Actor-turned-politician Monsour del Rosario makes movie comeback via Pinoy action movie

Action star and martial arts expert Monsour del Rosario makes a movie comeback via The Trigonal, which will also have an international release in China.



Malaking dahilan sa pagbabalik ni Monsour del Rosario sa pelikula ang writer-director ng The Trigonal na si Vince Soberano. 

Kuwento ni Monsour, “Well, unang-una, si Vince Soberano is my childhood friend. Kapwa ko Ilonggo, Bisaya. Noong bumalik siya rito, nagtatanong siya bakit wala ng action movies at bakit hindi na ko active sa movie industry.

“So sinabi ko na hindi na sila gumagawa ng action movies. Tinanong niya, ano na ang mga pelikula, so sinabi ko nga, puro love triangle, love story, romance, horror, cartoon. Puro mga ganun na lang.”

Nang magpahinga sa showbiz si Monsour ay sumabak ito sa politika. Naging konsehal muna ng first district ng Makati City, at ngayon ay congressman na ito.

Patuloy ng actor-turned-politician, “Then, sabi niya gawa tayo ulit. Sabi ko, puwede tayong gumawa ulit kung may kilala kang martial artists, para mura lang.

“Kasi siyempre, kapag sinabi mong action, ang iniisip ng mga tao, yung sumasabog ang building, may helicopter, kotse, may habulan. Mahal yun, magastos.

“'Tapos sabi niya, puwede tayong gumawa parang Bloodsport. Action siya, pero may story, martial arts ang gamitin natin.”

Ang Bloodsport ay isang 1988 movie tampok si Jean Claude Van Damme.

“E, marami siyang contact sa martial world dahil involved siya sa Ultimate Fighting Champion, yung UFC.  Involved din siya sa Jackie Chan stunts group.”

Nakausap nga ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Monsour sa presscon ng kanyang comeback movie na The Trigonal, na ginanap sa Max’s Restaurant noong September 7.

Si Monsour na rin daw ang nag-recommend sa bida ng The Trigonal na si Ian Ignacio, na kasama naman niya sa hindi pa ipinalalabas na pelikulang Blood Hunters, kunsaan siya ang bida at supporting si Ian.

“Sabi ko, support lang ako diyan. Tingnan muna natin kung magugustuhan ng tao ang pagbabalik ko, ibitin na muna natin. Kapag maganda ang dating sa tao na nakikita ako ulit sa silver screen, ilabas natin ang Blood Hunters.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aminado si Monsour na mahina pa rin ang market ng action films, pero may malaking plano raw kasi ang mga producers ng The Trigonal, ang Cinefenio Film Studios, RSVP Film Studios, at Piaya, na ang VIVA Films naman ang magdi-distribute.

Pagkatapos na maipalabas ito sa Pilipinas on September 29, ipalalabas naman ito sa China.

Kuwento ni Monsour, “Ang China market, gusto na ito. At ang China may one billion na tao. Kahit na one-fourth lang sa one billion ang manood. Napanood ni Jackie Chan, nagustuhan.

“Kapag napunta ka raw ng China sabi ni Direk Vince, may mga action films dun na parang ang pangit kumpara rito, pero pinagtitiyagaan nilang panoorin. Basta martial arts gusto nila, kaya sabi ko, may market kami run.”

Ang The Trigonal ay English ang dialogue dahil na rin sa planong international distribution. Isa si Rhian Ramos sa mga stars ng action film na ito.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN