Katrina Halili on doing ToFarm entry Mga Anak ng Kamote: "Parang nagagamit ko yung brain ko. Charot!"

IMAGE Rogeneil Barrogo

Katrina Halili on doing ToFarm 2018 entry Mga Anak ng Kamote: "Parang nagagamit ko yung brain ko. Charot!"


Halos lahat na ng aktres sa GMA-7 ay “naapi” o “natarayan” na ni Katrina Halili bilang kontrabida.

Kaya kagulat-gulat ang sagot niya sa tanong namin kung sino pa ang gusto niyang pagkontrabidahan sa mga artista ng GMA.

“Si Jennylyn.

“Hindi pa kami nagsasama… ang unang sama namin kakatapos lang ng StarStruck, Forever in My Heart.

“Magkalaban kami dun pero batang-bata pa kami nun.”

Si Jennylyn Mercado ang Ultimate Female Survivor sa unang season ng StarStruck at ka-batch niya si Katrina na isa naman sa mga “avengers” or runners-up sa naturang artista search ng GMA.

Kaya bongga kapag magsasama silang dalawa sa isang teleserye bilang mortal na magkalaban.

“Try natin ngayon.”

“Ang dami ko nang nakasama, Marian [Rivera], Angel [Locsin], Heart [Evangelista], Yasmien [Kurdi], Carla [Abellana]. Halos lahat na…

“Si Jennylyn na StarStruck pa, ha? Si Jennylyn pa talaga yung hindi ko pa nakakasama.”

Gusto ba niyang ingudngod si Jennylyn sa isang intense na eksenang awayan kung sakali?

“Hindi naman, pero naiisip ko kasi, parang ang dami ko nang naka...may rivalry ako na kung sino-sinong mga stars...mga big stars ng GMA, di ba? Pero si Jen na kasama ko pa talaga sa StarStruck, kami yung hindi pa nagsasama.”

Kaya wish ni Katrina na mangyari iyon.

Bida si Katrina sa Mga Anak Ng Kamote kung saan kasama niya sina Alex Medina, Carl Guevara, Lui Manansala, at Kiko Matos.

Sa direksyon ni Carlo Catu at produced ni Dr. Milagros How, kasali ito sa ToFarm Film Festival 2018 na mapapanood sa mga sinehan mula September 12-18.

Sa opening ceremonies ng ToFarm namin nakausap si Katrina noong Lunes, September 10, sa Novotel Hotel sa Cubao.

Pang-ilang indie na ito ni Katrina?

“Pang-ilan ba? Ewan ko, baka apat.”

Anong big difference in making an indie sa mainstream movie or a TV show?

“Sobrang laki ng difference!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano yung pinaka?

“Sa character! Kasi sa TV ko puro na lang maldita, di ba? Wala nang ginawa kundi waaah waaah… paos-paos ang boses ko.”

Mabait ang character niya sa indie film Mga Anak Ng Kamote.

“Yeah, oo. Ang saya gumawa kapag ibang character yung ginagawa mo.”

Deglamorized ba siya dito?

“Oo. Ang saya, sobra. Parang nagagamit ko yung brain ko. Charot!” at tumawa ang Kapuso actress.

Enjoy si Katrina na gumawa ng indie film.

“Sobra po, oo, nag-enjoy ako. Kahit wala akong tulog ginagawa ko ‘to, kasi M-W-F yung The Stepdaughters tapos T-TH-S ito. 2 weeks ‘to.”

Hindi ba siya nahirapang pagsabayin ang The Stepdaughters at Mga Anak Ng Kamote; hindi ba niya nadadala ang karakter niya sa isa sa kabilang set and vice-versa?

“Actually, nung ginagawa ko ‘tong Mga Anak Ng Kamote, siya yung parang naging pang-relax ko. Sinabi ko nga kay direk, ‘Alam mo direk, habang nagsu-shooting ako feeling ko ito yung pahinga ko’.

“Kasi pahinga sa sigaw, yung kabila waaah, sigaw.

“Sigaw, galit, away, lagi akong paos.

“Kung 9.9 yung energy ko kay Isabel sa The Stepdaughters, dito sa Mga Anak Ng Kamote, negative 5.”

Briefly ay nagkuwento si Katrina ng papel niya sa Mga Anak Ng Kamote.

“Hindi ano, parang…kinulong kasi ako sa bundok e, ng asawa ko, parang binuro.

“Basta kinulong niya ako sa ano…sa bundok. Tapos bawal akong lumabas, ganyan, bawal akong lumabas ng siyudad.

“Nagtatanim kami ng kamote.”

Wala siyang reklamo kahit deglamorized siya sa pelikula.

“Hindi, gustong-gusto ko gumagawa talaga ng de-glamorized, yung mga ganyan, yung mga walang make-up.

“Pahinga sa make-up.

“Saka yung hindi masyadong nag-aayos.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN