Sherwin Ordoñez bares in "Kurap"


Sherwin Ordoñez (in photo) stars in Kurap, which will be shown in selected cinemas starting November 12 (Wednesday). These are: Robinsons Galleria (Ortigas City),Robinson's Place Ermita (Manila), Gotesco Grand Central (Monumento),Remar (Manila), ABC Theater (Guadalupe, Makati City), and Isetann (Recto).



After several years in the movie industry, bidang-bida na sa pelikula ang bagets-turned-young bachelor na si Sherwin OrdoƱez via Kurap ng Silangan Pictures. Si Sherwin ay nakita nating nagbinata at nag-mature sa maraming GMA-7 shows mula Click days nito hanggang Nuts Entertainment, etc.

Isa si Sherwin sa mga original talents ng GMA Artist Center, at bagama't ilang taon siyang hindi nag-renew sa nasabing talent arm ng Siyete, muli nitong ni-renew ang management contract dito kamailan lang.

Masayang-masaya si Sherwin dahil makalipas ang ilang buwang paghihintay ngayong 2008 matapos nitong i-shoot ang Kurap, maipapalabas na rin sa wakas ang kauna-unahang solo starrer niya, mula sa direksiyon ni Ronaldo Bertubin.

Si Direk Roni rin ang nag-direk ng gay indie na Sikil (2007) kung saan introducing sina Will Sandejas at Ken Escudero, na isa rin sa masasabi naming pinaka-makabuluhang gay film sa makabagong panahon.

Kurap is an indie film about greed and corruption among small-time criminals sa mga eskinita ng Maynila, at nakatakda itong mag-premiere night (director's cut) sa November 8 (Sabado), 7:30 PM sa Cine Adarna ng U.P. Film Institute ng U.P. Diliman, Quezon City.

Pero bago pa man itanghal sa Pilipinas, nakaikot na sa iba't ibang international film festivals sa iba't ibang bansa ang "Kurap, na kalimitan ay kasama sa entourage ang bidang si Sherwin, Direk Roni, at iba pa.

Ngayong 2008, ang mga international filmfests na napuntahan na ng Kurap upang maging entry ng Pilipinas (competition categories) ay ang: 1Oth Osian Cinefan Film Festival sa New Delhi, India (July); sa Vancouver International Film Festival sa Vancouver, Canada (September) sa 2008 Warsaw International Film Festival sa Warsaw, Poland (October).

Sa buwan rin ng Oktubre 2008 ay naimbitahan ang pelikula upang maitanghal sa film festivals ng Valencia, Spain gayundin sa Tokyo, Japan. Next in line this November naman ay sa bansang Italy at sa Tallin Estonia.

Kaya gano'n na lamang ang pressure ni Sherwin hindi lang dahil first solo lead niya ito, kundi nakaikot na rin ang Kurap sa iba't ibang film fests around the world, and still doing its global tour.

Nasa cast rin ang character actor na si Jojit Lorenzo, new actress Ashley Rhain Arca, Raja Montero, Christian Burke, Rico Lazaro, at ang mga baguhang sina Jeff Luna, Nikolai Villamor, at Dexter Castro.

Ayon sa isang insider, hindi lang isa ang butt exposure dito ni Sherwin sa ilang sexy scenes nito sa pelikula. "Kailangan ko talaga gawin 'yun sa scene dahil 'yun ang hinihingi ng eksena eh," sabi ni Sherwin.

Last Tuesday, October 28, ginanap ang sexy pictorial ni Sherwin as part ng promo blitz ng Kurap at ayon sa kuwento, pinagpawisan at kinabahan raw si Sherwin dahil talagang hindi pa siya sanay na magpa-sexy kahit sa photo shoot. Nakita na ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang "revealing" shots of Sherwin, and masasabi ngang " man" na talaga ang dating bagets actor.


SYNOPSIS. Ambet is a small-time pickpocket lurking in the busy streets of Metro Manila. Together with his gang of young criminals, he steals things and sells them the easiest way possible... through bribery and corruption.

Meanwhile, Ambet's only sister, Luchie, is afflicted with glaucoma, a disease which causes slow blindness of the eye.

Ambet's illegal income is not enough to sustain the two of them let alone Luchie's sickness. Marlon will then enter the picture. He is a cunning cameraman who is always chasing for a video material on petty street crimes, prostitution and prohibited drugs. His hidden camera is constantly on the hunt for juicy stories which he is peddling to his publicity-hungry
client, the television network.

As Luchie's eye condition aggravates, Ambet will agree to work for Marlon as an "undercover agent." Ambet will be caught in a dilemma and will eventually betray his comrades all in the name of love and money.

In the blink of an eye, moral degradation, sexual awakening, deceit and deception will be exposed.

Corruption and greed will consume them leading to their own death and destruction. Will their good intentions justify their tragic end?


DIRECTOR'S NOTE.
"Corruption is everywhere... corruption is everybodys concern! In life, you need to be vigilant. Evil can catch you in a blink of an eye."

Ang pelikula ay mula sa script ni Romualdo Avellanosa (screen writer rin ng Sikil), director of photography si Gary Gardoce, production designer si Antonio Chiong, at executive producers sina Melissa Geling at Evy Escobar.

Si Direk Roni ay kasalukuyang assistant director sa advertising industry. Ang kanyang 15-minute film na Lansa ay kinilala na sa international scene. "Lansa" was a finalist in the Cinemanila International Film Festival and the Turks and Caicos Film Festival. It has received citations in the New York Film Festival and the New York International Film and Video Festival.

The success of Lansa brought about the production of Sikil, Direk Roni's first venture into a full length international film.


Regular showing ng Kurap sa November 12 (Wednesday) sa mga sumusunod na sinehan: Robinson's Galeria (Ortigas City), Robinson's Place Ermita (Manila), Gotesco Grand Central (Monumento), Remar (Manila), ABC Theater (Guadalupe, Makati City), at Cinerama ng Isetann (Recto).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN