Liza Soberano to do "mature, romantic drama" with Enrique before shooting Darna

Enrique Gil visits hospitals while Liza rides UP's "ikot jeep" as part of their immersion for #LizQuen2019 movie.
by James Patrick Anarcon
Nov 23, 2018
Director Antoinette Jadone (not in photo) on working with Liza Soberano and Enrique Gil for the first time: "Natsa-challenge ako paano magmukhang normal si Liza at Enrique."


Isang "mature, romantic drama" ang gagawin muna ni Liza Soberano bago niya i-shoot ang pelikulang Darna in 2019.

Ito ang description ni Direk Antoinette Jadaone sa pelikula ni Liza kunsaan makakatambal niya si Enrique Gil.

Ito ang unang pagkakataon na makakatrabaho ni Liza at Enrique ang "hugot" director sa isang pelikula.

Ang upcoming LizQuen movie ay ipo-produce ng Black Sheep na isang subsidiary ng ABS-CBN Films.

Sa story conference ng LizQuen project na ginanap kanina, November 23, sa Cornerstone Studio, sinabi ni Direk Antoinette na may malaking challenge para sa kanya ang proyekto na ito.

Natatawa niyang sinabi, "Natsa-challenge ako paano magmukhang normal si Liza at Enrique, yun muna!"

Ayon kasi sa kanyang presentation noong story conference, gusto raw ni Direk Antoinette na ilayo ang LizQuen sa mga nauna nilang roles sa pelikula at telebisyon na ala dream girl at dream boy, at gawing mas makatotohanan ang kanilang mga characters.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero mas yung excitement siguro na because I only see them before sa pelikula at saka sa TV, parang mas excited ako kasi before nitong story conference, we already worked together sa story.

"So sobrang excited ako kasi nakikita kong sa start pa lang, excited sila sa project."

Ibinahagi rin ni Jadaone na nag-immerse na ang dalawa para sa kanilang mga roles, kung saan isang Art Studies student si Liza at Biology major si Enrique.

"Si Enrique, nag-immerse na siya sa ospital, so kung papaano yung character niya, nag-interview na siya.

"Nakakatuwa na parang they spent time to study the character. Tapos si Liza, nagpunta kami sa UP [University of the Philippines] kasi Art Studies student siya sa UP.

"So nag-interview siya ng mga Art student majors, sumakay siya ng Ikot jeep at siya yung nag-abot ng bayad, nagbibigay ng sukli.

"Siyempre may mask siya so hindi siya masyadong nakilala pero nakilala pa rin ng iba.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"So mas yon, siguro kung sa challenge, mas kung papaano maisasa-pelikula yung concept. Iyong story kasi, I can say na it's a story na malapit sa akin kasi nga matagal ko na siyang ginawa, na noong may opportunity na gumawa ng pelikula for Liza and Enrique, pwede itong konsepto na 'to, yung story na 'to na finally, magawa na."

(L-R) Enrique Gil, director Antoinette Jadaone, and Liza Soberano
IMAGE Noel Orsal
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓


LIZQUEN'S IMMERSION

Kinamusta naman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Liza at Enrique tungkol sa immersion na ginawa nila.

Ayon kay Enrique, nagkaroon siya ng konting takot subalit masaya ang naging experience niya sa isang public hospital.

"It was fun, it was a little scary experience for me but it was super fun. I had to go to the hospital, basta nag-immerse ako.

"I learned a lot, I saw what happens in a hospital. I don't know if I can really say why I'm in the hospital pero yun yung immersion side ko.

"I was able to interview some people, sa public hospital sa East Avenue, so I saw a lot of stuff there.

"Everyday, grabe din sa mga nurses and doctors doon, for all their hardwork, everyday sa nakita ko doon, isang gabi lang."

Samantala, naka-relate daw si Liza sa mga estudyanteng nakausap niya noong naki-sit-in siya sa isang klase sa University of the Philippines.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I had a lot of fun during our immersion in UP kasi ang saya lang na balikan, kasi ako high school, so yun college, parang feeling ko bumabalik ako sa school.

"I got to sit in one of their classes at saka very observant ako na tao, so ang saya lang na ang dami kong pwedeng obserbahan doon na mga students and yung mga kilos nila.

"Na-enjoy ko rin kausapin yung mga students and to hear their experiences at school and their dreams and what they wish to be one day.

"Masaya din sumakay ng jeep na hindi masyadong nakikilala and kumain din kami ng scramble."

Enrique and Liza goof around with photographers during their movie's story conference.
IMAGE Noel Orsal
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓


ON DOING MATURE ROLES

Malinaw sa presentation na ipinakita ni Direk Antoinette sa story conference na isang mature love story ang katatampukan nina Liza at Enrique.

Inusisa naman ng PEP.ph kung paano nila ipapakita ang "maturity" sa pelikula.

Natawa si Liza sa tanong habang ang reaksyon naman ni Enrique, "Oh..."

Ipinasa naman ni Direk Antoinette ang tanong sa creative supervisor na si Patrick Valencia.

Sinabi lang ni Valencia, "Isusurprise na lang nila tayo.

Tugon naman ng direktor, "Ganun na muna."

Sa first quarter ng 2019 nakatakdang ilabas ang pelikula nila Liza at Enrique, na binansagan munang #LizQuen2019 project.

STORIES WE ARE TRACKING




Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Director Antoinette Jadone (not in photo) on working with Liza Soberano and Enrique Gil for the first time: "Natsa-challenge ako paano magmukhang normal si Liza at Enrique."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results