Brillante Mendoza on working with Baron Geisler: "Hindi ko na kukunin 'yan kung may problema ako."

IMAGE Noel Orsal

Brillante Mendoza becomes first Filipino to head jury panel of Tokyo International Film Festival.


Ni-reveal ng international award-winning director na si Brillante Mendoza na siya ang napili bilang president ng mga jury sa Tokyo International Film Festival, na gaganapin mula October 25 to November 3.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na isang Pilipino ang napiling head ng mga jury sa nabanggit na international filmfest sa Japan.

Nauna rito, naging member na rin ng jury si Direk Brillante sa Cannes International Film festival na ginaganap sa France.

“Then on December I will be given a tribute sa Cairo Film Festival. So, bibigyan ako ng tribute doon at saka magbibigay ako ng master class doon sa Cairo,” pagbabalita ni Direk Brilllante sa presscon ng Alpha, The Right To Kill, na ginanap sa Director’s Club sa SM Megamall Fashion Hall kamakailan.

With all his achievements at mga karangalang binigay niya sa bansa, inaasam din ba niya na mabigyan ng karangalan bilang National Artist ng bansa?

“Hindi ko naman iniisp yun. Ang tanda naman,” kasunod ang malakas na tawa ni Direk Brillante.

“Hindi ko alam,” ngiti niya.

In competition ang Alpha, The Right To Kill ni Direk Brillante sa 66th San Sebastian International Film Festival sa Spain, na gaganapin mula Setyembre 21 hanggang 29. Ito ang unang pagkakataon na naimbita ang Alpha ni Direk Brillante para sa kompetisyon.

Kuwento niya, “Nagawa na yung film nung imbitahan nila ako. In fact, naka-ilang edit ako. Kaya nga hindi ako nakahabol doon sa ibang festival din dahil nag-e-edit pa kami.

"Ang San Sebastian kasi, eto na yung, before the end of the year, eto na yung last major international film festival bago matapos ang taon.”

Dahil hindi na siya aabot sa deadline for other major international film festival kaya ba nag-decide na siya isali sa San Sebastian International Film Fest ang Alpha, The Right To Kill?

“Oo, hindi talaga siya aabot.”

Pero nakatanggap din ba siya ng invitation mula sa Cannes Film Festival?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ay, hindi,” mabilis niyang sagot. “Kasi dito sa mga A-list festival kapag sinubmit mo na sa isang ano, hindi ka na puwedeng lumabas sa iba. Ang tinatawag nila doon ay world premiere.

"So, halimwaba, kapag may nag-invite rin sa akin na ibang festival, hindi na ako pwedeng um-oo kasi meron na siyang world premiere. Kaya hindi na ako puwede sa Cannes sumali o isali ang movie namin."

Dugtong niya, “Pero very special din ang San Sebastian dahil first time ko, and ano, 66 years na siya. First Filipino film pa siya, so, napakalaking karangalan na nandoon.”

FILM DISTRIBUTION

Ibinalita rin ni Direk Brillante na meron nang kumausap sa kanya na isang international film distributor na magpapalabas ng Alpha, The Right To Kill sa iba’t ibang mga bansa on a regular run.

Anong naramdaman niya nung kausapin siya ng international film distributor?

Aniya, "Well, unang-una, kasi, siyempre kapag nag-uumpisa ka pa lang as a filmmaker, yung ma-distribute ang film mo hindi mo pa masyadong iniisip yun, e.

“Ang gusto mo lang talaga, mag-festival. Pangalawang iniisip mo, manalo ng award. E, 'yan.

“But eventually, siyempre, pang-13th year ko na ata this year, pang-ilang pelikula ko na to, so ang gusto mo rin naman umiikot din ang pelikula mo.

“Hindi ka lang nagpi-festival, hindi ka lang nananalo ng award.

“Kasi kapag na-distribute ang film mo ibig sabihin, may regular run ka sa ibang bansa. So, nakikilala ka sa ibang bansa. But more than anything else, hindi lang ako, pero yung pelikula natin, di ba? Yung mga kuwento natin, ganoon.”

Ito na rin kaya ang simula nang pagbubukas ng pinto para sa local films na maipalabas at makilala sa world film market?

“Yun sana,” sambit ni Direk Brillante. “Yun din ang dream ko, ano. Ang ultimate dream ko, ang mga Pilipino films, hindi lang sila mag-festival, hindi lang tayo manalo ng award kundi mapanopod sa buong mundo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kapag napanood kasi nila tayo sa mundo, magkakaroon tayo ng audience. Ibig sabihin, male-legitimize ang ating pagka-panalo, ang ating pagiging magaling bilang Pilipino.

"Kasi hangga’t hindi tayo nadi-distribute at kung hanggang festival-festival lang tayo, hanggang sa ikot-ikot lang ang pelikula sa festival... okay, nalalalaman lang ng festival goers. Pero yung regular audience ng mga manonood sa mga sinehan ng bansa nila, hindi alam.

“Parang dito, halimabwa, meron kang isang Sinag Maynila o Cinemalaya. Kapag pinalabas sa Sinag Maynila o Cinemalaya, after that, wala na.

“Samantalang kung halimbawang ang pelikula mo ay na-distribute siya ng isang major distribution company, may regular screening siya. Ibig sbaihin, mapapanood siya ng mga ordinaryong tao. Malaking bagay yun.”

Nakatakdang umalis si Direk Brillante papuntang Spain para um-attend sa San Sebastian Film Festival kasama ang ilan sa kanyang staff at ang bida ng Alpha, The Right To Kill na si Allen Dizon itong buwan ng Setyembre.

WORKING WITH BARON

Kasama rin sa latest film ni Direk Brillante sina Baron Geisler at Elijah Filamor.

Hindi ba siya nagdalawang-isip na kunin si Baron sa project niya sa rami ng mga isyung kinasagkutan ng aktor?

“Okay naman siya. Mabait naman si Baron.”

May balita na wala nang nago-offer ng project kay Baron lately. Totoo ba ‘to?

“Hindi naman,” pagliinaw ni Direk Brillante. “Baka kasi nasa ano siya, nagre-rehab siya, di ba?

“Ginawa niya ang movie namin bago siya umalis [papuntang Cebu para sa rehab]. Pero nagko-communicate kami, madalas.”

Okay naman daw si Baron ayon sa direktor. 

Hindi ba siya nagkaroon ng problema kay Baron habang ginagawa nila ang Alpha?

“Wala,” diin niya. “Hindi ko na kukunin 'yan kung may problema ako!”

Kukunin pa rin ba niya si Baron sa mga susunod niyang proyekto?

“Okay naman siya.”

Sa palagay niya bakit nagkaka-isyu si Baron sa mga kasama niyang artista sa ilang proyektong nilabasan niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro it’s how you deal with the person, 'no. Minsan it’s how you deal with them.

“E, siyempre, kumbaga, kapag nandiyan siya, siguro professional yung ano namin talaga, yung trato.

“I mean, you respect the actor. You respect them as a person.”

Paano niya ba hina-handle si Baron on his set?

“Wala, parang wala lang. Parang darating siya sa set, kasi, nakikita niya talaga kami nagtatrabaho kami.

“Ibig sabihin, wala kaming ano, fun-fun, tsika-tsika, yung mga ganoon.”

Hindi raw umiinom si Baron sa set.

“Hindi, kasi pinagbawal ko. Sabi ko sa kanya, ‘Baron, bawal uminom sa set. Ayaw kong may umiinom sa set.’

“Kasi wala namang umiinom sa set. Hindi kami allowed. Wala kaming ganoon, and we don’t have time to do that kasi kami sa set pagdating mo, trabaho talaga. Kaya maaga kami napa-pack-up. Hindi kami nagma-madaling-araw.”

Bakit?

“Ayoko,” diretso niyang sagot. “Hindi lang dahil sa health reasons. Ever since, magmula nang maging direktor ako hindi ako nagma-madalilng-araw.

“Gusto ko regular, parang nagpunta ka sa opisina. Di ba papasok ka sa opisina, kakain ka ng maaga.”

What time usually siya nagpa-pack-up sa set nya?

“Ten o’clock. Minsan, dinner lang kami. Hanggang 8 p.m. lang kami most of the time. At nag-i-start kasi kami, six in the morning.”



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN