Victor Neri, Antonio Aquitania, Mike Magat lead cast of Hapi Ang Buhay the Musical

IMAGE Arniel Serato

Victor Neri (in photo) and Mike Magat hope netizens learn to use social media responsibly as depicted in their new film, Hapi Ang Buhay the Musical



Pinalakpakan nang husto ng mga tao ang premiere night ng Hapi Ang Buhay the Musical noong September 21 sa SM Megamall Cinema 3. Tampok sa show na ito ang lead cast members na sina Victor Neri at Mike Magat.

 IMAGE Arniel Serato

Hindi nakarating si Antonio Aquitania sa premiere night.

Ayon kay Mike, "Sana nag-enjoy kayo sa Hapi Ang Buhay musical film at sana po nagbigay-aral sa ating lahat yung bawat eksena, yung basta ka na lang manghihinala lalo na at nakita mo lang tapos maniniwala ka kagaad.

"Ayun po huwag po tayo basta maniniwala lalo na sa social media."

Sabi naman ni Victor, "Salamat po sa pagpunta niyo lahat. And I hope na nag-enjoy kayo kasi kahit sa amin, even for me especially, na-enjoy ko kasi I’ve been doing heavy drama series, heavy drama action films for the past 20 years mula noong huli kong musical.

"Kaya parang laro ano, parang naglaro lang kami sa set. Sana nag-enjoy kayo."

Tinatalakay ng musical ang isang murder case kung saan lahat ng mga tauhan ay suspek sa krimen.

Ngunit sa ginanap na pagdinig ng kaso, lumalabas na turuan ang nangyari dahil sa mga sabi-sabi.

Sa bandang huli, nahuli rin ang totoong mga akusado sa nasabing krimen.

Ang Hapi Ang Buhay the Musical ay spin-off sa matagumpay na musical sitcom nito sa Net 25.

Dagdag pa ni Mike, "Siguro sa title pa lang po ay makikita na natin ang saya, Hapi Ang Buhay, lalo na sa panahon ngayon masyadong seryoso ang buhay natin, e. So, tama lang po na nagkaroon ng ganitong film.

"Isa po itong karangalan na makasama sa ganitong klaseng proyekto, lalo na inspirational film at magkaroon ng moral values lalo na sa mga kabataan.

"Ibang-iba po kasi ngayon masyadong malawak ang social media na kailangang gagabayan ka.

"Ito po ngayon ang isang gabay, Hapi Ang Buhay para sa lahat."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Victor naman ay bagong kaanib ng Iglesia Ni Cristo (INC) at masaya siya sa kanyang pagsanib sa kanilang sekta.

Ano kaya ang maipapayo niya sa mga kasamahan sa industriya na medyo napariwara sa buhay?

Saad niya, "Ang payo ko lang, well, kung ano man ang pinagdadaanan nila. May kanya-kanya tayong pinagdadaanan.

"May kanya-kanya tayong paraan kung paano i-resolve yun, huwag lang kalimutan kasi minsan sa sobrang busy, sa sobrang laki ng problema nakakalimutan mo na, lagi nating nakalimutan.

"We always forget God when we're happy…

"I just wish that they see one day those who are lost that you will see the truth.

"I hope one day with all this chaos happening, katulad nga nung sabi yung social media, iresponsable na ang paggamit, hindi na siya nakakabuti para sa atin.

"We just hope, yun lang, like me yun lang naman ang ano ko, I’m just lucky enough na nahanap ko na, e, ako nahanap ko na, e, so suwerte ako. Ang wish ko sana mahanap niyo din.

“All we can do is mananalangin tayo at yun lang ang magagawa natin.”

Ang Hapi Ang Buhay the Musical ay mula sa direksyon ni Carlo Ortega Cuevas at mula sa produksiyon ng EBC Films.

Magkakaroon ng iba't-ibang block screening ang pelikula sa mga susunod na araw.


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN