Sharon Cuneta relates to her movie character who almost left husband

IMAGE Allan Sancon

Sharon Cuneta admits she almost left her husband Kiko Pangilinan in the past.


Ayon kay Sharon Cuneta, inabot ng PHP6.5 million ang kinita ng kanilang pelikulang Three Words To Forever sa opening day nito on November 28.

Ito ang ni-reveal niya sa Three Words To Forever blogger’s conference noong November 29, 2018 sa 9501 Restaurant ng ABS-CBN.

Ito rin ang inanunsiyo ng Star Cinema sa pamamagitan ng mga social media accounts na ito.

Ayon sa Megastar, unang araw pa lang naman daw ito at nagkataon sa “petsa de peligro” ang kanilang opening kaya malamang daw ay wala pang pera ang mga tao na pampanuod.

Ani Sharon, "Hindi kami nagpapanic because it's not a flop.

"We've had movies like this before. Relax lang kami because it's a beautiful movie.

"It has something for everyone and the whole family."

Naikumpara niya ang performance ng Three Words To Forever sa nauna niyang Star Cinema movie na Unexpectedly Yours. Sa simula raw ay mababa rin ang unang araw ng Unexpectedly Yours pero ng mga sumunod na araw ay nagulat na lang daw sila na tumaas na ang kita nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang Three Words To Forever ay tungkol sa mag-asawa na gusto na sanang maghiwalay. Ang karakter ni Sharon na si Cristy ay gustong makipaghiwalay sa asawa niyang si Rick (played by Richard Gomez).

Natanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sharon kung dumating ba sa point na gusto niya na ring niyang tapusin ang kanilang relasyon bilang mag-asawa at paano nila naisalba ang kanilang relasyon.

May pagkakataon ba noon na gusto na niyang iwan si Senator Kiko Pangilinan?

Ani Sharon, “Many times! Umabot sa kinausap ko na yung mga anak ko. Tapos, sinabi ko sa sarili ko na, 'I'll stay here first.'

"Come to think of it, parang yung nangyari sa movie na si Cristy, parang ganun rin sa amin [ni Kiko]. Dahan-dahan na nililigawan siya uli si Rick na pasimple. Sinisilbihan niya, pinapakita niya na, 'mahalin mo ako uli.' Pero this time, ang nag effort ay kaming dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"My husband, every single night 'pag maaga siya umuuwi, since the day we got married, he lights the candles and prays outside, siya mag-isa.

"He has a prayer area. Saka kami, we pray all the time as a family.

"It’s important! We eat together, we’re such a family na we are strong as a family.

"I realized that, 'I can’t live without you, you dork!'

"We’re like that! We just hug and you know we cried, it’s the same over and over again.

"He says, 'I prayed for you and I say, 'I prayed for you, too.' I was already looking for a real relationship so by the time that he came along, naramdaman ko yun.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN