"Magkaibigan" reminisces friendship with Rudy Fernandez


(From left) Maricel Laxa, Dawn Zulueta, Christopher de Leon, and Jinggoy Estrada topbill the Metro Manila Film Fest entry Magkaibigan. It will open in cinemas nationwide starting December 25.



For the second year in a row, Senator Jinggoy Estrada is joining the Metro Manila Film Festival. This year, his entry for Maverick Films is Magkaibigan, the moving story of two friends and their families. Ang story ng Magkaibigan ay based sa friendship nila ng best friend niyang si Rudy Fernandez na pumanaw na kamakailan lamang. Ang pelikulang ito ay sinulat at dinerehe ni Jose Javier Reyes. It was inspired by Daboy, ang palayaw ni Rudy, who is well loved and sadly missed by his family and friends.

Last year, ang film fest entry ni Sen. Jinggoy ay ang Katas ng Saudi na nagbigay sa kanya ng dalawang Best Actor awards, na tinanggap niya sa Metro Manila Film Festival 2007 Gabi ng Parangal at sa awards night ng Golden Screen Awards ng Entertainment Press Society, Inc. Isa rin siya sa Best Actor nominee ng katatapos na awards night ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino (Urian).

Ang Katas ng Saudi ay nagtampok din kay Lorna Tolentino na tumanggap naman ng Best Actress award from Golden Screen Awards. Last year na ginagawa nina Sen. Jinggoy at Lorna ang movie, isa sa masugid nilang supporter ay si Rudy at nang finally ay napanood niya ang movie, umiyak pa siya sa ilang eksena at noon pa ay binati na niya ang best friend niya and wife Lorna. Naroon din si Rudy sa Gabi ng Parangal ng MMFF nang tanggapin ni Sen. Jinggoy ang kanyang Best Actor award. Pero nang tanggapin nila ni Lorna ang awards nila sa Golden Screen Awards, two weeks pa lamang yumao ni Rudy and they both dedicated their awards to Rudy.

STAR-STUDDED LINEUP. Si Maricel Laxa ang gaganap na wife ni Sen. Jinggoy at mga anak nila ay sina Justin Plummer at Ryan Julio. Christopher de Leon and Dawn Zulueta will play the roles of their best friends. Mga anak nila ang Star Magic talents na sina AJ Perez at Empress Schuck. Tirso Cruz III will play the friend of Sen. Jinggoy and Boyet, kasama rin nila si Bobby Andrews.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Masaya si Dawn nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) during the pictorial of the movie. Hindi ba siya nagdalawang-isip na tanggapin ang movie?

"No! I love the story," nakangiting wika ni Dawn. "Last movie pa naming magkatambal ni Boyet, sa Kung Mawawala Ka under Reyna Films directed by Jomari Avellana. My last movie was Filipinas in the 2004 Metro Manila Film Festival from Viva Films. Na-miss ko na rin ang pagsakay sa float," dagdag pa ni Dawn.

"It's good na last year, mayroon din akong film fest entry, ang Banal, sabi naman ni Boyet. "When Jinggoy offered me Magkaibigan, hindi na ako nagtanong pa, tinanggap ko na agad dahil alam ko tribute namin ito for Daboy. I cut short nga my stay sa U.S.A., na nagkaroon ako ng shows doon, dahil magsu-shooting na raw kami. Mabuti na rin na tapos na ako ng taping ng teleserye naming Kahit Isang Saglit, kaya wala akong problema."

Si Maricel Laxa, hindi na matandaan kung kailan pa ang huling movie na ginawa niya.

"Basta ang natatandaan ko, Minsan Lang Magmamahal ang title ng last movie kong ginawa, with Edu Manzano iyon at sa direksyon din ni Joey Reyes, kaya reunion movie namin ito ni Direk Joey," nakangiting wika ni Maricel. "Natuwa nga ang mga anak ko nang sabihin ko sa kanilang gagawa ako ng movie, kung pwede raw nilang panoorin."

Si Senator Jinggoy, bukod sa story iyon ng friendship nila ni Daboy, ano ang nagtulak sa kanya na muling mag-produce ng movie?

"Ang artistic success ng Katas Ng Saudi," nakangiti niyang sagot. "Ginawa ko kasi ang movie as a tribute sa ating mga Overseas Filipino Workers (OFW) and as I head the committee on OFWs sa Senate, natuwa ako sa cooperation na ibinigay ng mga embassy natin sa iba't ibang lugar sa mundo na may mga kababayan tayong nagtatrabaho roon at pinayagan nilang ipalabas doon ang pelikula."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa Magkaibigan, ano ang ini-expect niya?

"Na malaman ng mga manonood ng movie kung ano ang tunay na pakikipag-kaibigan," seryoso niyang sagot. "I hope maraming maka-relate sa story ng movie na sabi nga namin, inspired ito ng buhay ni Rudy Fernandez. Inihahandog namin ito sa buong pamilyang Pilipino."

Ang Magkaibigan ay magbubukas sa mga sinehan sa Disyembre 25, bilang isa sa walong kalahok sa Metro Manila Film Fest.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN