Eddie Garcia on long-running teleserye Ang Probinsyano: "Sa network kasi negosyo 'yan."

IMAGE Jocelyn Dimaculangan

In Ang Probinsyano, Eddie Garcia played Don Emilio Syquia, a mafia leader. He hints that he will return to the Coco Martin-led show this October 2018. Eddie also stars in the QCinema 2018 entry Hintayan ng Langit along with Gina Pareno. 


Kinumpirma ni Eddie Garcia ang kanyang pagbabalik sa ABS-CBN teleserye na Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Nakatakda mag-taping ang veteran actor ngayong buwan ng Oktubre.

“Oo, babalik ako this month. Mga kalagitnaan siguro,” pahayag ni Eddie Garcia sa panayam sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Magpapalit ba siya ng karakter pagbalik niya ng Ang Probinsyano?

“Ah, hindi. Magiiba na ako ng pangalan. Panoorin na lang nila and it will be a surprise.”

Nakausap namin si Eddie sa grand launch ng 2018 QCinema Film Festival.

Kabilang sa competition section ang pelikula niya with Gina Pareno titled Hintayan ng Langit sa direksyon ni Dan Villegas.

Tatlong taon nang tumatakbo ang telserye ni Coco. Ano sa tingin niya ang sikreto kaya tumagal ang programa?

“Well, nagugustuhan ng tao. Ang teleserye, kapag nagustuhan ng tao, ie-extend ‘yan.

“Ngayon kapag mahina na, puputulin na.

“Mangyari, kapag malakas, bakit mo puputulin, e, kumikita, di ba? Kung maglalagay ka ng panibago baka naman hindi kumagat hindi ba? So eto, habang kinakagat, ituluy-tuloy mo.”

Masasabi ba niya na Ang Probinsyano ang pinakamatagal na teleseryeng ginawa niya?

“Oo, eto ang pinakamatagal.

“May ginawa kami sa GMA noon, inabot lang ng 60 weeks. So, that’s one year.”

Sa tingin niya, tatagal pa sa ere Ang Probinsyano?

“Well, kapag nagugustuhan kasi ng tao, hahaba ‘yan. Sa network kasi negosyo ‘yan, e. Kung kumikita, ituloy mo, di ba?”

Sa tagal na ng Ang Probinsyano sa ere, marami na ring programa ang itinapat dito pero di rin nagtagal. Anong masasabi niya tungkol dito?

“Oo, oo. Saka kwan, maganda ang ginagawa ni Coco nilalagay niya yung mga dating artista na walang trabaho, pinapasok niya.”

Sa haba ng itinakbo ng career niya sa showbiz, meron ba siyang nakilalang artista na gumagawa ng kagaya ng ginagawa ni Coco sa kapwa niya artista?

“Wala, e. Napakaganda ng ginagawa ni Coco. Kaya ang laking pasasalamat ng mga dating artista na walang trabaho, nabibigyan ng trabaho.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


QCINEMA 2018 ENTRY

Ang Hintayan ng Langit ang pangalawang pelikula ni Eddie na kasali sa major film festivals this year.

Last August ay ipinalabas ang movie niya na ML sa Cinemalaya Independent Film Festival.

“Magkaiba ang roles ko sa dalawa. Well, ito naman, sa Hintayan ng Langit, iba naman ag istorya dahil ito ay tungkol sa mga kaluluwa na nasa purgatory naghihintay kung anong oras sila pupunta sa langit.”

Naka-relate ba siya sa kanyang character sa movie?

“Oo, dahil ito nung buhay pa kami, nung younger years, kami ni Gina [Pareno], we were lovers. Ah, nagkita kami sa purgatory.”

Si Eddie na lang ang ilan sa mga batikang artista na umabot ng mahigit limang dekada sa showbiz ang patuloy pa ring aktibo sa pelikula at telebisyon.

Nagaalala ba siya na anytime iiwan na rin niya ang pagaartista at ang buhay na meron siya ngayon?

“Ay, hindi....hindi.

“Gusto mo mamamatay na ako bukas okay na sa akin.”

Naisip na ba niya ang magpaalam na sa lahat dito sa lupa?

“Oo, okay lang. Saka ako ‘pag deathbed, gusto ko sunugin na agad ako. Walang wake. Basta kapag namatay ako tuloy agad sa prituhan para tapos na.”

Paano yung mga mahal niya sa buhay na gusto pa siyang makapiling ng matagal kahit sa huling sandal?

“Ah, wala,” ambit niya. Mababasa naman nila.”

Pinaghahandaan na ba niya ang araw na lilisanin niya ang mundo?

“Ah, hindi,” mabilis niyang sagot.

“When you have to go, you have to go.”

May iiwan ba siyang mensahe kapag dumating ang oras na nararamdaman niyang malapit na siyang lumisan sa mundo?

“Wala na,” diin niya.

“Wala nang mensahe. When you’re dead, you’re dead.

“Ang kwan, maalaala ka lang siguro in the first month or two. After that, nakakalimutan ka na ng tao. E, ganoon talaga, di ba?”

Nagkaranas na ba siya ng near death experience?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi pa naman. Wala pa. Kahit nung nag-sundalo ako wala. Dahil nung nag-sundalo ako tapos na yung gyera.”

Naniniwala ba siya na merong purgatory?

“Oo, yung purgatoryo, kung nasa purgatoryo ka either you go to heaven or to hell.”




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN