Did OTLUM replace Brillante Mendoza's Alpha in MMFF 2018? Director Joven Tan reacts

IMAGE Rogeneil Barrogo

Director Joven Tan (left) reacts to reports that his film OTLUM replaced Brillante Mendoza's entry Alpha in MMFF 2018. Direk Joven pointed out: "Dumaan naman ako sa proseso." The horror film OTLUM is top-billed by basketball player-turned-actor Ricci Rivero (right).


Naging kontrobersiyal ang recent announcement ng 2018 Metro Manila Film Festival Executive Committee sa final four entries.

Noong June 29 ay inanunsiyo ang first four entries na pinili mula sa submitted scripts. Ito ang: Aurora, Fantastica: The Princess, The Prince & The Perya, Girl in the Orange Dress, at Jack Em Popoy: The Puliscredibles.

Noong October 10 sa Club Filipino, San Juan City ay inilabas ang final four entries ng MMFF 2018 na pinili mula sa finished films.

Ito ang: Rainbow's Sunset, One Great Love, at Mary, Marry Me. Pang-huling tinawag ang pelikulang OTLUM na diumano’y nagkaroon ng matagal na balitaktakan o deliberasyon sa ika-walong official entry.

Dumating sa MMFF 2018 announcement ang OTLUM director na si Direk Joven Tan na ayon din dito, tuwing may ipinapasa naman siya, talagang dumarating siya sa announcement. Nagkataon raw na ngayon lang siya sinuwerte na makasama ang pelikula niya sa 44th edition ng MMFF.

Ang titulo na OTLUM ay mula sa kabaligtaran na spelling ng Multo.

(Read: PEP SCOOP: 16 finished films submitted for consideration to MMFF 2018)
 

Tinanong namin si Direk Joven kung ano ang masasabi niya na ang pelikula niya ang tila maingay na agad ngayon dahil sa mga tinalo nitong entries.

“Wala... anong sasabihin ko. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Baka may masabi akong...alam mo yun, ang hirap ng sitwasyon.

“Siguro, sinuwerte lang ako dahil nakapag-simba ako kanina,” saad niya.

“Palagi ka namang sumasali sa contest. Palagi ka namang natatalo. Sugal, e.”

Dagdag pa niya, “Sabihin ko huwag akong piliin? Bakit ako sumali? Nag-take chance lang naman ako.

“Kapag gusto mo, dasalin mo lang. Kung para sa ‘yo, kung para sa ‘yo ibibigay. Kung hindi, bibigyan ka ng iba. Kasi, ganyan ako kahit saang contest na sumali ako. Even yung sa Himig Handog, hindi naman ako nag-ano na magiging grand winner.

“Suwerte lang din.”

Noong 2013, si Joven ang nanalo bilang grand winner sa Himig Handog P-Pop Love Song songwriting competition para sa composition niya na "Anong Nangyari Sa Ating Dalawa?"

Bukod sa pagsisilbing writer-director ng OTLUM, si Joven ay co-producer ng horror film kasama ang Horsehoe Studios. Ano ang reaction niya sa pagkakapili sa pelikula nila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko alam... kasi, kumbaga, it’s a barkada movie, traditional... like ako, pinapanood ko palagi kapag Pasko, Shake Rattle & Roll, yung mga ganun. Parang celebration na lang nila ‘yan.

“Di ba, yung family na hindi masyadong well-off, parang ano na nila ‘yan—di ba, noong nagkaroon ng film fest na parang puro art films ang pumasok, di ba, ang daming reaction na bakit walang Vice Ganda, bakit walang Vic Sotto, walang Coco [Martin]?

“Ako kasi, siyempre gusto ko yung magagandang pelikula. Pero Pasko kasi, parang ang gusto ng bata yung napamaskuhan nila, ma-enjoy nila.”

Tribute ba niya sa Shake, Rattle and Roll horror film franchise ang OTLUM?

“Oo,” mabilis niyang sagot.

“Kasi laking Shake ako. Laking Regal ako.”

Pagkatapos ng announcement, may ilan na bumabatikos na agad sa naging desiyon ng MMFF 2018 selection committee.

This year, ang Selection Committee ay pinamunuan ng National Artist for Literature na si Bienvenido Lumbera. Ang mga members ay sina Jesse Ejercito, Evylene Advincula, Roy Iglesias, Maria Anicia Naval, Mel Chionglo, James Bartolome, Lualhati Bautista, Cesar Ona Jr., Irene Jose, Lilibeth Nakpil, at Consoliza Laguardia.

Ayon sa MMFF Execom, narito ang criteria na ginamit ng selection committee upang pilian ang official MMFF 2018 entries:

A. Artistic Excellence (40%)

B. Commercial Appeal (40%)

C. Promotion of Filipino Culture and Historical Values (10%)

D. Global Appeal (10%)


Ang final four ang napili mula sa 16 finished films na nag-submit, kabilang ang pelikula ni Brillante Mendoza na Alpha: the Right To Kill.

Ang huling inanunsiyong pumasok sa final four raw ang nagkaroon ng matagal na deliberasyon o pagtatalo. Kaya ang nagiging usap-usapan, ang OTLUM at Alpha ang pinagtalunan at ang pelikula ni Direk Joven ang napili bilang official entry.

Nakita naming kabado si Direk Joven, hindi sanay sa ganung atensiyon.

“Siyempre, hanggang ngayon kabado,” pag-amin niya.

“Alam ko na marami akong maririnig. Dumaan naman ako sa proseso. Hindi rin naman ako ang nagsabi na pagpilian niyo ‘to or yung ganyan. Kumbaga, labing-anim kami, nag-take chance.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro lucky day ko ngayon.

“Natutuwa ako, sobrang tuwang-tuwa. Kilala niyo naman ako, I mean, hindi showbiz na ano...masaya. Kahit nga ako, parang ayokong tumayo. Ayoko ng camera.”

May nagsabi kay Joven na maraming producers na gustong makuha si Ricci Rivero, pero sa kanila ito unang gumawa ng pelikula.

Si Ricci ay popular basketball player na dati ay bahagi ng De La Salle Green Archers ngunit ngayon ay kasama na sa team ng University of the Philippines-Diliman Fighting Maroons.

“Oo... pinakiusapan ko lang si Virtual Playground,” pahayag niya.

Bukod kay Ricci, kasama rin sa pelikula sina John Estrada, Buboy Villar, Michelle Vito, Irma Adlawan, at Jerome Ponce.

Ano ang storya ng horror movie na OTLUM?

“Tungkol sa magbabarkada na may mga itsura. Tapos, gustong-gusto mong maging part ng barkada nila. Dadaan ka sa initiation. Dadaan ka sa pagsubok.

“Si Buboy, pursigido siyang makasama sa grupo. Pero look wise, hindi siya puwede. So binigyan siya ng maraming test at yung last test niya, mag-stay siya sa lumang bahay ampunan for a night. Kapag naka-survive siya, magiging part siya ng barkada.

“E, nawala...”


Stories We Are Tracking

The first four entries of MMFF 2018 are...
The first four entries of MMFF 2018 are...
The final four entries of MMFF 2018 are...
The final four entries of MMFF 2018 are...
PEP SCOOP: 16 finished films submitted to MMFF 2018
PEP SCOOP: 16 finished films submitted to MMFF 2018





WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN