The Hows of Us grosses PHP591 million worldwide; beats John Lloyd-Bea box office record

Kathryn Bernardo admits to almost getting defeated by struggles in the past, without going into specifics. The Hows Of Us has already grossed PHP591 million worldwide, according to Star Cinema.



Hindi napigilang maiyak ni Kathryn Bernardo nang magbigay ng mensahe sa victory party ng pelikulang The Hows of Us kagabi, September 12, sa 9501 Restaurant sa ABS-CBN, Quezon City.

Naging emosyonal si Kathryn nang aminin nitong dumaan siya sa puntong napagod na siya sa ilang mabibigat na pinagdaanan, at sumugal siya sa The Hows Of Us na di alam kung paano tatangggapin ng publiko ang pelikula.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News sa aktres, iniwasan nang tukuyin ni Kathryn kung ano ba ang mga pinagdaanan, pero pinagpapasalamat na lang niya na matapang niyang nalagpasan ang mga ito.

Aniya, "Ayoko nang maging specific naman sa mga nangyari, pero alam mo yun at one point naman sa mga buhay natin, darating ka sa ganyan, e.

"Di ko naman idine-deny, alam din naman nila ang naging struggle ko dun, e."

Patuloy niya, "Tinanggap namin ang The Hows Of Us na di namin alam kung ano ang magiging outcome. Kailangan mo siyang sugalan kasi wala, e, ano ang mangyayari kung paano ganun lang ang gagawin mo sa sarili mo?

"Yes, naranasan ko. Ang importante, bumangon tayo dun and ginawan mo ng paraan. Masaya lang talaga ako na marami ang nakaka-appreciate ng movie."

As of 7:00 p.m. kagabi, ayon sa Star Cinema, kumita na ng PHP538 million sa Philippine box office ang The Hows Of Us samantalang umabot naman ito ng $1 million US dollars (PHP 53 million) sa international screenings.

Ang total worldwide box-office gross ng The Hows Of Us ay nasa PHP591 million na.

Ito na ang most-watched Filipino movie na hindi bida si Vice Ganda. Nalampasan na ng THOU ang PHP556 million worldwide box office gross ng John Lloyd Cruz -Bea Alonzo movie na A Second Chance noong 2015.

Labis ang pasasalamat ni Kathryn sa mga taong nanood at sumuporta sa pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad niya, "Alam mo ying feeling na di mo na alam kung paano i-describe kasi sobrang umaapaw yung saya? Siguro more than masaya, sobrang blessed ang nararamdaman ko ngayon.

"Ang gaganda ng mga nangyayari ngayon, nag-pay off lahat ng ginawa namin sa pelikula. Masaya kami kasi sabi nga namin ni DJ, kahit pala alam namin na mahal ang movie tickets, alam mo buhay pa rin ang pelikulang Pilipino, yun ang pinakaimportante.

"Nandiyan pa rin sila, kailangang bigyan mo lang sila ng makaka-relate sila, yung gusto nilang project at masaya kami na nandiyan sila at di namin in-expect. Di ko na alam ang mararamdaman ko sa sobrang saya."

Ayon nga sa The Hows Of Us actress, nagbunga ang lahat ng hirap at sakripisyo na binigay nila para mabuo ng maganda ang pelikula.

"Yes, di talaga biro. Di lang siya yung pagod kami, pero yung ininvest namin dito emotionally, grabe.

"Ang simple-simple ng pelikula pero grabe yung pinagdaanan talaga para mabuo siya. Ang simple na niya, paano mo pagagandahin? Yun talaga.

"Malaking bagay ang buong team na nandito kanina dahil sila yung naging instrumento, sila ang naging dahilan kung bakit nabuo talaga ang lahat."

Umangat at naging kapansin-pansin din sa pelikula ang husay sa pag-arte na pinakita ni Kathryn sa The Hows of Us, kung saan malayo sa mga pa-sweet at wholesome roles na dati nitong ginampanan. Hula nga ng marami, dito ay maaaring manalo si Kathryn ng best actress na kikilala talaga sa galing niya bilang isang tunay na aktres.

Reaksyon niya dito, "More than sinasabi nila na puwedeng makakuha ng award, masaya ako na naniwala sila sa akin.

"Yun ang pinaka-reward na hinihintay ko na kahit di mga taga-Kathniels, nandiyan sila at pinanood nila ang pelikula. Masaya ako dahil naniniwala uli sila and maraming salamat sa tiwala."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN