Nora Aunor: "Kalimutan na natin ang National Artist na yan."

IMAGE @gmanetwork on Instagram



Nora Aunor admits that she does not aspire to be proclaimed as a National Artist.

President Rodrigo Duterte formally conferred the Order of National Artist on seven veteran artists during a ceremony held yesterday, October 24, at the Malacañang Palace.

They were Larry Alcala (National Artist for Visual Arts), Amelia Lapeña Bonifacio (National Artist for Theater), Ryan Cayabyab (National Artist for Music), Francisco "Bobby" Mañosa (National Artist for Architecture), Resil Mojares (National Artist for Literature), Ramon Muzones (National Artist for Literature), and Kidlat Tahimik (National Artist for Cinema).

Through her statement released earlier today, October 25, the Superstar asked her fans and supporters to forget about the National Artist award.

Nora says she is already content with the respect that she receives from her colleagues. Based on her statement issued to PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), she said she was not the one disrespected but her fans called Noranians.

Here is the full statement of Nora on the National Artist snub:

“Ako po ay nagpapasalamat sa lahat ng mga NORANIANS at kaibigang nagtitiwala sa aking kakayahan at kontribusyon sa sining at kultura.

“Hindi ko po ito hinahangad at dahil talaga namang wala ang isang hamak na Nora Aunor kung wala po ang mga NORANIANS at ang mga kasamahan ko sa industriyang musika, entablado at pelikulang Filipino noon at ngayon na maraming magagaling at matatalinong taong humubog sa aking talento.

“Sapat na po ang respetong natatanggap ko sa mga kasamahan ko sa trabaho. Kung gagamitin lang naman ang National Artist para pagpyestahan at hamakin ang mga personal kong pagpupunyagi sa buhay – ako na ang nakikiusap na itigil na po natin ang lahat nang ito.

“Ano ba naman ang isang award kung kapalit naman nito’y ang paulit-ulit na paghamak sa pagkatao ko at sa mga taong naniniwala sa akin? Mas makabubuti pong ipagpatuloy na lang natin ang paglikha ng makabuluhang pelikula at mga awit na magsisilbing inspirasyon sa ating mga Filipino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mas matutulungan natin ang mga bagong filmmakers at mga bagong mang aawit kasama ang mga beteranong aktor at aktres, mga direktor, mga manunulat na mapagbuti ang kanilang sining.

“Hindi ako ang binastos at pinaglaruan nila kungdi ang mga Noranians, mga taong nagtitiwala at naniniwala pa rin sa talentong ibinigay ng Dios sa akin. Isa pa hindi kasi ako pulitikong tao.

“Tuloy lang ang buhay. Tuloy ang trabaho hangga’t binibiyayaan pa rin ako ng Dios para makapagtrabaho. Kaya sa mga minamahal kong mga Noranians at mga kaibigan huwag na kayong malungkot o masaktan.

“Kalimutan na natin ang National Artist na yan. At para maging masaya ang buhay natin manood na lang kayo ng ONANAY, Lunes hanggang Biyernes sa Channel 7. CHEERS!!!”

Onanay is Nora's prime-time series on GMA-7.



Stories We Are Tracking

Nora Aunor excluded anew from list of National Artists
Nora Aunor excluded anew from list of National Artists





WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN