Kyline Alcantara not sure if Andrea Brillantes replaced her in movie project

IMAGE James Patrick Anarcon

Kyline Alcantara admits she is not sure if the movie she did not accept was the upcoming movie, Kahit Ayaw Mo Na, where Andrea Brillantes reportedly took over her role. Kyline says, "Alam ko may natanggihan kaming movie kasi during Kambal, Karibal and then I prepared for my concert so super busy talaga. Pero I'm not sure kung yun talaga, basta alam ko may natanggihan kami."


Hindi sigurado si Kyline Alcantara kung ang pelikulang tinanggihan niya ang napunta sa ABS-CBN actress na si Andrea Brillantes.

Lumabas kasi sa Cabinet Files column ng PEP Alerts noong November 28 na unang inialok kay Kyline ang role ni Andrea sa upcoming movie na Kahit Ayaw Mo Na. Ang proyekto na ito ay dating may titulong A Spark in Samar.

READ Andrea Brillantes, pinalitan si Kyline Alcantara sa Kahit Ayaw Mo Na?

Sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Kyline kahapon, November 29, sa set ng Studio 7 sa GMA Network Center ay natanong siya tungkol dito.

Ayon sa 16-year-old actress, natatandaan niyang may inalok sa kanyang pelikula habang ginagawa niya ang Kambal, Karibal, subalit hindi niya natanggap ito.

Saad niya, "Opo 'ata, but during 'ata yun… alam ko may ganun.

"Kasi alam ko may natanggihan kaming movie kasi during Kambal, Karibal, and then I prepared for my concert so super busy talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero I’m not sure kung yun talaga, basta alam ko may natanggihan kami."

Hindi na rin daw niya nalaman kung ano ang role ang in-offer sa kanya.

"Hindi, hindi na. Pero na-sad din ako kasi siyempre, proyekto rin yun, e. Minsan lang makakuha ng ganoong project."

Bagamat natanggihan niya ang offer na gumawa ng pelikula para i-prioritize ang kanyang TV projects, gusto pa rin makagawa ni Kyline ng pelikula.

Natatawa niyang sinabi, "Sana, sana ma-offeran ulit ako kasi baka sabihin nila, 'Ay, tinatanggihan niya yung mga movies, huwag na natin ito bigyan ng movie.'

"Ayoko nang ganon! Sana hindi!"

GOOD GIRL KYLINE IN NEW SHOW

Bukod sa Studio 7, busy rin si Kyline dahil siinsimulan na ang kanyang upcoming GMA Afternoon Prime series na Inagaw na Bituin.

Kung sa Kambal, Karibal ay siya ang kontrabida, ang role naman daw ni Kyline sa Inagaw na Bituin ay "mabait, actually."

Ayon sa former ABS-CBN actress, kailangan pa niyang mag-adjust sa bagong role, dahil sanay siya sa maldita roles sa mga teleserye niya noon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Noong pictorial namin sabi nila, 'Ah Kyline, medyo sweet.' 'Okay, nakalimutan ko, sorry.'

"'Tapos parang basta, may something daw sa mata ko na pang-kontrabida and yun naman daw yung binabago nila and sana mabigyan ko ng justice."

Excited rin si Kyline na makatrabaho ang award-winning actress na si Therese "Teri" Malvar.

"I’m a fan of her kasi isa siyang international awardee, ang dami niyang international awards!

"Nakawork ko na rin siya even before pa ako mag-start maging kontrabida sa ABS-CBN. Nagkasama kami sa isang final audition ng isang indie film which is Chacha ni Anita."

Ang indie film na Ang Huling Chacha ni Anita ang napabalita noon na pelikula kung saan pinalitan ni Therese si Kyline.

Noon daw kasi ay mas pinili ni Kyline ang role na Arlene sa Annaliza, kung saan naging kontrabida siya ni Andrea Brillantes.

Makakasama rin ni Kyline sa Inagaw na Bituin sina Sunshine Dizon, Angelika dela Cruz, Angelu de Leon, Marvin Agustin, Gabby Eigenmann, Jackie Lou Blanco, at Jaclyn Jose.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Kyline tungkol dito, "Ang sarap sa pakiramdam kasi alam ko lahat sa kanila, may matututunan ako sa kanila.

"Kumportable na ako kay Kuya Marvin, kay Ate Shine, so I can’t wait na makatrabaho ko sila Miss Angelu de Leon, Miss Jackie Lou, si Kuya Gabby."

Nang tanungin naman siya kung tungkol saan ang Inagaw na Bituin, ito ang naging sagot ni Kyline:

"May inagawan dito ng kinang sa kanyang magiging future. Hindi natin alam kung sa sa seniors yun or sa amin [ni Therese.]"

Kasama rin ni Kyline sa teleserye sina Renz Valerio at Migo Adecer, at si Mark Reyes ang direktor.

Nakatakdang umere ang Inagaw na Bituin sa 2019.


ABOUT THE AUTHOR

Let's talk TV @jimpylosophies on Facebook, Twitter, and Instagram.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN