Fifth Solomon edits out sister Chariz from his debut film

IMAGE Allan Sancon

Fifth Solomon wants to direct Kathryn Bernardo and Daniel Padilla, more popularly known as Kathniel, in a movie. There's one hurdle he needs to overcome though. "Siyempre may network sila. Pero malay naman natin, baka puwede makipag-partner."



Pagkatapos maipalabas ng full-length directorial debut ni Fifth Solomon na Nakalimutan Ko Nang Kalimutan Ka, isa sa mga pangarap ng batang direktor ang mai-direk ang kanyang mga kapatid na sina Chariz at Fourth Solomon.

Ayon pa kay Fifth, nag-shoot ng cameo si Chariz para sa pelikula niya ngunit na-edit out ito.

Kuwento ni Fifth sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "Hindi pa niya alam 'yan, hahaha! Sorry Ate, ngayon malalaman na niya na na-edit siya.

"Pero sobrang supportive ng Ate ko at sobrang proud siya, kahit busy na siya sa family niya."

Dagdag pa ni Fifth, ang kambal naman na Fourth ay abala sa pamamahala ng kanilang negosyong may kinalaman sa pagkain.

"Si Fourth naman busy sa business niya. Kahit pinagka-cameo ko, busy siya sa franchising business niya. Marami na nagpa-franchise sa kanya nationwide."

Bakit si Alex Gonzaga at hindi ang Ate niya na si Chariz ang kinuha niyang bida sa first movie na idinerek niya?

"Yung Ate ko kasi yung image niya ngayon ma-mom. E, yung bida ko very millennial. May blogging din dito kaya pasok si Alex. Yung ate ko rin kasi sexy mommy na."

Bagamat bukas pa rin sa pag-arte, sa ngayon ay mas nais pagtuunan ng pansin ni Fifth ang directing at writing.

"Actually baka may gawin akong online series pero hindi pa siya sure. Sana matuloy.

"Pero grabe ang passion ko sa directing and writing, kahit mahirap siya nang di hamak sa pag-arte.

"Pero for now ipa-prioritize ko na rin ang directing, pero I'm not closing my doors for acting."

WRITING AND DIRECTING BACKGROUND

Naikuwento sa amin ni Fifth kung paano siya nahilig sa pagsusulat at pagdidirek.

"Nung bata pa lang ako mahilig na ako magsulat. Nung high school pa lang mahilig na ako mag-direk sa YouTube, nag-i-edit-edit."

Noong college naman si Fifth ay napasali ang kanyang pelikulang Manibela sa indie section ng Metro Manila Film Festival at nanalo pa itong Most Gender Sensitive Film.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Gender pa talaga, sakto bakla po kasi," pagbibiro ni Fifth.

"'Tapos nanalo din siyang Best Screenplay sa Arts Film Festival ng same year. So after that sabi ko ay parang puwede.

"'Tapos nag-writer ako sa Kapuso GMA-7, 'tapos mga commercials, mga events plug and awards plug, like 'Nagwagi si Kristoffer Martin, mga Kapuso,' mga ganyan. Pati mga station ID, ako din nagsusulat dati.

"'Tapos huminto ako kasi pumasok ako sa Pinoy Big Brother House, PBB. Dun naman ako nagsulat, pinagsulat ako ni Big Brother at nag edit-edit din ako ng video."

Habang nasa loob daw ng bahay ni Kuya ay gumawa siya ng mga kanta at short film.

DIRECTING ALEX AND VIN

Nagkuwento rin si Fifth kung paano makatrabaho sina Alex at Vin Abrenica, na mga bida ng kanyang pelikulang Nakalimutan Ko Nang Kalimutan Ka.

"Si Alex kasi, actually struggle magkatrabaho kami kasi magkabiruan kami, e.

"So pag sa trabaho nagtatawanan din kami, pero pinapagalitan namin yung isa't isa. 'Hoy magtrabaho muna tayo wag muna magbiruan!' 

"Lalo na maraming iyakan dito, kasi hugot ito.

