How does Sam Concepcion relate to his film Para sa Broken Hearted?

IMAGE Noel Orsal

Sam Concepcion's current love life status seems fit for the title of his latest film, Para sa Broken Hearted. The actor admitted that he and Kiana Valenciano have broken up. 



Masarap kausap kahit may pagka-misteryoso ang karakter na ginagampanan ni Sam Concepcion bilang si Dan sa bagong pelikula ng VIVA Films. Ito ang film adaptation na hango sa best-selling book na Para sa Broken Hearted ng hugot novelist na si Marcelo Santos III.

“Ang story nito, parang story ng heartbreak ng limang tao. Mag-intertwine yung story. Maiintindihan mo siya at the end of the movie kung paano siya nagtahi lahat,” simulang pahayag ni Sam.

“It’s very real. I think ito yung film na totoo.”

Dugtong pa ni Sam, “Totoo yung sinabi ni Direk [Digo Ricio] na parang isang phase ng life which is heartbreak. And when you go through it, parang ibang tao ka na.”

Sa totoong buhay, naranasan na nga raw ni Sam ang ma-broken hearted talaga.

“Oo naman at sabi nga nila, the first time always comes the deepest, di ba?”

Nasa edad twenty-one raw siguro siya nun.

Pero, paano siya nakapag-move-on sa unang heartbreak?

“Mahirap yung experience na yun kasi parang nandoon din ako sa phase na becoming an adult pa lang. Mahirap kasi nandun yung experience na first time mong masaktan.

“It changes you. It either makes you or break you. It will break you muna.”

Si Jasmine Curtis-Smith ang nabalitang naging girlfriend niya noon kaya tinanong namin siya nang diretso kung ito ba ang una niyang heartbreak.

Natawa si Sam saka sinabing, “Hindi ko na lang papangalanan.”

Sa kanilang lahat sa cast ng bagong pelikula ng Viva Films na Para Sa Broken Hearted, parang siya ang masasabing totoong dumadaan sa ganitong situwasyon.

Inamin nga ni Sam na break na sila ng girlfriend na si Kiana Valenciano.

Mahirap man daw ang unang heartbreak, ayaw daw niyang magkumpara sa kung gaano naman kahirap ang heartbreak niya ngayon.

“Hindi ko siya mako-compare naman, I don’t want to compare.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, palagi siyang mahirap na experience. You get better lang at it lang but it’s the same feelings.”

Ang Para sa Broken Hearted ay ipalalabas sa October 3. Bukod kay Sam, bida rin sa pelikula sina Yassi Pressman, Shy Carlos, Louise delos Reyes, at Marco Gumabao.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN