JC de Vera admires Kim Chiu's professionalism in their movie One Great Love

JC de Vera admires co-star Kim Chiu's (left frame) professionalism in their MMFF 2018 film, One Great Love: "Pag napanood ninyo dito si Kim, ibang Kim ang makikita ninyo. Mayroong mga kissing scene and love scene. Siyempre nahihiya ako kay Kim pero mangingibabaw talaga ang professionalism."


Kung nung una ay tikom ang bibig ni JC de Vera sa tuwing pag-uusapan ang kaniyang pribadong buhay, ngayong isa na siyang ama ay bukas na siyang ibahagi sa publiko ang mag-ina niyang sina baby Lana Athena at ang live-in partner na si Rikkah Cruz.

Usap-usapan ding kasunod ng pagkakaroon ng anak ay may balak na rin daw ang ABS-CBN actor na pakasalan na ang ina ng anak.

Agad na tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News tungkol dito si JC nang ma-interview siya sa nakaraang 2018 Christmas station ID shoot noong November 11.

Panimula niyang pahayag, “Oo naman, dapat kasi.

“Siyempre di naman talaga mawawala sa plano yun.

“Ngayon mayroon lang talaga kaming dapat unahin pero siyempre nasa plano yun, di mawawala.”

Ayon kay JC, iba ang saya na ibinigay sa kanila ni Baby Athena.

Aminado ang Kapamilya actor na marami ang nabago sa kanya nang dumating sa buhay nila ang anak.

Pag-amin niya, “I'm blessed, yun lang, yun lang ang masasabi ko.

“Grateful ako sa lahat ng magagandang nangyayari ngayon.

“Parang mas naging responsible ako, mas naging mature, mas pinipili ko ang mga battles ko ngayon.

“Mas marami talagang nagbago sa akin.”

PROJECTS

Sa ngayon ay abala si JC sa taping ng isang teleserye at Banana Split.

Bukod dito ay abala din siya sa shooting ng pelikulang One Great Love kasama sila Kim Chiu, at Dennis Trillo.

Kinumpirma sa amin ng aktor na may mga kissing scenes at love scenes sila ni Kim.

Lahad niya, “Nagsu-shoot kami ng The General's Daughter kasama si Ms. Angel Locsin, 'tapos Banana Sundae pa rin.

“Masayang experience kasi si Kim, very excited sa project na yun.

“Pag napanood ninyo dito si Kim, ibang Kim ang makikita ninyo.

“Mayroong mga kissing scene and love scene.

“Siyempre nahihiya ako kay Kim pero mangingibabaw talaga ang professionalism.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung hiya sine-set aside talaga natin.”

MMFF 2018 ENTRY

Masaya at excited din si JC dahil isa sa official entries sa 2018 Metro Manila Film Festival ang One Great Love.

Dagdag niya, “Masaya ako na nakabalik talaga ako kasi the last movie na ginawa ko for filmfest was Shake, Rattle and Roll few years ago.

“It feels great to be back, lalong-lalo na first time ko ring makatrabaho si Kim.

“So very much excited talaga ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN