Vice Ganda chides Showtime viewer: "Nung kaputukan ng AlDub, hindi ka nanonood dito."

Vice Ganda mentioned the AlDub love team and GMA-7 actress Jennylyn Mercado in a recent episode of It's Showtime.


Binanggit ni Vice Ganda ang AlDub love team nina Alden Richards at Maine Mendoza sa recent episode ng It's Showtime.

Sa November 21 episode ng ABS-CBN noontime show, sinabi ni Vice Ganda: "Masaya dito kaya may mga loyal viewers tayo.

"Pasensiya na po kayo, wala kaming masyadong pera pero patatawanin namin kayo."

May isang audience member na sumigaw ng "I love you" at sinagot ito ni Vice ng "I love you, too!"

Biniro naman ni Vice Ganda ang audience member nang sabihin niya:

"Sabi ka ng I love you, echosera ka, nung kaputukan ng AlDub, hindi ka nanonood dito.

"Samantalang dati binash niyo ako, wala naman akong ginagawa."

Ang AlDub ay napapanood sa Eat Bulaga, ang GMA-7 noontime show na katapat ng It's Showtime.

Natawa naman si Vhong Navarro na kasama niya sa stage at pinaalaala niya:

"Kaya nga nakilala nila si Pastillas," pagtukoy ni Vhong kay Pastillas Girl.

Angelica Jane Yap ang real name ng viral sensation na nagkaroon ng sarili niyang segment sa It's Showtime. Noong panahon na sikat na sikat ang AlDub love team sa GMA-7, nagkaroon siya ng segment sa It's Showtime titled "Nasaan Ka Mr. Pastillas."

Kuwento pa ni Vice Ganda tungkol kay Pastillas Girl: "Family natin yun.

"Ang sexy niya ngayon! Gumanda lalo si Pastillas Girl.

"Nung nakita ko siya, sinabi ko, 'Mukha ka nang yema ngayon.'

"Ang sexy niya talaga ngayon. Nakikita ko siya sa Instagram. Ang ganda-ganda niya."

Inimbitahan ng TV hosts si Pastillas Girl na bumisita ulit sa Kapamilya noontime show.

Pagkatapos nito ay tinukso nila ang isang Showtime host na kasalukuyang naka-leave.

Biro ni Vice Ganda: "May kilala ako, ang tangos nga ng ilong pero makikita mo, may mga paa ng ipis na lumalabas.

"Babae siya. Wala siya ngayon, nasa Africa. Naka-leave ng one month."

Kasalukuyang naka-leave ngayon si Anne Curtis para sa kanyang honeymoon kasama ang asawa na si Erwan Heussaff. Nasa Africa ngayon ang mag-asawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ayokong sabihin ang pangalan pero Australyana siya. May asawa siya, Heussaff ang apelyido," sabi pa ni Vice Ganda na malinaw na tinutukoy ang Fil-Australian actress-TV host na si Anne.

Tanong naman ni Vhong: "May pelikula ba siyang lalabas sa Pasko?"

Hirit pa ni Vice Ganda: "Meron, pero huwag natin i-promote kasi kalaban namin."

Tumawa si Vice Ganda na bida sa Metro Manila Film Festival 2018 entry na Fantastica. Si Anne naman ay bida sa MMFF 2018 entry na Aurora.

Ani Vice Ganda, "Charot lang! Pinapatawa lang namin kayo kasi yun lang ang pwedeng gawin namin, magpatawa nang magpatawa kasi nga maliit lang ang premyo dito!"

Nabanggit rin ni Vice Ganda sa episode na ito ang GMA-7 actress na si Jennylyn Mercado.

"Nakita ko si Jennylyn Mercado noong isang araw sa Instagram. Ang ganda!

"May business siyang mga cookies or mga pastries."

Kamakailan ay ni-launch ni Jennylyn ang kanyang sariling online cookie shop.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN