Newcomer Shido Roxas gets stunned after kissing male co-actor

IMAGE Rose Garcia

Shido Roxas says he used to be timid and shy, but in his MMFF 2018 entry Rainbow's Sunset, he was able to do a kissing scene with male co-star Ross Pesigan in one take.


Ipinakikilala sa Rainwbow's Sunset ang newcomer na si Shido Roxas, na siyang gumanap sa papel na batang Eddie Garcia.

Graduate ng double degree sa kolehiyo si Shido at aminado ito na wala sa pangarap niya ang pasukin ang showbiz. Hindi daw niya inakalang mae-enjoy na niya ngayon ang pag-arte.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Shido sa isang pocket interview noong December 7, sa Frazzled Cook, Scout Gandia, Quezon City.

“Parang aksidente lang po talaga lahat,” saad ni Shido.

“Kasi, sa totoo lang po mahiyain po akong tao. I’m very shy, very conservative. Sa dati ko pong university, palagi akong inaanyayahan ng different organizations na mag-perform sa stage, pero ako naman, mahiyain talaga.

“So parang pangiwi-ngiwi lang, pa-cute lang sa stage. But when I had a visit in Los Angeles, naanyayahan ako ng isang modeling agency na sumali sa grupo nila, pero I said no. Wala po talaga akong hilig noon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Shido ay talent na ngayon ng LVD, na pinamumunuan ng talent manager na si Leo Dominguez. Ang LVD rin ang nagma-manage ng mga careers nina Ogie Alcasid, Snooky Serna, Paulo Avelino, at iba pa.

Pero kung ang nanay raw ni Shido ang masusunod, ang gusto raw nito ay mag-aral siya ng Law.

Tila naunsiyaming pangarap ito ng ina nang mabuntis na raw sa twin brothers ni Shido at hindi na pinayagan ang ina na ipagpatuloy ang pag-aaral ng Law.

“Kaso wala akong passion sa Law," paliwanag ng baguhang aktor. "Naka-waitlisted na ako sa isang Law school dito sa Pinas, pero hindi ko tinuloy."

Nakikita raw ni Shido noon na ang passion niya talaga ay sa negosyo. Lalo na nga at aksidente lang daw talaga ang pagpasok niya ng showbiz.

Ngayong 2018, introducing na siya sa isa sa mga official entries sa 2018 Metro Manila Film Festival.

Si Shido ang gumaganap na young Eddie Garcia sa pelikula, kasama sina Max Collins na siyang gumaganap na young Gloria Romero at si Ross Pesigan ang young Tony Mabesa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May kissing scene sina Shido at Ross sa MMFF 2018 entry na ito. 

Nanirahan sa Japan ng ilang taon si Shido at gayundin sa ibang bansa. Pero kilala raw niya ang beteranong actor na si Eddie Garcia noon pa man.

“He’s a prominent actor in the Philippines,” saad niya.

“Initially, prior to this Rainbow's Sunset, may nag-offer na movie na LGBTQ din na in-explain sa akin ni Tito Leo, my manager, kung ano ang gagawin. May kahalikan din pong lalaki na prominent figure rin po.

“I was very apprehensive at that time. 

“Sabi ko, 'Tito, hindi ko kaya yung may kissing scene,'” aniya.

Pero bakit ang Rainbow's Sunset tinanggap niya kahit may kissing scene siya with a guy?

“Hindi naman po sa picky, pero baka hindi pa lang po ako handa [noon]. Ngayon pa lang din ako nag-aacting workshop. Ayoko rin na matalakan tayo o mapahiya. Pero in-explain ni Tito na maganda ‘to, magagaling ang mga kasama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Originally, young Tony Mabesa po ako. Pero when we had a storycon at nang makita po nila ko, sabi nila mas bagay raw po ako na young Eddie Garcia than young Tony Mabesa.”

Dahil mukhang apprehensive siyang gumawa ng gay role na may kissing scene, tinanong namin si Shido kung paano ang naging paghahanda niya.

“It was a tall order for me,” lahad niya.

“Parang na-pressure ako noong sinabi nila na Eddie Garcia. Kasi, honestly po, I didn’t know what to expect. Magkahalong overwhelmed, masaya ako. Pero at the same time, nandoon ang kaba.”

Isa raw sa naging paghahanda niya ay manood muna ng mga pelikula ni Eddie Garcia, gayundin ang mga gay-themed films tulad ng Lihis nina Jake Cuenca at Joem Bascon.

Matagal daw silang magkausap ng manager niya saka pa lang sinabing may kissing scene siya sa kapwa niya lalaking actor.

“Parang 45 minutes na kaming magkausap, then, bigla niyang sinabi na, 'By the way, Shido, you have a kissing scene...' I said, 'Okay po.' Then he said, '...with a man.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ha! So, explain na naman siya and sabi niya, don’t worry, it’s with Direk Joel Lamangan and konti lang naman yun.”

Isang take lang naman daw umabot ang intimate scene nila dahil pinagsabihan din daw sila ni Direk Joel.

“Pinagsabihan kami ni Direk na, 'Shido, Ross, you have to do it once. Kung gusto niyong matapos 'to, gawin niyo nang maayos.'”

Kumusta naman siya pagkatapos ng take?

“Tulala po,” natawang pag-amin ni  Shido.

“May shiver na tulala.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN