Kim Chiu makes one request regarding her love scenes for MMFF 2018 entry

by Rose Garcia
Dec 14, 2018
<p>Kim Chiu on why she asked to do love scenes with Dennis Trillo (left) and JC de Vera on different days: "Hindi ko kaya na buong isang araw yun. Baka pagtingin ko sa salamin, wala na po akong labi."</p>
PHOTO/S: Noel Orsal

Pinaka-mature role ni Kim so far ang 2018 Metro Manila Film Festival entry na One Great Love.

Dito siya sumabak sa love scenes sa dalawang leading men niya: sina Dennis Trillo at JC de Vera.

Ayon kay Kim, hindi ito naging isyu sa boyfriend niya na si Xian at alam daw nito ang tungkol sa intimate scenes niya sa MMFF 2018 entry.

“Open na rin siya sa mga ganun. Rated PG siya actually, so ano naman siya, supportive naman siya at tinulungan pa nga niya ko kung paano ko sasagot sa mga tanong na ganito.

“Tapos sabi niya, siyempre lumabas ka sa comfort zone mo at hindi ka maggu-grow kung hindi mo isa-challenge ang sarili mo. Iba-ibang pelikula na rin ang nagawa ko so gusto ko, yung kakabahan ako kapag ginagawa ko.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa grand presscon ng pelikula na ginanap sa Valencia Events Place.

Aminado si Kim na hindi naging madali para sa kanya na maipakita ang maturity niya ngayon bilang isang aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi po ako nagpatawa rito, as in, wala talaga siyang touch ng comfort zone ko. Iba talaga. Pero, gusto ko rin ihatid ang kuwentong ito sa mga manonood kasi lahat naman tayo nagmahal, nasaktan, ibinigay natin lahat pero ganun.”

Ano ang kaibahan nina Dennis at JC pagdating sa mga love scenes nila?

“Ay! Grabe po yun, grabe po yun!” bulalas ni Kim habang natatawa.

“Basta, ang naisip ko, mas maganda palang gumawa ng ganun kapag hindi mo kakilala ang mga tao.

“Kasi, iisipin mo, actor kayo.

“Kailangan mong gawin ‘to para sa pelikula niyo, yung ganun lang.”

Paano ipinakita ng dalawang leading men niya ang suporta sa kanya?

“Hindi rin sila nagsasalita, hindi rin naman sila nagsasalita. Ayoko rin naman silang kausapin bago ko gawin. Naisip ko, better pala, hindi ka mahihiya sa kanila and after this, hindi na kayo magkikita,” natatawang sabi niya.

Open na ba siya sa mas mature roles in the future?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Depende,” sagot ng 28-year-old actress.

“Kung napapayag lang naman akong gawin yung mga scenes dahil kailangan sa pelikula.”

Sa tatlong love scenes niya na mapapanood sa pelikula, nag-request daw si Kim kung puwede na iba-ibang araw ito kuhanan.

“Hindi ko kaya na buong isang araw yun. Baka pagtingin ko sa salamin, wala na po akong labi.”

Kung ang director ng pelikula na si Direk Eric Quizon ang tatanungin, positibo ito na puwede raw mag-Best Actress si Kim sa pelikula.

“Ay grabe yun, manominado lang, masaya na ko,” lahad ng ABS-CBN actress.

“Dati, na-nominate rin ako sa All You Need is Pag-Ibig," pag-alaala ni Kim tungkol sa kanyang MMFF 2015 entry.

"Iba pa rin ang pakiramdam na ganun, ‘no? Ma-nominate ka, ma-appreciate ka."

Umaasa ba siyang mananalo siya sa MMFF 2018?

“Wala, hindi ako...mahirap umasa, lalo na sa pagmamahal. So ayoko, ayoko talaga. Ang gusto ko lang, mapanood nila ang pelikula at masabi nila pagkatapos na ay iba nga, iba nga…”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dugtong pa niya, “Grabe, wala pong ganun.

“Ayokong mag-expect, pero gusto ko na mapanood ito ng mga tao. Tinanggap ko ang pelikulang ito kasi gusto ko iba. At saka, ang dami namin ngayong araw ng Pasko. At gusto ko, isa ito sa mga unang papanoorin nila para makita nila ang pinaghirapan ko—lahat kami naghirap sa performance, para lang masabi nila na gusto kong makita ang ibang Kim.”

Confident ba siya na makakasama ang One Great Love sa top-grossing films ng MMFF 2018?

“Ay, wala po akong inaasahan na kahit na ano,” sagot ng Kapamilya actress.

“Sana, ang hiling ko lang ngayong Pasko, panoorin nila ang pelikulang ‘to.”




Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Kim Chiu on why she asked to do love scenes with Dennis Trillo (left) and JC de Vera on different days: "Hindi ko kaya na buong isang araw yun. Baka pagtingin ko sa salamin, wala na po akong labi."</p>
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results