"Seryoso siya this time. Grabe yung pag pursige niya na galingan yung acting niya dito. Nagulat ako sa acting niya umiyak ako. Humanga ako kay Alex kasi siniseryoso niya ang trabaho niya."

Nakatulong ba na kaibigan mo siya?

"Oo nakatulong. Alam ko yung sasabihin ko sa kanya, kung papano ko siya ima-mind games.

"Pagpunta pa lang ng set alam ko na yung gagawin ko para di siya matawa, para malungkot siya at maramdaman niya yung character."

Dagdag pa ni Fifth, "Minsan nga pag nakikita ko yung IG Story niya one week before the shoot, nakikita ko masaya siya sinasabi ko, 'Alex [dapat] in character ka na.'

"'Tapos sinasagot niya na, 'Ang OA mo naman one week pa yung shoot.' Hahaha!"

Tungkol naman kay Vin, ani Fifth, "Sobrang seryoso din si Vin sa acting niya. May background pa 'yan, binibigyan niya ng sariling background yung sarili niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"San nangagaling yung character ko? Binibigyan ni Vin ng background yun.

"Saka minsan as a director, kikiligin ka kay Vin kasi sabi niya ganun daw siya mag-ano, papakiligin niya yung babae, nagiging gentleman siya. Kaya ako feeling babae, director lang naman ako. Hahaha!

"Kinikilig ako, binubulong ko kay Alex, 'Ay crush ko siya.' Hahaha!"

DREAM STARS

May mga nakabangko pa ba siyang stories?

"Meron, marami pa akong naka-bangko mostly love story kasi mahilig ako sa hopelessly romantic.

"Hopelessly romantic person ako. Isa-isa ko siyang sinusulat, may sariling character, may sariling emosyon.

"So hindi mo puwedeng pagsabay-sabayin."

May mga naiisip na rin daw siyang artistang puwedeng gumanap sa kanyang mga naisulat, ngunit mahirap silang pagsamahin dahil magkakaiba ng network.

Sino ang love team na dream niyang mai-direk?

"Siyempre yung Kathniel kasi napanood ko din yung movie nila sobrang ganda. Pero siyempre may network sila. Pero malay naman natin, baka puwede makipag-partner.

"Puwede na, nakikipag partner na ang ABS-CBN and Viva sa mga indie films, so it's possible, di ba? Yun yung gusto ko," pagtukoy niya kina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Dagdag pa ni Fifth, "Gusto ko din si Bela Padilla. Ang galing ni Bela sa mga hugot, saka magkakilala din kami ni Bela since GMA pa.

"Niyaya niya ako minsan, sabi niya, 'Sulat tayo.' Nagsusulat din kasi si Bela."

GAY-THEMED MOVIE

Dahil siya ay miyembro ng LGBTQ+ community, tinanong din namin si Fifth kung mayroon na siyang nasulat na storya na may gay theme.

Sagot niya, "Gay movie? 'Yan nga yung utang ko sa LGBT community. Kasi naturingang member ako 'tapos wala pa.

"Kasi yung iba kong friends nanghihingi sa akin, like si Alex. May istorya ka ba diyan? Sinasabi ko pang gay ito, e. Ibibigay ko na lang sa 'yo kasi kaibigan kita.

"Pero marami pa naman, kasi fan ako ng Call Me By Your Name, mga Love, Simon, kinikilig ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Parang gusto ko ring maka-relate, kasi gusto ko rin ipakita yung pag-ibig hindi lang para sa straight people. Meron din kaming mga gay people, meron din kaming istorya."

Mas madali bang magsulat ng mga love story na lalake at babae ang bida kumpara sa parehong lalake?

"Actually mas mainstream siya kapag girl to boy love story, mas kikita siya, mas gusto siya ng producer.

"Pero as a gay person I want to prove that na hindi it's about having a gay love story, and it's just a love story like anyone.

"Parang like any story diyan na straight, 'pag straight love story tawag natin diyan rom com. Kapag gay love story wag na natin lagyan ng label na gay love story. It's also a love story."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN