Sa pagpapalit ng direktor ng Darna, maging si Tony Labrusca ay hindi kami masagot kung siya ba talaga ang gaganap bilang leading man ni Liza Soberano gaya ng matagal nang nababalita.
Mula sa orihinal na direktor nitong si Erik Matti, napunta na kay Jerrold Tarog kamakailan lang ang responsibilidad ng pagdidirihe sa iconic Pinoy fantasy movie.
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News sa bakuran ng ABS-CBN kamakailan kunsaan ayon nga sa aktor ay wala talaga siyang siguradong sagot tungkol dito.
Saad niya, "Marami pa rin ang nagtatanong kung kasama ako sa movie.
''Wala pa akong alam for sure kung kasama ako o hindi.
“Pero kung kasama ako, I would really love to work with them.
''I know that they changed the director, I hope that this is for the best.
“If it's the case na kasama ako, it's an honor."
Para kay Tony, sa mga pagbabago ngang nagaganap sa Darna, mali na mag-assume ang kahit na sino at mas maganda kung manggaling ang anumang announcement mula sa ABS-CBN mismo.
Pahayag niya, "I think that's all talk.
“I don't think anybody knows who her leading man is gonna be.
''I don't think anybody knows what the story of Darna is gonna be, di ba?
''Kasi it's gonna be revamped so I don't think anybody's sure.
''We thought na set in stone na yung Darna.
''Next thing we know, they changed the director na, so nobody can really assume these things.
"I think people should stop making assumptions and just wait for the final product.
''It looks like it's one of the biggest productions, so I think we all have to be patient and wait for what ABS has to say."
MOVIE
Sa ngayon ay mapapanood muna si Tony sa pelikulang Glorious kunsaan makakapareha niya si Angel Aquino.
Lahad niya, "Please catch me in my upcoming movie Glorious with me and Angel Aquino.
''It's under Dreamscape. Ang alam ko kasama ito sa Digital ng ABS so hayun excited ako na maipalabas."
ALL PRAISES FOR DONKISS FANS
May clamor ang ilang mga KissTon (Kisses Delavin-Tony Labrusca) fans na sana raw ay ipasok si Tony sa seryeng Playhouse para raw mas maging kakilig-kilig at kaabang-abang pag nagkaroon ng love triangle ang DonKiss (Donny Pangilinan-Kisses Delavin) fans sa istorya.
Bukas naman dito ang aktor lalo na't bilib siya sa pagiging marespeto ng mga DonKiss fans.
"Kisses always tell me na sobrang chill lang, so sakaling makasali ako sa Playhouse, feel ko sobrang mage-enjoy ako dun.
"Mababait ang nga fans namin lalo na ang mga DonKiss.
''Wala naman masyadong namba-bash sa akin kaya alam ko na respectful sila.
''Basta fans ni Kisses very polite talaga.
“Di sila masyadong warfreak which I appreciate," pagpuri niya.