Which steamy love scene with Sanya Lopez is most memorable for Derrick Monasterio?

While it takes effort not to get carried away in a steamy love scene, Derrick Monasterio says he kept his professionalism top of mind while shooting with leading lady Sanya Lopez for the movie Wild and Free. "Siyempre, hindi ka naman totally in na in kasi may mga camera. May mga ibang taong nanonood, which is very uncomfortable kung gagawa ka ng mga ganong scenes."



Bagamat unang sabak ni Derrick Monasterio sa isang sensual film at paggawa ng love scenes, sinabi niyang naging madali para sa kanya na gawin ang mga eksena nila ni Sanya Lopez para sa pelikulang Wild and Free.

Ani Derrick, “Para sa akin napakadali lang kasi hindi siya mahirap magkaroon ng love scene with her, e. Unang-una maganda siya at sexy siya. 

“Actually, hindi ako nahirapan, medyo na-excite lang ako.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Derrick sa presscon ng Regal Entertainment Inc. para sa Wild and Free noong September 25 sa Valencia Events Place, Quezon City.

Paano nila naitawid ni Sanya ang sensual scenes nila sa movie?

“Through Direk Connie [Macatuno], kinausap kami ni Direk individually. Siya ang kumausap sa aming dalawa na, 'Eto lang ang puwedeng gawin, ganito lang ang hawakan, dito mo lang siya puwedeng i-kiss.'  So, aral.”

Sa presscon proper, sinabi ni Derrick na nadala siya sa ilang mga love scene nila ni Sanya.

Pagbibigay detalye niya sa naramdaman, “Siguro particularly yung pinaka-first na ginawa yun. Hindi namin siya first na ginawa na eksena. Hindi yun ang first love scene namin, pero yun ang first sex namin doon sa beach.

“Yun ang pinaka-tinablan ako... pangit ng term,” bulalas niya saka tumawa.

Patuloy pa ni Derrick, “Kasi very slow yung pace. Sa eksena parang ini-explore pa namin talaga yung isa’t isa kasi yun nga ang first namin, e.

“So, medyo mas matagal, mas mabagal at mas madilim.

“Ginawa namin sa room, nasa La Union kami noon.”

Nilinaw naman niya na naisip pa rin niyang ito ay trabaho lang.

Sabi pa ng GMA-7 actor, “Siyempre, hindi ka naman totally in na in kasi may mga camera. May mga ibang taong nanonood, which is very uncomfortable kung gagawa ka ng mga ganong scenes.

“Madali lang mag-cut actually. Hindi naman kami into it na parang walang tao, pero ganon ang ginawa namin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinadya daw ni Derrick na huwag manood ng ibang sex scenes ng ibang pelikula.

Paliwanag niya, “Hindi ako nanonood ng ibang mga love scenes kasi baka may tendency na baka magaya ko, pero yung pinaka-preparation ko is admiration of her beauty and getting in to my character na, yes, girlfriend ko 'to mahal na mahal ko 'to.”

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN