Sa ikalawang pagkakataon ay napanood ni Rhian Ramos ang pelikula nila ni JM de Guzman titled Kung Paano Siya Nawala.
Ayon sa GMA-7 actress, mas na-enjoy niya ito kumpara sa unang beses.
“I enjoyed it more than the first time,” natawang sabi niya nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng screening na ginanap sa Cinema '76 Anonas.
Ayon kay Rhian, “Usually kasi sa first time or premiere night, I’m so nervous that I can’t really absorb the movie.
“So mas marami akong nakuhang moments.”
Maraming kissing scenes at love scenes ang ginawa nina Rhian at JM sa movie na ito na graded B by the Cinema Evaluation Board.
Aminado si Rhian na may ilangan daw talaga sa umpisa.
“Awkward... it was awkward with like the first ten minutes and then, we just got used to it na lang, parang ganun.”
Hindi masasabi ni Rhian na ito ang pinaka-daring love scene na nagawa niya dahil mas daring pa ang mga nagawa niya sa past projects niya.
“I had more crazy love scenes, yung medyo lustful. This one was medyo loving,” saad ng GMA-7 actress.
Kung mapapanood ang pelikula, makikita rito kung gaano ka free-spirited at giving ang character niya na si Shana kapag na in love.
Masasabi niya bang ganito na talaga ma in love ang mga millennials?
“Yeah, I think people that have relationships before and now are kinda the same. Yun nga lang, nowadays, hindi kasing-takot ang mga tao to talk about it.
“I think before, it was more presenting yourself in a certain way. Best foot forward. This one kasi, they’re so open with everything that they are.”
Sa totoong buhay, ganun din ba siya ma in love?
“I’m pretty open...well, you know what, I’m half, e. I never do best foot forward in a relationship because I want him to know. Parang I’d rather be rejected for who I am than be accepted for someone I’m not.
“But at the same time, because of the things that I’ve been through in the past, I always keep a little bit for myself. Hindi ako ganun ka risk it all. I always have like these top secrets, two percent about me.”
Bukod sa TBA Studios, si Rhian at JM ay kabilang sa mga producers ng Kung Paano Siya Nawala.
Posible kayang magtuloy-tuloy na ang pagiging producer ni Rhian?
“Kaya nga sobrang freeing pala to do the movie. Nawala yung side ko na ganun to keep myself a little bit safe. So when I did the movie, it was just nice to just completely express that.
“Na sana one day, ganito rin ako magmahal. Yung lahat!”
Sa December 1, aalis si Rhian para mag-aaral ng short course na Comedy Applied sa New York City.
Posibleng tatlong buwan siya maninirahan doon. Hindi pa masagot ni Rhian ang saktong balik niya sa Pilipinas dahil hindi pa raw siya nagbu-book ng return flight.
Excited na ba siya?
“I am, super excited,” lahad niya.
“I’ve been ready for it for a long time. I’ve been looking forward to it for a really, really long time.”
Pagbalik niya, ano ang gusto niyang makita sa sarili o expectation niya?
“I don’t know,” natatawang sagot niya.
“Well, I’m pretty sure when I come back, I’m ready to work really hard because I’m gonna miss it. Pero, I think, I’ll be more independent. I will learn how to take care of myself better.
“Braver... maybe,” saad ni Rhian Ramos.
