Vilma Santos names three young heartthrobs she wants to work with in a movie

Vilma Santos wants to do a movie with Daniel Padilla, Joshua Garcia, and James Reid.


Aminado si Vilma Santos na may mga tinanggihan na siyang mga movie projects in the past.

Kailan niya plano gumawa ulit ng pelikula?

“Meron pong offer. Pero tatlo na yung script ang natanggihan ko," pag-amin ni Vilma.

“Wala pa akong tinatanggap though I have mga script. But you know what pakiramdam ko, sometimes kapag nakikita ko na yung synopsis, alam ko kaagad kung okay, e.

“Parang Extra, isang araw ko lang tiningnan yun, nung pinadala sa akin yun na gusto kong subukan. ‘Pag tingin ko pa lang sabi ko, ‘Maganda ‘to, ah.'"

Ang Extra ay ang movie ni Vilma para sa 2013 Cinemalaya Film Festival.

“May kinunsulta ako, sinabi sa akin wala pang kumita na indie film. Pero sabi ko gusto ko yung script. Imagine kung naging star ako tapos ngayon ako yung extra. Kaya kita mo yun, sandali lang, I said yes. I found time talaga to shoot it.

“Kami yata ang highest grossing film sa Cinemayala. Best Actress din ako doon. Hahaha! May balik naman. Nakakatuwa.

“But I think it’s the indie ano gayon, usung-uso ang indie ngayon. At kumikita, di ba? Like yung Kita Kita.

“Tapos binibigay sa malalaking produksyon para i-release.”

Gusto ba niya na isang indie film ang gawin niya for her next project?

“Hindi....hindi. Next year wala pa akong plano but I’m getting scripts.”

Tatanggapin ba nya ang alok na movie project kasama sina Charo Santos at Alden Richards?

“Ay, e, nakalatag lang po. Tinawagan nga ako ni Malou [Santos], ‘What can you say?’ Sagot ko, ‘Malou, hindi pa ako ano.’

"[Sabi niya] ‘Nabasa mo na ba yung Alden-Charo?’ I think kay Adolf Alix. Pero Star Cinema ang magre-release.”

Si Alden na ba talaga ang kasama sa project?

“Ay, hindi ko pa po alam kung kay Alden or kay Joshua [Garcia].”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Possible ba na tumigil na siya sa politika at mag-full time na ulit sa showbiz?

“I don’t know. Hindi ko alam.

“Oo, another three years ulit ‘pag nag-second term ako sa Congress.

“Gusto ko talagang umarte. Kapag nanonood nga ako ng teleserye, ‘Kaya ko yun.’ ‘Gusto ko yun.’ Tapos naiisip ko, ang saya nila backstage, nagkakainan, nagtatawanan.

“Alam ko yung nangyayari behind the camera. Nami-miss ko yun siguro. But again sa klase ng buhay meron ako ngayon, if it’s meant, it’s meant.

“Kapag hindi talaga bukol yung movie, hindi muna. Kasi nakakatakot din gumawa basta-basta ngayon dahil hindi naman ini-engganyo ka to do, gagawin mo na kahit hindi mo naman type. Hindi, e.

“Minsan ka na nga lang gagawin pumili ka na nung medyo, kahit na, may sigurista ka na kung sino yung co-stars mo. Na siguro kahit papano kikita naman.

“E, minsan ka na nga lang gagawa after tapos flop pa? Huwag naman. Huwag na muna.

“E, di magalit na lang kayo sa akin kung hindi ako gumagawa ng movie. Pero hangga’t hindi ko nararamdaman yung pulso na gusto ko, I’d rather not, di ba?”

Sabi niya sa kanyang interview sa The Bottomline na nais niyang gumawa ng pelikula with Daniel Padilla, Joshua Garcia, at James Reid. Bakit sila ang napili niya?

Ayon sa Star For All Seasons, “Gusto ko silang makasama sa movie, kahit nga sabay-sabay sila, e.

“Humanap tayo ng istorya na sabay-sabay sila.

“Being a senior na rin sa showbusiness, junior lang pala. Hahaha!

“It’s nice to be with the new breed, e. Meron ka ring makukuha sa kanila which we can offer something different din sa movie audience. Kasi kung pareho pa rin ang gagawin natin, wala na. Kailangan merong konting pagbabago. At para magbago kailangan meron kang millennials na mga bagets.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Humanap kayo ng script na ganyan, maganda yun. Something different na i-offer, di ba?”





WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN