Malaki ang pasasalamat ni Paolo na siya ang naisip na i-cast sa pelikula nila ni Alessandra de Rossi na pinamagatang Through Night and Day, na iprinodyus ng Viva Films at Octo Arts Films.
Pagpapasalamat niya, “Actually, sobrang thankful na nabigyan ako ng opportunity to do this film.
“This November nga, nagkataon na dalawag films pa ang lalabas. Ito ang una, Through Night and Day.
“Thankful ako with the producers, Viva and Octo Arts na nagsanib-puwersa pa to do this film; na napili nila ako to do the role of Ben.”
Malaking bagay rin daw na sumang-ayon ang schedules niya na wala siyang teleseryeng ginagawa ngayon na nakagawa siya ng mga pelikula.
Sabi niya, “Napahinga ako sa mga teleserye.
“Bubble Gang lang naman ang ginagawa ko.
“So, I had all the time at napaghandaan ko talagang mabuti ang pelikula.”
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Paolo sa presscon ng pelikula sa Le Reve Pool and Events Place noong October 30.
Matagal na ring hindi nakakagawa ng pelikula si Paolo kunsaan siya talaga ang bidang lalaki, lalo na para sa isang maituturing na seryosong pelikula katulad ng Through Night and Day.
Kaya tinitingnan daw nilang blessing talaga ang magiging baby nila ni LJ.
“Actually, sabi nga namin ni LJ, blessing ‘to na dumating si baby.
“Simula nung dumating siya, sabi siguro ng anak ko, 'Mag-ipon ka,'” natawang sabi niya.
ROLE
Kuwento pa ni Paolo tungkol sa pelikula nila, “I play the role of Ben, matagal na kami ni Alex who played Jen.
“Matagal na kami, thirteen years in a relationship, magkababata kami.
“After a long time, nag-propose na 'ko sa kanya.
"Pero sabi ko nga, habang bata ka, mula 13 to 26, mag-iiba ang priority, puro kilig-kilig lang noong una.
“Then, reality starts. Yung pamilya ko nag-migrate.
“Mag-iiba ang ugali. Mag-iiba ang ugali ko pero, is love really enough para magkasama kayo palagi?
“I still proposed, nag-propose ako kay Jen and we decided to go to Iceland.
“Pang-prenup video namin and it’s the first time na magkasama kami ng ilang araw overnight na araw-araw.”
Kuwento pa ni Paolo, “Si Jen kasi Christian, character niya yun... so maganda.
“So, up to what extent kayo magtitiis na magkasama kayong dalawa through night and day?”
PROUD OF ALESSANDRA
Ayon kay Paolo, proud siya para kay Alessandra dahil hindi lamang siya isa sa producer ng pelikula. Siya rin pala ang sumulat ng kuwento.
Sabi naman ni Alex, “Well, ako nga sabi ko nga, thankful ako na naisip niya na ako ang gumawa.
“To be honest, tingin ko, bagay naman... bagay naman na ako ang gumawa, especially since friends kami.
“'Tapos, sabi ko nga, yun nga ang point, sa 13-14 years na magkakilala kayo, yung leading man mo, hindi na ganun.
“I mean, kung mag-usap kami, totoo. Totoo na kaming mag-usap, totoo na kaming magbarahan.
“But it’s hard to show the people na mahal niyo ang isa’t isa kahit ganun kayong mag-usap.”
GOOD ONSCREEN CHEMISTRY
Kahit daw ang director nilang si Ronnie Velasco ay sinabing nagwu-work ang team-up nila ni Alex.
Pag-amin niya, “Noong una kasi, parang hindi niya ma-picture out.
“Sabi niya, 'Pao parang bastos ang sinasabi mo,'” natawang kuwento niya.
“May mga adlib kasi ako na medyo bastos, e.
“Feeling ko naman, kaya nila 'ko kinuha.
“Sabi ni Direk, 'Parang medyo bastos yata ang sinasabi mo.'
“Pero sabi ko, 'Cool ‘yan, Direk.'
“Kasi, noong pinapanood niya, it’s about the storytelling na.
“Siyempre may konting rudeness, pero yung totoong timpla nun, kapag may nararamdaman na ang girlfriend mo, concerned ka na sa pag-aalaga mo at nabalanse naman yun, and I think, through Direk Ronnie’s leadership na yun.”
ART IMITATES LIFE
Naire-relate naman daw ni Paolo ang pelikula sa totoong kuwento ng relasyon nila ni LJ.
Sabi nga niya, “Actually, the more kaming mag-usap ni LJ, ganun kami.
“Yes, sandali pa lang naman kami ni LJ, hindi katulad nina Ben at Jen na sobrang tagal.
“But I think naman, what’s good with me and LJ is that, matagal na kaming magkakilala bago naging kami.
“So bago ko siya niligawan, siguro sa loob-loob ni LJ, ‘Wag ako, kilala na kita. Wag kang magpa-cute, kilala kita.'
“Since day one, kami ni LJ, wala nang pa-cute-cute or anything.
“We talk about things straight. I think, it’s the magic of our relationship that’s why it works regardless if it's good or bad. We talk about it.”