One Great Love director Eric Quizon describes love scenes of Kim Chiu as "sizzling hot"

by Glenn Regondola
Dec 5, 2018
<p>Actor-director Eric Quizon on Kim Chiu's love scenes in <em>One Great Love</em>: "Hindi mo ini-expect na gagawin ni Kim yun... Hindi naman kailangang mahahaba ang love scenes para dun sa... hindi naman namin na-achieve yung parang... It's three great love scenes."</p>
PHOTO/S: Noel Orsal

“Sizzling hot.”

Ito ang pagsasalarawan ng actor-director na si Eric Quizon tungkol sa kauna-unahang love scenes na ginawa ni Kim Chiu sa isang pelikula.

Si Eric ang nagdirek ng Regal movie na One Great Love, official entry sa Metro Manila Film Festival 2018.

Bukod kay Kim, kasama rin dito sina Dennis Trillo at JC de Vera bilang leading men.

Patuloy na kuwento ng 51-year-old actor-director, “I think because it’s Kim.

“So, hindi mo ini-expect na gagawin ni Kim yun.

“Si Kim... hindi mahahaba ang love scenes, kasi I don’t really need…

“Hindi naman kailangang mahahaba ang love scenes para dun sa... hindi naman namin na-achieve yung parang...

“It’s three great love scenes.”

Dahil first time nga ni Kim, ano ang naging preparasyon nila para sa mga eksenang ito—dalawa with JC at isa with Dennis?

Continue reading below ↓

Saad ni Eric, “Before we start the movie, Kim wants something different.

“That’s why she accepted it.

“Sabi niya, ‘I want a different me.’

“So, yun ang binitawan niya sa amin.

“Of course, hindi naman gagawin yun within the limitations also.

“Besides, I don’t want... hindi naman kami gumagawa ng R-rated film."

THREE LOVE SCENES

Ang love scene daw ni Kim with Dennis ay sa isang fireplace, samantalang ang kay JC naman ay sa kama at sa bathtub.

Hindi naman daw kinundisyon ni Eric nang todo ang Kapamilya actress dahil sa simula pa lang ay alam nitong may mga maiinit na eksena.

Sabi ng actor-director, “No, no, I don’t need to condition ‘cause it’s on the script.

“So, alam naman niya na and I will not naman... the intention is not to make an R-rated film.

Continue reading below ↓

“This is just to come up with a love scene na parang tama lang.

“May mga suggestion naman... what to wear.”

Ano naman ang mga limitation na hiniling sa kanya ni Kim?

Ayon kay Direk Eric, “Wala naman. Ako ang nagbigay ng limitations.

“Sabi ko, ‘Ganito lang ang gagawin ko.’”

Wala raw siyang narinig na pagkadisgusto sa kampo ng boyfriend ni Kim na si Xian Lim dahil naniniwala si Eric na done in good taste ang mga eksenang ito.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Actor-director Eric Quizon on Kim Chiu's love scenes in <em>One Great Love</em>: "Hindi mo ini-expect na gagawin ni Kim yun... Hindi naman kailangang mahahaba ang love scenes para dun sa... hindi naman namin na-achieve yung parang... It's three great love scenes."</p>
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results