Derrick Monasterio on love scenes with Sanya Lopez: "Very graphic. Nakikita lahat."

IMAGE Noel Orsal

Derrick Monasterio believes his love scenes with Sanya Lopez in Wild and Free were more graphic compared to those shown in Hollywood movie Fifty Shades of Grey.



Tanggap na ni Derrick Monasterio ang pagtatapos ng kanyang matinee idol o pa-tweetums image sa telebisyon ngayong sumabak na siya sa isang sensual-themed movie, ang Wild and Free kunsaan kapareha niya si Sanya Lopez.

Ani Derrick, “Natanggap ko na po yun. Feeling ko grumadweyt na ako sa ganong role. Ako nasa right age naman na ako, 23 years old. Feeling ko yun na yung magsasabi. 

“Maaga [nagpa-sexy] pero right age.”

Nainterview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Derrick sa presscon ng Wild and Free noong Martes, September 25, sa Valencia Events Place, Quezon City.

Kahit nag-sexy sa pelikula, may itinira pa rin si Derrick na puwede nyang ipakita unti-unti sa mga susunod niyang film projects.

Sabi pa ng hunk Kapuso artist, “Ang maganda sa movie na ito hindi ko pa ipinakita lahat, meron pa rin akong itinago.”

“Meron pang next level,” nangingiting sambit nya.

Bagamat sumabak na sa isang sexy role, may limitasyon pa rin ang skin exposure ni Derrick. Aniya, hindi pa siya handang magpakita ng ilang bahagi ng katawan.

Aniya, “Depende po, pero sa ngayon hindi ako comfortable magpakita ng butt.”

Handa na raw si Derrick na matawag na sexy actor o sexy stud.

Nangingiti niyang komento, “Siguro. Well, okey lang po kung magiging successful yung scene. Kung magiging masaya sila sa outcome, acting ko, sa result.”

Mas marami ka pa bang ipapakita?

“Puwede pa, gaya nang sinabi ko, hindi ko pa ipinapakita lahat, e. I can show more pero right now hindi pa ako ready sa ganon e. Meron pa akong isasagad.

“Siguro sa level na from, one to ten, 8 na 'to, e.  Grabe na siya.”

Unang sabak ng kapareha niyang si Sanya Lopez sa mga sensual scenes at sa isang sexy movie.

Isang self-confessed virgin in real life si Sanya, at si Derrick ang unang kapareha niya sa ganitong genre ng movie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Sanya at ang isa pang Kapuso hunk actor na si Jak Roberto ay magkapatid sa tunay na buhay.

Natanong si Derrick kung nagkausap na ba sila ni Jak at nagbilin na ingatan nito ang kapatid sa kanilang maseselang eksena?

Mabilis na sumagot si Derrick, “Wala naman. Kasi hindi na dapat pumasok si Jak kasi alam naman niya ang ginagawa ng kapatid niya.

“Mature naman na si Sanya to decide for herself, to defend her rights kaya sa akin mas okay na sa akin, siya kasi ang ka-work ko, e.

“So, siya yung sasabihan ko kung ano ang dapat at hindi. Siya ang gagawa, siya ang dapat kakausapin ko.”

Ano ang mararamdaman ni Jak kapag napanood niya ang movie?

“Ganun din, mapapapikit siya. Wild talaga siya.

“Malala siya, e, very graphic. Nakikita lahat. Pag nag-kiss kami makikita yung small details. Tongue action kung tongue action... ganon siya, e.”

Dagdag ni Derrick, “The lesson of the film is love habang bata ka pa. Minsan lang siya dadating sa buhay mo.”

WILDER THAN FIFTY SHADES OF GREY

Base sa obserbasyon ni Derrick, mas matindi raw ang mga love scenes nila ni Sanya sa movie kaysa sa Hollywood box-office hit movie na Fifty Shades of Grey.

Aniya, "Probably more. Yung Fifty Shades may pagka-brutal, e.  Pero hindi nila ipinapakita yung mga details. Unlike this time."

Pagtukoy ni Derrick kay Sanya, “Yung nagda-dub nga, napapa-Oh, my God nga, e.  Napapapikit din siya.

“Tinatanong ko nga siya, e. 'Ito ba ang pinaka-intense na napanood mo?'  Sabi niya, oo daw.”

Bagamat alam ni Derrick na may mga teenage fans na posibleng magtanong sa kanya kung bakit niya ginawa ang mga love scenes sa pelikula, hindi raw niya alam kung ano ang sasabihin sa mga ito.

Paliwanag niya, “Para sa akin mahirap siyang i-explain, hindi sya ma-i-explain ang pagmamahal dahil darating sila sa age nila na mari-realize nila na eto pala yun ang ginagawa ni Kuya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Darating sa kanila yun. Pag in-explain mo yun sa kanila mas maguguluhan lang sila.

“Let them live and let them learn from their experiences.”

Okay lang ba na panoorin ito ng mga young teens, maging ng nakababata mong kapatid?  

Sagot agad ni Derrick, “Okay lang. Sabihin ko lang for adults 'to ah, hindi ito ginagawa ng bata..magi-gets na niya yun.

“I’m sure naman. From the beginning of education, tinuturo na 'yan.

“Meron akong kapatid, pero younger ng one year lang sa akin.

 “Okay lang [na panoorin] pero feeling ko hindi niya kakayanin. Kasi dina-dub ko, hindi ko kaya, e. Napapapikit ako e.

“Nasa-shock ako sa sarili ko sa totoo lang. Kasi extreme, e, to be honest.

“Feeling ko nga pag R-13 medyo malabo ,e.  Feeling ko pang-R18 siya, e. Almost Fifty Shades of Grey siya. e.”

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN