapangarap lang niyang makasama noon, tulad ng aktres na si Gina Pareño.

Tuwang-tuwa rin ito sa co-star na si Gardo Versoza.

Kuwento ni Kakai, “Noong bagets pa ko, yung Machete. Pero grabe rin yung mga pelikula non, na-amaze ako kasi kahit sexy yung mga pelikula, hindi lang siya sexy, ang ganda ng mga story.

“At saka, na-amaze ako kay Tito Gardo pati yung team-up nila ni Ms. Rita [Avila]. Ang ganda ng mga pelikula nila at saka, pangarap ko rin siyang makasama.

“At saka ang lakas ng appeal niya,” sabi pa ni Kakai.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi ko nga sa kanya kapag nakikita ko siya, ang guwapo mo pa rin Tito Gard. Kapag nagsalita, ang ganda ng mata. Tapos charming, sobrang charming! Ang ganda ng kulay, di ba?”

Sa Wander Bra, nagpapalit sila ng katauhan ni Myrtle. Kapag sinusuot na ng character ni Kakai ang bra at nagiging superhero, si Myrtle na ito.

Sa totoong buhay, hindi ba niya naisipan na magpa-enhance ng boobs?

“Wala talaga, e,” mabilis na sagot ni Kakai.

“Sa akin talaga, kahit dati pa, hindi ko talaga kaya. Bukod sa natatakot ako sa knife, yung injection nga lang para akong mahihimatay.

“Hindi ko talaga naisip na magpalaki or something, hindi ko talaga kaya.

“Psychologically, hindi ko kaya dahil takot ako sa knife. At saka, kapag pinaayos ko, mag-iiba na yung, Eeto ako.' Para bang baka magbago yung tingin nila sa akin.

“At saka, masaya rin ako sa fezlak ko, ang dami ngang nagkakagulo,” natatawang sabi ni Kakai tungkol sa kanyang mukha.


  


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN