Jake Cuenca on working with GMA-7 actress Kris Bernal: "Ang daling pakisamahan."

IMAGE Rose Garcia

Jake Cuenca and his Kontradiksyon co-stars took a drug test after completing their movie.



Sa Pilipinas magse-celebrate si Jake Cuenca ng birthday niya na magaganap on December 30.

Kailangan niyang manatili sa bansa ngayong Pasko at Bagong Taon dahil bida siya sa ABS-CBN teleserye na Los Bastardos.

Sa 2019, plano niyang bumalik sa America para ipagpatuloy ang pag-aaral niya ng acting.

Natapos na niyang i-shoot kamakailan ang indie film na Kontradiksyon kunsaan gumaganap siya bilang agent ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). Makakatambal niya dito ang GMA-7 actress na si Kris Bernal.

Kuwento ni Jake tungkol sa pelikula nila: “Isa siyang malaking kontradiksyon. Isa akong advocate ng anti-drugs hanggang sa dumating na sa puntong isa ko sa naapektuhan, pamilya niya, naapektuhan at dumating sa puntong yung pinaglalaban niya, yun na ang nilalabanan niya ngayon.”

Ang director ng Kontradiksyon ay si Njel de Mesa, Palanca Award-winning writer/director na sumulat din ng screenplay ng Cinemalaya 2017 Best Film na Respeto.

“I’m just very excited to be working with Direk Njel. I’m a fan of his works like Respeto. He understands because he’s also in theater aside from mainstream showbiz.

“For me, it’s just a good opportunity to work with him, with Universal Records, with Bell Films and actors na hindi ko rin nakaka-trabaho like Kris Bernal, Paolo Paraiso--my co-actors are all memorable, my pleasure working with them.”

May pagka-political ang tema ng pelikula nila.

Pero ayon kay Jake, wala siyang maibibigay na opinyon pagdating sa pulitika tulad ng EJK o extra-judicial killing na nangyayari sa Pilipinas.

“For me, I don’t have any opinion regarding politics. Why? Because I didn’t vote and if I didn’t vote, wala akong karapatang magsalita. That’s also my stand on the States, I’m also an American citizen.

“There’s a lot of things that I don’t like that’s going on with the States and the Philippines but like I’ve said, I didn’t vote.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa na siguro sa matagal na pelikulang ginawa ni Jake ang Kontradiksyon na ipalabas sa umpisa ng 2019. Dahil daw sa schedule niya, tuwing Linggo lang siya nakakapag-shooting.

“Sobrang challenging, sobrang haba ng proseso, so many shootings. Feeling ko, ang pinakamalaking challenge yung pinagsama-sama ang schedule naming lahat.

“I just came from my theatrical debut, I just finished Blood Sisters and then, straight to Los Bartardos. Scheduling is very, very hard and I haven’t had a free Sunday on four months, five months.

“So after today, I’m excited to go to mass, spend time with my family and really take a day off. That’s what I look forward to after today.”

Unang beses makakatambal ng ABS-CBN actor ang Kapuso actress na si Kris Bernal.

Natutuwa si Jake tuwing mababasa niya ang mga social media posts na pino-post patungkol sa kanya.

Sabi pa ni Jake, “Ang saya, sobrang saya.

“Sabi ko nga, si Kris ang isa sa mga dahilan...kasi, sobrang pagod ako kapag dumarating, alam nila ‘yan. First sequence of the day, lalabas ako na sobrang groggy kasi galing taping o galing play, walang boses.

“Isang tao na nag-uplift sa akin or isang tao kung bakit ako nae-excite na pumunta sa set, [dahil kay] Kris,” saad niya.

Bakit si Kris?

“Nagdadala siya ng mga pagkain, sobrang uplifting,” saad niya.

“Ang daling pakisamahan. Parang first day pa lang namin ng shooting, okay na kami agad. Usually kapag mabigat ang eksena, sobrang intense, pero dito we managed na very light.

“At siguro kung makikita niyo ang rushes nang eksena na yun, you wouldn’t believe how easy it was done, kung paano namin kadali nagawa.

“Kay Kris, parang first day pa lang, magkaibigan na magkaibigan na kami agad. At saka very thankful ako kay Kris sa mga sinasabi niya about me.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong November 18, sa last shooting day lang nila kinunan ang love scene nila ni Kris. Kasabay rin nito ang totohanang pagsailalim nila sa drug test.

Ayon kay Kris, kabado siyang talaga sa gagawin nilang love scene.

Sabi naman ni Jake, “Hindi naman... alam niyo naman ako, sa mga naging leading ladies ko even in the past, sobrang inaalagaan ko.

"Kahit si Joem Bascon inalagaan ko sa ganyang klaseng eksena.

“Wala siyang dapat ipag-alala.”

Ang tinutukoy ni Jake ay ang sex scene na ginawa ni Jake kasama si Joem para sa 2013 indie film nila titled Lihis.


Stories We Are Tracking

Kris Bernal on Jake: Dahil sa other network kaya nakakakaba.
Kris Bernal on Jake: Dahil sa other network kaya nakakakaba.
Kris Bernal removes pumping scenes with Jake Cuenca
Kris Bernal removes pumping scenes with Jake Cuenca




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN