Tony Labrusca: "We're not making porn. We're not doing sexy movies just to take off our clothes."

IMAGE Noel Orsal

Tony Labrusca on tandem with Kisses Delavin: "Yung KissTon [love team] kasi hindi po talaga siya management-approved."


Nagbigay ng reaksiyon si Tony Labrusca sa usap-usapan tungkol sa kanyang sexual preference dahil may mga nagsasabi na siya ay gay.

"I think that everybody wants to objectify me and put a label on me,” sabi ng hunk actor.

“So, I don’t really care and right now, I’m just enjoying my life, and doing my art.

“So, if anybody has anything to say about me, then good because haters are just fake lovers.”

Naapektuhan ba siya ng ganung balita?

“Well, I’m just here to make my art and buy my house. So, once I get my house then, yeah,” pahayag niya nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng pelikula niya titled ML.

Ang ML ang second top-grossing film sa 2018 Cinemalaya Independent Film Festival. Nanalo ang movie for Best Editing at tinanghal na Best Actor si Eddie Garcia.

Sa pelikulang ML, na-hostage si Tony, na-terrorize, at na-torture ng isang retired general played by Eddie.

Si Benedict Mique ang director ng ML at palabas na sa mga sinehan simula November 7.

Open ba si Tony na tumanggap ng gay roles in his future projects?

“Yeah, sure,” mabilis niyang tugon.

“Coz you know, what we’re doing here is we’re making art.

“We’re not making porn. We’re not doing sexy movies just to take off our clothes.

“What we’re doing is art like what Direk Benedict said, he’s giving his heart and his passion and his money on this project.

“So, I really want people to know that that when people make films and when I take roles it’s because we’re passionate about making art.”

Payag din ba siya to do a kissing scene with another guy?

“Actually, may inoffer sa amin before pero uhm, ewan ko. As an actor, I don’t think I should say, again, I don’t think I should pick and choose.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“For me it’s all about the substance or the content.

“So if it’s something that speaks to me, I know that people relate to it, I know that my director will take care of me, I have a good producer, and the cast is there to be with us, and we really wanna make art for people, then, that’s when I’ll say, 'Okay, why not?'”

Sunud-sunod ang mga proyekto ni Tony this year. Compared to his contemporaries, mabilis na nagmarka ang kanyang pangalan sa industriya.

Anong masasabi niya tungkol dito?

“Ewan ko lang po kung maniniwala kayo sa akin pero sobrang hindi po ako showbiz. As in, like pagdating sa mga guesting, kahit sa, I mean, sa blogcon kumportable na po ako. Pero nahihiya pa rin ako, like, alam ko kailangan ko ng guestings para mai-promote ko po yung shows or para makita ako sa TV.

“Pero hindi po ako mahilig mag-guestings and, wala po akong friend na showbiz kundi si Kisses [Delavin], kasi hindi po talaga ako showbiz. So, wala.

“For me, ang gusto ko lang naman is gawin yung passion ko, which is acting and performing for people."

Inulit ni Tony ang pangarap niya na makapag-ipon upang magkaroon ng sariling bahay.

“Ayun, hindi pa po ako nakakabili ng bahay. Yun po.

“Sana makabili na po ako ng bahay para maka-relax na ako ng konti.

“Matagal pa po. Pero sana, next year maka-start na ako.”

KISSTON LOVE TEAM

Speaking of Kisses Delavin, ano ang reaksiyon niya na hindi natuloy ang tambalan nila onscreen?

“Ah, eto po kasi, yung Kisses kasi hindi po, yung KissTon [love team] kasi hindi po talaga siya management-approved.

“Actually, sobrang swerte ko lang kasi gawa siya ng fans, sa fan-based. So, the fact na ganun siya ka-popular kahit fans lang ang gumawa, sobrang honored ako and sobrang saya namin ni Kisses.

"So, in terms of her being with Donny [Pangilinan] right now, I’m honestly happy for them.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba siya na-disappoint dahil sila yung pinu-push ng fans pero napunta si Kisses sa ibang kapareha?

Ani Tony, “Uhm, no, kasi I believe what’s yours will always be meant, will always be for you. So, whatever is yours will always be yours.

“So, kung hindi para sa akin yung tambalan namin ni Kisses, e, ‘di okay lang. Nakatrabaho ko naman siya. I experienced a lot.”

ON HIS LOVE LIFE

Marami ang nagkakagusto sa 23-year-old star na anak ni Boom Labrusca at Angel Jones.

May girlfriend ba ngayon si Tony?

“Wala pa po,” ngiti niya.

“Ah, kasi, yun nga, hindi pa po ako nakabili ng bahay. So, paano naman po kung gagastos ako sa girlfriend ko? Hehehe.”

Kapag may bahay na siya, doon lang ba siya papasok sa isang relasyon?

“Actually po, sayang naman po yung career ko ngayon. Yung trajectory ko, gusto ko, at sinasabihan din po ako [ng manager ko] na mag-focus na lang muna ako sa ngayon. At ako, sa passion ko po, yun din po ang gusto kong gawin.”

Kailan ba siya huling nagka-girlfriend?

“Uhm, siguro mga two years ago, bago ako pumunta sa Pinas.”

Ipinanganak si Tony sa Houston, Texas, ngunit lumaki siya sa Los Angeles, California. Noong nine years old siya, lumipat ang kanyang pamilya sa Vancouver, Canada.

Noong 2016, sumali siya sa Pinoy Boyband Superstar ngunit hindi siya umabot sa grand finals.

Na-launch siya bilang isa sa mga new talents ng Star Magic Circle 2018.

Nabanggit ni Tony sa past interviews na hindi pa siya nagkaroon ng girlfriend. Ano ang totoo?

Pinaliwanag niya: “Hindi, actually, wala namang label sa Canada. Kaya ayaw ko ring sabihin na nagka-girlfriend talaga ako. Kasi yun na talaga ang uso ngayon, di ba?

“Actually, ako, hindi ako fan ng ganoon. Pero ayun, ganun na talaga ang mga millennials.”

Kung may chance na makapamili siya ng girlfriend, taga-showbiz o non-showbiz ba ang gusto nya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Non-showbiz na lang po sana.

“E, ma-imagine niyo po kung showbiz tapos nag-break kami? Lagi ko na lang siya nakikita sa ABS-CBN.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN